confirmation

3 0 0
                                    

Han's POV
Sa dami ng appointments,gatherings,at business transactions na hinarap ni Daddy,bumigay ang katawan niya, kaya ang dapat na gagawin kong paghahanap kay Faith ay naudlot.
Pinili kong manatili sa tabi ni Daddy na ngayon ay nandirito sa private hospital at nakaconfine.
Almost 24hours na akong nagbabantay, nakalabas lang ako ng dumating si manang Rosa.

Tumungo muna ako sa cafeteria ng hospital. Bumili ng kape,. Tinatapik tapik ko ang batok ko habang nakaupo sa isang bench, iniinat inat ang aking mga braso bago sinimulang inumin ang binili kong ice coffee sa tin can.

Nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako sa gawi ng tumawag,.

Mama??

Ang tagal na din na di ko siya nakita. Siguro ay taon na rin. Di na siya yung mama na iniwan ko,iba na siya, walang kahit anong alahas sa katawan,napakasimple ng suot na damit. Nawala ang pagka elegante ni mama.
Nagbago na siya.

"Aba! Akalain mong buhay ka pa pala,pero di mo man lang nagawang uwian ako!?" Talak niya sakin nang makalapit ng husto.
Akala ko lang pala nagbago.
Itsura lang pala nagbago.
Ang ugali ganon pa rin.
Matapobre pa rin.

"Iniwan mo na pala si Rebecca! Ano ngayon ginawa mo sa akin? Dahil sa ginawa mo,kinuha nila ang bahay ko,ang pera ko!"
Nanggagalaiting sabi niya sakin.
Di ko alam at di ko maintindihan kung bakit kukunin ni rebecca ang bahay,pero wala na akong pakialam. Alam kong umaarte na namn ang nanay kong ito.
Tama ng sinakripisyo ko sa wala ang sarili ko.
Batid kong plano nila ni Rebecca ito para ako'y manipulahing muli.
Wala akong maramdamang awa sa mga sinasabi ng nanay kong ito.
My concerns are all in my Dad.
"Ano?! Titingnan mo na lang ba ako diyan? Wala ka mn lang sasabihin? Balikan mo si Rebecca,nang sa ganon maibalik ang pag aari ko!" Matigas niyang utos sa akin na animo ay isa akong batang paslit na maari niyang mapasunod sa nais niya ng ganoon lang kadali.
"At ano naman ang kinalaman ko sa pagkawala ng pag aari mo? Una sa lahat,nasa tamang edad na ako para manipulahin mo! Ikalawa,talagang pinuntahan ninyo ako dito sa ospital para lang sabihin ang mga iyan? Wow!" Bahagya akong pumalakpak,slow claps.. Parang insulto sa sinabi ng nanay ko.
"N-nagkataon lang na nakita kita dito sa cafeteria.." Sabi niya sakin na halata naman na nagsisinungaling siya.

"Yah,right..Next time,mama.. Galingan mo sa pag arte.. Baka next time makumbinsi mo na ako." Sabi ko sabay alis,naiwan ang nanay ko na nagpupuyos sa galit.
Hindi naman ako tuluyang lumayo, nagtago lamang ako,may ilang dipa lang ang layo ko kay mama,namumula siya sa galit. Mamaya ay nakita kong kinuha niya ang phone sa bag niya at may tinawagan.
We need to talk! Asap!
Sabi niya sa kausap niya.
May hinala akong si Rebecca ang kakatagpuin niya.
















******
Nang araw na iyon, inaya ni Mark si Faith sa isang dinner date. Kausap niya ito sa phone.

"Sure ka ba na ako ang iniimbita mo at hindi si Emily? Madalas kasi ang pag uusap ninyo." Birong sabi ni Faith.

"No. Ikaw talaga.. Napapadalas ba?.. Ano kasi..nag-nagpapaturo ako kung paaano ka maconvince na sumama sa akin makipag date.." palusot ni Mark sa kausap.

"Okay,fine.. Kung hindi ka lang malakas sa akin.."

"Really? Okay! I'll pick you up at 6pm."

"Alright. But we need to be here at 8,..alam mo naman,nagiging clingy si Hannah,baka bigla akong hanapin.."
"No worries!" Masayang inoff ni mark ang phone at naghanda sa date nila ni Faith mamaya.
Dagli siyang nagpareserve sa isang eleganteng restaurant at tinawagan din niya ang paborito niyang bilihan ng bulaklak at nagpapadala siya ng isang bouquet ng rosas.
"This is my chance.."










Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now