"So ano, bes? Gusto mo ba na ihatid na kita muna sa apartment mo? " tanong ni Emily sa kaibigan na simula pa kanina ay di na umiimik.
Namumutla na si Faith,pero di pa rin nito nais na umuwi. Nasa isang parke lang sila at nakaupo sa isang bench sa silong ng mangga.
"Bes! Huy!" Tapik niya rito. Pero parang tila natutulala lang itong nakatingin sa kanya. Hanggang sa bigla na lang itong bumulagta sa dibdib niya na ikinabigla niya.
"Tulong!!!"
Isang binatang nagjojogging ang nakarinig sa kanila at agad tumulong. Hindi na tiningnan ni emily kung sino ang taong iyon. Marahil ay sa pag aalala.
Napatigil siya nang magsalita ang lalaki."Emily? Emilia de leon Sanchez?"
Inangatan niya ng tingin ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niyang bilugan nang matanto kung sino ang binatang akmang tutulong sa kanila.
"Mark? Mark André Lim? Ikaw na ba yan?"
"Oh my, kamusta na?"
"Mamaya na ang kamustahan, help me lift her up. Saan ba may ospital na malapit dito?"
Doon lang napagtanto ni mark na ang babaeng nawalan ng malay ay si Faith nang isandal na siya ni Emily sa braso ni Mark. Muling nanumbalik ang kaba sa dibdib niya na pilit niyang pinag aralang kalimutan.
"Hoy! Mark!?"
"Sorry, tara na ihahatid ko na kayo."
Sa isang pribadong ospital sa quezon city sila dinala ng kotseng minaneho ni Mark,
Mabilis niyang binuhat ang dalagang walang malay at itinakbo sa emergency section."Stretcher! Stretcher!" Sigaw niya.
Humahangos na sinalubong sila ng nurses and medical aide.
"Check her vitals,faster!" Utos ni Mark sa isang babaeng nurse.
"Yes,doc."
"Doc? Doctor ka dito?" Nagtatakang tanong ni Emily habang abala ang mga naroon sa pag asikaso kay Faith na wala pa ding malay.
Tumango lang ito,habang minamasdan ang galaw ng staff.
"Doc,her vitals are good." sabi ng nurse after ng ilang minuto.
"Get her CBC,and urine samples then proceed to my clinic." Muli niyang utos.
Saka lamang niya hinarap si Emily.
"Yes. Isa itong ospital na ito na pag aari ng pamilya namin. At yes,im one of the doctors here." Pormal nitong sagot sa mga tanong ni Emily kanina pa.
Nagpaalam muna siya kay Emily na aalis. At antayin ang result na dala niya. Sa sobrang pag aalala,saka lang napansin ni Emily ang pangalan ng ospital base na din sa nakatatak sa bed sheet at punda ng unan na kinahihigaan ni Faith.
Dr.Menandro Andrada Lim memorial and medical center
Totoo nga.. Pangalan ng Lolo niya ang nakalagay dito...
Napakalayo na ng kanyang narating...A few moments ay nagising na si Faith. Nagtataka kung bakit at anong ginagawa nila sa ospital na iyon.
"nawalan ka lang naman ng malay,mabuti at may tumulong sa atin."
"Sino?"
Bago pa man sumagot ay dumating na si Mark. Nakadoctor suit na ito at dala ang chart. Malayo sa ayos niya kanina na naka sports wear.
"Kamusta?"
Pilit iniisip ni Faith kung sino ang Doctor na dumating. Pamilyar sa kanya ang mukha nito.
YOU ARE READING
Chances(Faith & Hans love story)
RandomThey have the same school,same circle of friends, but never in their life realized that they both have the same feelings.. will their love for each other lasts? Even if someone don't want them to be together? And giving chances to anyone does make...