finding the truth..

2 0 0
                                    

"Hey! Pare,anong masamang hangin ang nagdala sa iyo sa office ko huh?" Birong sabi ni Anton,nang isang umaga ay puntahan niya ito sa Hr department.

"Bc ka?" Tanong ni Hans sa kaibigan.

"Medyo, inaayos ko itong papipirmahang papers sa Dad mo,.. Why?"

"Wala naman. May gusto lang akong malaman.."






******

Hans POV
Sa impormasyong  nakuha ko kay Anton,nalaman ko kung saan ang clinic ni mark sa maynila, after ng office hour ko which is 4pm ay tinungo ko ang nasabing clinic.

Sakay ng kotseng ibinigay sa akin ni Dad,at ako ang nagmaneho,sa di kalayuan ay natanaw ko sa parking lot ang kotse ni Mark,same car na nakita kong minaneho niya noong time na makita ko sila ni Faith.
Madling makita ang clinic,nasa ground floor lang naman kc ito ng isang pribadong ospital sa quezon city,.
Pinasok ko ang clinic, may dalawang buntis na pasyente sa loob at isang babaeng assistant siguro ni Mark,nasa front desk ito.
"Magandang hapon po sir,ano pong sadya nila?" Bati sa akin ng babae sa front desk na bata lang ng kaunti sa akin.

"Hinahanap ko si Dr. Lim,.. Kaibigan niya ako, gusto ko lang makipagkamustahan.." Pagsisinungaling ko.
Mayamaya ay tumunog ang hawak niyang celphone,may nagtext ata.
Tapos ay tumingin siya sa akin.

"Sorry po sir,nakasalang po si doc sa emergency room today. May paaanakin po siya at matatagalan po iyon.." Wika nito sa akin.
Batid kong nagsisinungaling siya. Batid kong inutusan siya ni Mark para magsinungaling.
Hindi na ako nangulit pa.
"Sige miss,pakisabi na lang na dumaan ako. Dumaan si Hans De Leon! "Sadya kong diniinan ang pangalan ko,yung diin na may lakas upang sapat na madinig niya. Dahil batid kong naroon lang siya sa isang silid at nakikinig.






****
Mark's POV
Paano niya kaya nalaman? Hindi kaya itinuro ni Anton?
Halos katatapos ko lang sa pasyente ko, palabas na sana ko nang maulinigan kong may kausap sa labas ang assistant ko.
Pamilyar sakin ang kanyang tinig.
Si Hans!
Sumilip ako sa blinds ng bintana na nakasara at hindi nga ako nagkamali.
Agad kong minessage ang assistant ko.
Tell to that man that I'm not here!
Mabuti at madaling nakuha ng assistant ko ang gusto kong ipahiwatig.
Nang siya ay makaalis na,saka ako lumabas ng room. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sumakay siya ng kotse niya at umalis.

"Next time na bumalik dito ang lalaking iyon,idahilan mong wala ako dito,okay?" Mahigpit kong bilin sa assistant ko.

Tila nais niyang magtanong subalit hindi na lang niya itinuloy at tumango na lang siya sa utos ko.

Ayokong makausap si Hans,ayokong makausap ang taong nanakit sa babaeng minsan ko ng ipinaubaya,pero pinaiyak niya lang at nilinlang.
Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede kong magawa sa kanya.
Baka malimutan kong lesinsyado akong doktor.



















*****
Dahil bigong nakaharap ni Hans ang doktor,. Umisip siya ng pwede niyang mapag alaman kung nasaan si Faith.
Tinungo niya ang tirahan ng pinsang si Emily.

"Manang,si Emily?" Tanong ni Hans sa mayordoma nila Emily nang magtungo siya roon at magkataong nasa hardin ito at nagmamando sa hardinero ng mga gagawin sa halaman ng amo.
"Sir Hans! Ikaw pala.. Wala si ma'am Emily dito. Nasa trabaho." Sagot nito sa kanya.

"Saan? Ako na ang pupunta. May gusto lang akong alamin.."

"Ay,sir. Alam mo naman ang protocol sa bahay na ito. Hindi dapat nakikialam ang tulad namin sa personal na buhay ng amo namin. Kasama na doon ang impormasyon.."

"....alam ko naman yun manang,kaso,urgent lang talaga kaya sige na kahit yung lugar lang. "
Subalit umiling lang ito sa kanya.
"Fine...anong oras ba uwi niya,babalik na lang ako bukas.."

