abduction

2 0 0
                                    

Hans pov

"Oh siya,maiwan na muna namin kayo diyan,mag usap kayo ng masinsinan." sabi ni emily habang buhat nito ang aming anak at kasunod niyang lumabas ang yaya marahil ng bata.

Naiwan kami ni faith sa loob ng salas, nagkatitigan at di alam kung sino ang unang magsasalita sa amin.

Nakatingin lang si faith sa akin. Subalit hindi ko mabasa sa mga mata niya kung ako ba ay namimiss niya o galit pa rin siya sa akin.

Sa tagal ng panahon,siya pa rin ang faith na minahal ko.

Ang maamo niyang mukha,ang nangungusap niyang mga mata, ang labi niyang mapupula na sabik ko ng hagkan muli.

"Love..."panimula ko, subalit lumuluha lang siyang nakatingin sa akin.

Sa sobrang kasabikan ay niyakap ko siya,subalit awtomatikong lumayo siya.

Nabigla ko ata siya.

Nananatili lang kaming tahimik na nakatayo.

Hanggang sa basagin na ni faith ang katahimikan..

"H-hindi ko alam kung saan magsisimula,.. " sabi niya na ngayon ay tila nakabawi na sa pagkabigla sa aking pagdating at ngayon ay nakatungo na nakikipagusap sa akin.

"Hindi mo naman kailangan alamin kung saan magsisimula,. Andito na ako,bumalik para sa inyo ng ating anak.." wika ko sa kanya habang hawak ang kanyang mga kamay.

Tumingin siya sa akin na may pagtataka.

"Anak? Natin? Paanong—— ah..marahil sinabi ni emily sa iyo." napailing siya sa tagpong iyon.

"Walang sinasabi si emily tungkol sa bata.. Basta naramdaman ko lang.. Faith,andito na ako,. Lets start a new life.."

"Hindi ko alam.. Naghintay ako hans hanggang sa kaya ko,.hanggang sa kaya ko.." tila nasamid pa siya nang sabihin iyon sa akin.
" Pero,hindi pa pala sapat ang maghintay lang.. Nakakapagod din pala.." dugtong niya na nagpakaba sa dibdib ko.

Para akong pinagpapawisan sa binibitiwang salita ni faith sa akin.

"Hindi mo na ba ako mahal? Faith?" nababasag na ang boses ko sa kabang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay masasayang ang ilang taon kong paghihintay.

"S-sorry pero.. Mabuti pa na balikan mo na lang ang pamilya mo.."

"Ikaw,kayo ng anak natin ang pamilya ko! Ano ba faith!?" medyo tumaas na ang boses ko, hindi sa galit ako sa kanya kundi nagagalit ako sa sarili ko na pinatagal pa ito.

Kung hindi ako nagpadaig sa takot,maaga ko sanang nalaman ang panlilinlang ni mama sa aming dalawa.

"Patawad,pero..sa tingin ko mas ok na kami na wala ka. Umalis ka na,payapa na kami dito."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig kong iyon, pero parang may nagsasabi sa akin na huwag maniwala sa sinabi ni faith.

Hindi na ba niya ako mahal?
Masyado ba akong nasiraan ni rebecca para ipagtabuyan niya ako ng ganito?

"Faith naman?! " pilit kong tinitingnan ang mga mata niyang iniiwas niya ng tingin sa akin.

"Narinig mo ako, sabi ko umalis ka na." sabi niya muli na may malamig na himig.

"Hindi faith! Ipaglalaban kita,kaya nga ako nandito kasi ipaglalaban ko ang dapat ginawa ko na noon pa! Pabayaan mo naman akong magpaliwanag sayo."

"You don't have to explain anything. Hans,hindi paba malinaw sa iyo? Ayaw ng mundo na magsama tayo! Kaya please.. Go! sundin mo ang gustong babae ng mama mo!"
May galit sa boses niya pero nasisiguro kong nagsisinungaling siya. Ni hindi niya ako matingnan ng direkta sa mata.

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now