struggling moments

2 0 0
                                    

Lumipas na ang walong taon.
Nagkatuluyan sina Hans at Faith. Sa kanilang college graduation sinagot ni Faith ng pormal si Hans.

And now, they are celebrating their 4th years of relationship officially.

Nakapagtapos na ng education sina Emily at Faith.

Naging private tutor online si faith para matustusan ang college life niya.

Habang si Hans naman ay nakapagtapos ng Management. And now may stable work na sa makati. Sa isang malaking kumpanya. As a managing staff.

Si Mark naman ay nagtungo sa America together with his parents,at doon niya itinuloy ang legacy ng pamilya bilang mga professional doctors. Ang mom and dad niya ay specialist sa dermatology,ang ate naman niya ay sa surgery,but he prefer to take gynecologist.. Sabi pa ng ate niya na bakit daw,pero ang sagot niya ay para maiba lang daw. Lalaking gynecologist.

Lumipat na ng tirahan si Faith nang makagraduate sa college, ayaw man ng pamilya ni Emily,ay wala silang magagawa.

Sa isang paupahan na malapit sa pinapasukan nitong public school bilang secondary teacher nanirahan si Faith.

At doon siya madalas puntahan ng nobyo pagkagaling nito sa trabaho. Sabay silang kumakain,nagkukuwentuhan ng mga nangyare sa buong araw, minsan ay doon natutulog si Hans,but never na isinuko ni Faith ang "bataan". Hans respect her.

Akala nina Hans at Faith ay happy ending na ang love story nila. Pero nagkamali sila nang minsan ay pormal niyang ipakilala si Faith sa kanyang ina.

*flashback 2years ago*
" andito na tayo, wag kang kakabahan ok?" Ang sabi ni Hans sa nobya habang hawak nito ang nanlalamig na kamay ni Faith.
Fresh Board passer si Faith that time. At nagseselebra din sila ng kanilang ika dalawang taon noon ng kanilang relasyon.

"Mama.."

Lumingon ang isang babaeng mga nasa edad singkwenta na pero napakasopistikada pa rin  ng aura. Mukhang nanggaling ito sa pagsusugal sapagkat kasalukuyan nitong inililigpit ang lamesang majongan. Marahil ay katatapos lang ng laro.

"Oh,andyan ka na pala. May pera ka ba riyan?" Paunang bungad nito sa anak sa halip na tanungin kung kamusta na ang magdamag.

"Ma, may kasama ako. Siya si Faith. Girlfriend ko po." Magalang na sabi ni Hans.

Tiningnan lang nito mula ulo hanggang paa si Faith. Tila inuuri ang buong pagkatao ng dalaga.

"Ayoko sayo! Makakauwi ka na!" Kaswal na sabi  ni Connie De Leon. Ang mapangmatang ina ni Hans.

"Mama!?"

"What? Prangka akong tao, alam mo yan,Hans! Ayoko sa kanya kaya pwede na siyang umuwi, at ikaw,bigyan mo ako ng pera at babawi ako sa napatalo ko kanina!" Sarkastikong sabi nito.

Napapailing lang na nag abot ng pera si Hans sa ina at saka umalis kasama si Faith.

Doon nalaman ni Faith ang pinagdaraanan ng Nobyo. Akala niya ang pagiging ulila niya ay isang malungkot na sandali na ng buhay niya, may mas malungkot pa pala kesa sa kanya,pero di halata.

"Sorry,Love..." Nakayukong sabi ni Hans sa nobya habang sakay sila ng taxi pabalik sa inuupahang bahay ni Faith.

"Its okey. Sa bahay na lang tayo. Cheer up! Okey lang yan. Ipagluluto kita ng paborito mo para sumaya ka." Nakangiting sabi ni Faith.

Nanatiling matatag ang relasyon nila kahit batid ni Faith na ayaw sa kanya ng nanay ni Hans.

*End of flashback*






Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now