"Iba iba ang oras ng uwe niya. Tyambahan lang. Alam mo naman ang pinsan mo na iyon,masyadong layas. Pero hayaan mo at sasabihin ko sa kanya na dumaan ka."

Walang nagawa si Hans kundi ang umalis na lang.
Nang makaalis ang bisita ay mabilis itong tumawag sa among si Emily na kasalukuyang nasa cavite.





Emily's POV
Midweek na namn at nandito ako ulit sa bahay ng bff ko,patapos na naman ang klase at magbabakasyon na naman.
Mas gusto kong mag spent ng oras ko dito kaysa sa bahay namin,na madalas ay ako lang mag isa at minsan nakakausap ko ang mga kasambahay namin.
Papunta ako dito sa cavite nang matanggap ko ang tawag ni manang cel, na nagsasabing dumaan daw doon ang pinsan kong si Hans.
Nag uumpisa na siya.
Sinisimulan na niya ang maghanap.
Pero para saan pa?
Gayong may asawa at anak na siya.
Magiging lubos na kaawa awa lang ang bff ko sa taong iyon.
Ibinilin ko kay manang na wag sasabihin kung nasaan ako.
At ang sagot niya lang ay alam daw niya ang protocol na binuo ni daddy bago pa ako isilang sa mundo. Yun ay ang huwag magbibigay ng information sa kahit kanino,kahit kaanak pa.
So nakaramdam ako ng relief.

"Faith,matanong ko lang..kelan mo planong pabinyagan itong si Hannah? Mag iisang taon na ito next week pero wala akong nadinig na plano sa iyo. Balak mo ba isabay sa first birthday niya? "Tanong ko kay Faith isang umaga habang sabay kaming nag aagahan,bago pumasok sa trabaho.

Katabi namin si manang Cora na abalang nagpapakain kay Hannah.

"Hindi naman,gusto ko lang sana na kumpleto kami----" natigilan siya nang putulin ko ang sasabihin niya.

"...patay na si Hans! Sino pa ang hinihintay mo?!"

"Bes,naniniwala ka talaga na wala na si Hans? Kasi ako,hindi!" Tiim bagang niyang sabi sa akin.

Batid kong nasaktan ko ang damdamin niya.
Batid ko rin sa sarili ko na nagsisinungaling ako sa bff ko pero mas pipiliin ko na iyon,kaysa naman ang makitang masaktan siya sa katotohanang natuklasan ko.
Tumayo ako at niyakap siya mula sa likod,
"...sorry na bes.. Sige,kung kailan ka handa,susuportahan na lang kita."
Hinawakan niya ang kamay ko. Hinimas himas niya. Tanda na kumakalma na siya at okay na kami ulit.
"Oh,siya. Ihahatid na kita sa school mo, at ako naman ay babalik na ulit sa manila,para gumawa ng examination for last quarter ng students ko."

"Sige. Ate Cora,mamaya na lang ulit.." Sabi niya kay Ate Cora.

Humalik siya sa kanyang anak at sabay kaming lumabas ng bahay,hinatid ko siya sa kotseng binigay sa akin ni Daddy.

At ako naman ay dumiretso na pabalik sa maynila. Pero hindi para pumasok sa trabaho, dahil plano ko ng magresign bilang teacher. Mas prefer ko na lang mag online teaching at least nakakapunta ako sa cavite anytime.

Pasado alas dos na ng hapon ako nakauwi ng bahay. Inabot ako ng rush hour.
Pag uwe ko sa bahay, sinalubong ako ni manang cel.
Inalok niya ako ng hapunan,subalit sinabi kong inaantok ako.
Sinabi din niyang tumawag ang fiancee ko sa Singapore.
Yes!
You heard me right.
I have my bf.
Nagmeet kami last month when i had my vacation with my mom and dad.
Anyway,binilin din ni manang na muling bumalik si Hans at nag iwan ng tarheta,just in case daw na umuwi na ako ng bahay.
Nakahiga na ako sa kama ko,tinitingnan ang tarhetang bigay ni manang.
Mr.Hans Patrick de Leon
Managing director
Delgado shipping line...
Delgado??
Nasa poder na ba siya ngayon ng ama niya?
Ipinilig ko na lang ang aking ulo at inilapag sa side table ang tarhetang hawak ko,saka ko ipinikit ang aking mga mata upang matulog.

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now