release

1 0 0
                                    

Masamang masama ang loob ni Hans,hindi niya matanggap na naunahan siya ni Rebecca,na tinotoo nitong hahanapin si Faith para siraan siya. Hindi man niya direktang itanong ay kita naman sa naging reaksyon ni Faith nang magkita sila.

Lumuluha siyang minamasdan ang itinapong singsing ni Faith sa knya.

Nanghihinayang sa pitong taon nilang pagmamahalan, at naitatanong niya sa sarili kung anong nangyare sa kanilang pagmamahalan?
Nasaan na ito ngyon?

Ibinuhos niya ang sama ng loob sa isang bar na nadaanan niya pabalik ng manila.

Mula sa pagbukas hanggang sa magsara na ang bar ay wala siyang tigil,kahit anong udyok sa kanya ng staff ng bar ay wala siyang pakialam.

Kaya nagdesisyon ang owner na kunin ang wallet niya sa bulsa ng pants niya habang siya ay tulog at kumuha ng calling card na pwedeng tawagan para sunduin siya.

"Sir, we've been calling your Father,He's on his way now.." Anang owner na lalaking matanda lang ng kaunti sa kanya.

Mayamaya ay dumating na si Mateo,at dahil may edad na rin kaya nagpatulong siya sa ilang bouncer na dalhin ang anak sa kanyang kotse.

"I'm sorry for the inconvenience,my apologies, here,take this.. " iniabot niya ang limang libong piso,sobra pa sa bill na nainom ng anak.

"Keep the change.."

"Thank you,sir." Nakangiting sabi ng owner.







*****
Hans POV

Ahh..ang sakit ng ulo ko! Teka paano ko nakauwe?

Nagtataka ako nang magising ako isang umaga na nasa kwarto ko na at nakapantulog pa,samantalang huli kong natatandaan ay nasa isang bar ako at umiinom,.
Nagbabaka sakali na mabura ng alak ang sakit ng loob ko.

Pero..

Hindi..

Andito pa rin sa puso ko ang sakit at kirot ng pagtaboy sa akin ng pinakamamahal ko..

Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko para magtimpla ng kape,

Nagisnan ko si Dad sa dining, tahimik na nakaupo sa kanyang silya at tila hinihintay akong magising.

"How are you,son?"
Bati niya sa akin na parang may coldness feeling.

I know.
He's disappointed.
And I'm absolutely understand.

"Good morning Dad, " naupo ako sa silyang katabi ni Dad sa kanan,.

May nakahain na sa mesa na almusal, hotdog,fried eggs,bacon,sliced bread,hot coffee, pero parang wala akong ganang kumuha kahit isa.

"..have you ever wonder how you get home?"

Tanong niya sa akin habang kumukuha siya ng pagkain at inilalagay sa plato ko.

Wala akong maisagot.
Dahil hindi ko rin alam kung paano.

"..sinundo kita. Someone calls me,and say your on drunk. Now,tell me son.. May nagbago ba? Nabura ba ng alcohol ang problemang meron ka ngayon?"

Sa tono ng pagsasalita ni Dad ay tila sinesermunan niya ako. For the longest time of my life,ngayon lang ako masesermunan ng isang ama.

Palaging ang boses ni mama ang naririnig ko,sermon na walang sense.

But this time, iba.

May sense ang usapang ito.

"Sorry po daddy.. Masama po ang loob ko,.nabigo akong bawiin si Faith.."

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now