Han's POV
"Son?" Dinig kong tawag ni Dad sa akin,subalit abala ako sa pending paper works na inuwi ko na sa bahay para trabahuhin dahil sa three days na pag ka confine ni Dad sa ospital,sabi ng doctor niya over fatigue daw.
Pumasok si Dad sa study room kung nasaan ako."How many times do i tell you,paperworks are done in office,not at home!" Sabi niya at isinara ang laptop ko,na bahagya kong ikinagulat kaya napatingin ako sa kanya.
Nakasuot siya ng white polo shirt at kaki shorts,hatak niya rin ang kanyang golf set,napailing na lamang ako sa kakulitan minsan ng tatay kong ito.
"Dad,di ba sabi ng doctor ninyo rest well.. Ano't dala ninyo na naman yang golf set ninyo?" Sabi ko sa kanya.
Pero ngumiti lang siya sa akin.
"Lalo lang akong magkakasakit kung nasa kwarto lang ako at nakahiga.."katwiran niya.
Wala na akong magagawa, taas kamay akong tumayo suko na ako sa tigas ng ulo ng tatay ko.
"Fine,sasamahan ko na kayo."
"Much better!" Sagot niya sakin na lalong naningkit ang mga mata sa saya nang sabihin ko iyon.******
Mark's POV
"Ready na ba kayo?" Tanong ko kay Faith isang umagang sinundo ko sila. Medyo nakarecover na si Faith sa nangyare last time na nagdate kami,and since wala si Cora dahil nag day off ito,at si Emily naman ay sinama ng kanyang magulang sa Singapore for vacation,ako muna ang bahala sa mag ina.
"Ready na..." Sagot ni Faith habang isinasara ang pinto ng bahay ay kinuha ko ang baby bag na dala niya,habang si baby Hannah naman ay nasa baby carrier na sukbit niya.
"...saan ba tayo pupunta?"
tanong niya sa akin.
Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse,sa tabi ng driver's seat."Hop in. Mag eenjoy kayo doon,kelan ko lang nadiscover yung place,i realize na maiibigan mo rin,. It's an amusement park plus may golf course sa tabi kaya may ibang ambience kang makikita.." Paliwanag ko pa.
"Okay.."
Siniguro kong nakaseat belt na sila bago ko isinara ang pinto at saka ko sumakay sa driver's seat at pinaandar ang kotse.******
"Dad,saan na naman ba kayo magtatabas ng damo?" Birong sabi ni Hans sa ama habang pinagmamaneho niya ito."Magtatabas ng----damo???" Kunot noong tiningnan nito ang anak.
"Just joking Dad, i mean,golf,.."
"Ahh!..." At tumawa siya ng bahagya.
"Sa cavite,. Inimbitahan ako sa bagong tayong golf course at amusement park ng kumpadre ko,." dugtong pang sabi ni mateo sa tanong ng anak.
*****
Nakarating na sila Mark at ang mag ina sa park. Isang malawak na parke na marami ang namamasyal,may naglalaro ng out door games,may nagpipicnic sa silong ng punong mangga,may mga nag DA jogging,bisekleta,at kung ano ano pa, maaliwalas ang paligid,masarap paglipasan ng magdamag.
Sa kabilang lote naman makikita ang malawak na golf course,.
Pinili nilang sa isang cottage na malapit sa puno ng mangga mamahinga.
"Hindi ba,sabi ko sayo na maiibigan mo dito?" Tanong ni Mark habang iniaayos ang dala niyang picnic basket."Oo! Napakalinis ng hangin! Ang ganda ng lugar. At nakakatuwa naman na may golf course sa tapat.. "sabi ni Faith habang tinatanggal ang carrier sa katawan niya at mailipat si Hannah sa dalang stroller na binili ni Mark bago niya sunduin ang mag ina.
"....ang ganda nitong stroller na binili mo Mark para kay Hanna,pero sana ay di ka na nag abala pa,. Masyado na akong madaming utang sayo.." Dugtong pa ni Faith."Wag mo isipin yun, advance gift ko yan, yun na lang isipin mo.. Gutom ka na ba? Nagpaluto ako sa maid namin ng food natin,nagpagawa din ako ng sandwiches,." Alok ni Mark.
"mamaya na,ipapasyal ko muna si Hanna,sayang ang magandang sikat ng araw.."
Iginiya na nito ang stroller sa pathway ng park,.
