forgive and forget..

5 0 0
                                    

"Good afternoon po.." magalang na tugon ni faith sa matandang rosales.
Nagulat pa ng bahagya ang matanda. Hindi niya inaasahang makikita roon ang babaeng minsan niyang tinulungan.
At muling pinag tangkaang paslangin ng sarili niyang anak.

Hindi batid ng ginoo kung anong ipakikita niyang emosyon,sapagkat siya mismo ay lumulubog na sa kahihiyan dahil sa ginawa ng anak.

"P-patawarin mo sana siyang muli.." ginagap ng ginoo ang kamay ni faith at nagmamakaawa awang tiningnan siya nito.

"Maari ko po ba siyang makita?" sagot ni faith sa halip na tugunan ang pakiusap ng ginoo.

Pinaunlakan naman sila nitong dalhin sa pribadong silid nito.
Subalit hanggang labas lang sila. Bawal na sa mismong loob.

Sa pintuang may bintanang salamin,nakita ni faith ang kalagayan ng dating karibal.

Nakahiga sa single bed nakasuot ng stray jacket, nakabenda ang ulo,at bumubulong bulong sa hangin.
Awa.
Iyan ang nararamdaman ni faith para sa karibal.
Matinding awa.
Nagmahal lang naman siya.
Sumobra lang marahil.
Dapat ba siyang naguilty? Dapat ba ay nagpa ubaya na lang siya?

Hindi. Ginawa at sinunod naman niya ang nais nito noon.
Pero,sadyang para sa kanya si hans. At hindi niya iyon dapat pagsisihan.

"Bago kayo dumating ay nagwala siya, sinasabi niya ng paulit ulit na papatayin ka niya para magsama na silang tatlo ni hans at jay..."

Natauhan si faith at napatingin sa ginoo na kanina pa pala lumuluhang minamasdan ang anak.

"Nasaan na po ang anak niya?" singit ni emily sa pag uusap.

"Nasa pangangalaga ko.. Faith,.. Iha..alam kong mali itong ginawa kong dito siya ikulong sa kabila ng ginawa niya sayo..pero,mas nanaisin ko na kaysa sa tunay kulungan ng may sala sa batas.."

"Aba! Siguraduhin ninyo lang di na makakalabas ang baliw na—" natigilan si emily sa pag tungayaw nang tabigin siya ni faith sa braso.

"Bes..ahh, sir..wala pong kaso sa akin.. Nauunawaan ko po ang nangyayari.. At narito po ako para lang makita siya,patawarin na rin sa lahat ng atraso niya."

"Napakabuti mong bata,..sana ay naging tulad mo rin ang anak ko,pero..kasalanan ko rin bakit siya natulad sa nasira kong asawa.. Dahil pabaya akong haligi ng tahanan.." nakayukong sabi nito.

"Sir..hindi po sa ganon.. Kung ganoon po kayo ay sana hinayaan nio na rin ang anak niyang si jay. Minsan po kasi,sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao,nabubulag na tayo sa realidad ng buhay,nalilimutan na natin ang ibang tao na pwedeng masaktan para sa ikaliligaya ng mahal natin,.. Sir, every body has a second chance.. Tandaan nio po yan.."

Napatingin si mr.rosales kay faith, namangha sa positibong pananaw ng babae sa buhay.

"Napaka swerte ng mga magulang mo at nagkaroon sila ng anak na tulad mo.. bagay talaga sayo ang ngalan mo, FAITH means PANANALIG." may ngiting sabi nito kay faith.




























*****
Nasa bahay na muli niya sa bicol si faith, magaan ang pakiramdam,sa kabila ng nangyaring trahedya sa buhay niya.

"Good morning!!" bati niya sa hangin pagkabukas ng bintana niyang yari sa capiz shell.

Tinahak niya ang kusina at nilapitan ang abala sa pagluluto ng agahan na si cora.

"Good morning,ate!!"

"Good morning, ma'am! Sandali at tatawagin ko lang ang mag ama mo,.para makapag almusal na." sabi nito.

"Ako na po ate.." boluntaryo niya sabay kuha ng bagong lutong bacon sa pinggan na nasa mesa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now