If only....

2 0 0
                                    

Han's POV

Sabik na ako na makita ang minamamahal kong si Faith, sana ay kahapon ko pa siya napuntahan kung hindi lang sa emergency meeting na yun.
Tinatahak ko ang lugar na sinabi ng investigator gamit ang kotse ko, bitbit ko ang bugkos ng pink roses na paborito ni Faith,at dala ko din ang pag asa na magiging isa na kami ulit.
Kung totoo man ang sulat na natanggap kong ipinagpalit na nga niya ako sa iba ay di ko hahayaan!
Babawiin ko siya sa Mark na iyon!









****
Emily's POV
Natataranta akong pumanaog patungo sa silid ni ate Cora karga ko si Hanna na walang tigil ang pag iyak, isang umaga na lang kasi ay bigla na lamang nagisingan ko si Faith na wala sa tabi ko.
Nag aalala ako na baka kung ano ang maisip gawin noon lalo at pakiramdam ko ay depressed siya sa di ko pa natutukoy na dahilan.
"Ate! Hindi mo ba napansing lumabas si Faith?" Nag aalala kong tanong sa kanya,.
Nagpupusod pa siya ng buhok niya at saka kinuha sa bisig ko si Hannah para kanyang patahanin,.

"Hindi. Baka naman pumasok na ng maaga?" Kaswal lang na sagot nito.

Hindi ko na nagawa pang magsabi sa kanya ng saloobin ko kung bakit nag aalala ako ng sobra. Basta ang alam ko lang kailangan kong hanapin si Faith.

"Ate,ikaw muna ang bahala kay Hannah, hahanapi— "

Napatigil ako sa pagbilin nang may kumatok sa pinto,. maagap kong binuksan iyon pero sa halip na si Faith ang nakita ko,.
Siya ang nakita ko.
Siya na dahilan ng pagdurusa ni Faith.
Siya na kinasusuklaman kong makita.
Si Hans.

"Ikaw?"

"Andito ka pala, PINSAN!" wika niya na tila may diin ang salitang pinsan,.na para bang pakiramdam ko ay ako pa ang nakagawa sa kanya ng malaking kasalanan?

"Anong— bakit narito ka?" Nauutal kong sabi.

"Bakit hindi mo ba inaasahang matatagpuan ko din kayo lalo na ikaw kahit pinagtataguan mo ako?" Sabi niya.
Kita ko sa mga mata ni Hans ang galit.
Na para bang gusto niya akong sakalin sa galit.

"A—anong pinagtataguan? Pwede ba, umalis kana lang? Tama na ang panloloko mo sa bff ko!" Taboy ko sa kanya.

Subalit di siya nasindak at ibinalik sa akin ang sisi. Sinisisi niya ako sa bagay na di ko alam kung ano.

"Para ano? Para muling itago sa akin si Faith? Paniwalain ninyo ng Mark na iyon na patay na ako? Akala ko pa naman kakampi kita! Pero ikaw pa pala ang gagawa ng rason para maghiwalay kami??!"

"Anong pinagsasabi mo?!"

"Pinadalhan mo ako ng sulat hindi ba,na nagsasabing susundan ako ni Faith sa macao para sabihin lang saking may iba na siyang mahal?"

Sa sinabing iyon ni Hans naging malinaw na sakin ang lahat.
Nilinlang kaming lahat ng tiyahin ko. Pati pala ako ay nadamay sa kalokohang ginawa ng tiyahin kong iyon.
Bakit siya pa ang naging kapatid ng mommy ko?
Wala siyang kaluluwa!
Wala siyang konsensya na pati ako ay idinamay niya, dahil ba bff ko ang babaeng ayaw niya para kay Hans?
So un fair!!

"...natahimik ka? Nalunok mo ba ang dila mo dahil buking ko na kayo? Ilabas mo si Faith,wag mo na siya itago sa akin!"

"Wala akong alam sa sinasabi mo! Pwede ba umalis ka na!"

"Hindi ako aalis! Babawiin ko si Faith!"

Sigaw niya sa akin.
Nakaumang na siyang ako ay paalisin sa pintuang kinatatayuan ko nang biglang may sumigaw sa likurang bahagi ni Hans.

"Ikaw ang lumayas dito!"

Sabay kaming napatingin sa kanya.
Umaapoy sa galit ang mga mata ni Faith na nakatingin kay Hans.
Subalit balewala lang ni Hans iyon at maagap pa rin niyang niyakap ito.
Ngunit tila parang yumakap lang si Hans sa isang patay na buhay.
Wala akong makitang reaksyon sa mga mata ni Faith kundi pagkasuklam.

Walang ano ano ay itinulak niya ito na ikinatumba ni Hans sa lupa. Kita ko sa mukha ni Hans ang pagkagulat.

"Ang kapal naman ng mukha mong paratangan ang tanging naging sandalan ko sa panahong nagpapasarap ka sa kandungan ng iba?! "

Ano?
Ibig sabihin ba noon ay alam na ni Faith? Pero sinong may sabi sa kanya? Patuloy lang akong nakinig sa conversation nila.

"Hayaan mo naman akong magpaliwanag—"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! "

Maya maya ay hinubad ni Faith ang singsing na suot.
Ang singsing na ibinigay ni Hans bago sila maghiwalay.

"Hindi ko na kailangan niyan! Pinagsisisihan kong pinatagal ko pa yan sa kamay ko!! "

At tuluyan nang pumasok si Faith sa loob ng bahay,umiiyak na dumiretso sa itaas na silid.

"FAITH!!"

"Tama na, umalis ka na lang!"

"Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hin—"

Hindi niya natapos ang pagsisi sa akin nang mapukaw ang atensyon niya sa umiiyak kong pamangkin,.
Kanina pa pala naroon si cora at naguusyoso sa komosyong nagaganap sa pagitan naming tatlo.

"S-sino ang batang yan? Anak ko ba siya?" Akma sana siyang lalapit pero mas maagap akong humarang.

"Wala kang anak dito! At lalong Wala akong alam sa binibintang mo! Yang nanay mong gahaman ang sisihin mo!! Gumawa ata yang nanay mong baliw ng sulat para sa inyo,tapos gagamitin pa ako!? The nerve! Umalis ka na dito habang nakapagtitimpi pa ako!"

Tapos ay binalingan ko ng tingin si cora na ipasok sa loob ng bahay si Hannah. Na agad naman niyang nakuha kaya pumasok na ito sa loob ng bahay.

Tila natigilan siya sa sinabi ko. Marahil ay nag exist na sa utak niya ang panlilinlang na ginawa ni tita Connie.

Matapos iyon ay nanlulumo itong sumakay ng kotse at saka umalis.

Agad ko naman pinuntahan si Faith sa silid namin. Tahimik siyang lumuluha sa sulok ng kama.

"Faith..saan ka ba galing? Sobra mo akong pinag alala!"

"Kailan ninyo pa alam ni Mark na niloloko ako ni Hans?"
Ang sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Dama ko ang
Tampo sa bawat salitang binitiwan niya. Dama ko ang guiltiness sa bawat tingin niya.
Nilapitan ko siya at humingi ako ng tawad.
Tumango tango lang siya at muling tumingin sa kawalan.

"Lumipat na tayo ng bahay.."

Wala sa loob na sabi niya sa akin.
Hinintay kong magkwento siya ng naganap pero wala akong narinig sa kanya na pagsumbong o paghingi man lang ng tulong.
Alam kong likas kay Faith ang pagiging malihim,.pero gusto ko pa rin malaman.

"Magreresign na ako sa pagtuturo, doon na lang kami ni Hannah mananatili sa bicol, sa natitirang lupain na pinamana ng magulang ni nanay sa kanya."

Dugtong pa niya.
Tahimik lang akong nakinig sa kung ano ang nais niya. Di na ako nakatiis at tinanong ko rin ang nangyari sa kanya sa school.

"Sige,gagawin natin yan,.pero matagal ng di natitirhan yung bahay ng lolo at lola mo doon baka puro damo na at ahas kawawa naman c Hannah."

"Madaling patayin ang ahas sa bahay,pero ang ahas sa buhay naming mag ina,kailanman di ko matatalo. Kaya kami na lang ang lalayo."

"....ang sinasabi mo ba ay pinuntahan ka ng asawa ni— " hindi ko magawang sabihin ng diretso sa mukha niya.
Pakiramdam ko ay sinasaksak ko ang puso niya sa sakit na malamang may asawa na pala ang taong ilang panahon niyang hinintay at umasang buhay na babalik sa kanilang mag ina.

Ngunit siya na din mismo ang nagdiretso ng sasabihin ko sana.

"...asawa ni Hans. Oo,pinuntahan niya ako,binalaan,pinagsabihan—" mamaya ay pumatak muli ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

"...ipinamukha niya sa akin kung gaano ako katanga! Ipinakita niya sa akin ang patunay ng panloloko sakin ni Hans.. Kung alam ko lang..kung sinabi ninyo lang sakin ng mas maaga.."

"Ayaw lang kasi kitang masaktan kaya di ko sinabi kung ano ang nakita ko,kaya si Mark ang sinabihan ko...sorry na Faith.."

"Mula sa araw na ito.. Kalimutan na nating may Hans na dumaan sa buhay natin,tutal sabi sa sulat na pinadala satin ng baliw niyang nanay patay na siya, so be it! Hans  is dead!" Sabi ko sa kanya habang yakap yakap ko siya.

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now