"Wait.. Aayusin ko lang ito. Sasamahan ko na kayo.." Nag aapurang ibinalik nito ang pgkain sa basket at ibinalik sa likod ng sasakyan niya, upang di mapakialaman ng ibang namamasyal doon.
Nagpalibot libot sila na animo ay isang pamilya.
Pakiramdam ni Mark ay mag ina niya ang kasama niya. Kung maari lang ay ayaw na niyang matapos ang araw na ito.
Halos may isang oras ding naglakad lakad sila,hanggang umiyak na si baby Hanna kaya bumalik na sila sa cottage kung saan katabi rin noon ang kotse ni Mark,. Binuksan muli ni Mark ang compartment para makuha ang bag na naglalaman ng feeding bottle ni Hanna,
Sa pag aapura ay aksidenteng nagsabay ang kamay nila sa pagdampot sa botelya, naipatong ni Mark ang kamay niya sa kamay ni Faith, bigla ay pansamantalang tumigil ang mundo nila, saglit silang nagkatinginan,subalit maagap na umiwas ng tingin si Faith. At pinasuso na ang anak na patuloy sa pagpalahaw."H-hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay mo,Faith.." May pagkailang na sabi ni Mark.
Saglit na tumahimik ang sandali sa kanilang dalawa. Hangang basagin na muli ni Mark ang katahimikan.
"Faith,.. may gusto lang akong malaman.."
Tila ba batid na ni Faith ang sasabihin ng binata kaya inunahan na niya ito.
"...I'm sorry Mark,pero hindi pa ako handa.." Sabi nito na may lungkot sa boses at ni hindi makatingin ng tuwid kay Mark. Nagkukunwaring abala sa pagpapasuso ng anak na ngayon ay nahihimbing na.
*******
Han's POV
Ang ganda namn ng lugar na ito,maaliwalas ang paligid."You like the place,son?" Tanong sakin ni Dad habang iniaabot niya sa caddie ang kanyang golf set. Sakay ng coaster ay kita ko ang malawak at berdeng golf field,.
Masaya kaming sinalubong ng kanyang amigo,na sabi ni Dad ay ang may ari ng golf field na iyon,.
And, as usual usapang business while playing.
Sa tagal ko ng sinasamahan si Dad na maglaro,never kong naibigan ang golf. I don't have a time also to learned it.
Alam kong magtatagal pa ang laro nila kaya nagpaalam muna ako kay Dad na maglilibot. May nakita kasi akong park sa tapat. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kanina pa ako gustong dalhin doon ng mga paa ko.
Sa aking paglalakad ay marami akong pamilyang nakikita,nagpipicnic habang nakaupo sa berdeng damuhan, may mga naglalaro ng outdoor games. May muntik pa na badminton racket ang tumama sakin nang mapadaan ako, dadamputin ko sana pero naunahan ako ng batang may ari,matapos na mag sorry ay tumakbo na ito palayo, napatingin ako sa gawing tinakbuhan niya.
Hanggang bigla ay bumilis ang kabog ng dibdib ko,
Nang makita ko siya.
Sakay ng isang itim na kotse.
Di naman kalayuan mula sa kinatatayuan ko ang pag daan ng kotse kaya sigurado ako.
Si Faith iyon!
Ang pinakamamahal kong si Faith!
Hanggang maalala ko ang natanggap kong sulat.
Na nagsasabing balak akong sundan daw ni Faith sa Macao para ipaalam na may iba na siya.
Tila ba nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.
Posible ba na si Mark ang lalaking ipinalit niya sa akin?
O baka nataon lang na si Mark ang kasama niya na nakita ko?
Dapat ko na alamin ang totoo!*******
"Son, are you okay?" Tanong ni Mateo sa anak.
Simula ng bumalik ito galing sa paglalakad ay tahimik na ito at tila may malalim na iniisip."Yes,daddy. Mauna na po ako sa room ko Dad,pahinga na po kayo." Wika ni Hans nang makauwi na sila ng mansion.
*****
Posible kaya na isang kasinungalingan lang ang sulat na natanggap ko mula kay Emily? Si Emily nga kaya o baka gawagawa lang ni mama at ginamit lang si Emily para linlangin ako?
Ahhh!!! Gulong gulo na ako! Kailangan ko na talaga ng sagot!
Bahagya kong ginulo ang buhok ko at nasabunutan dahil sa sobrang pagiisip.
Kailangan ko na talaga malaman kung sino kina mama at Emily ang dapat managot kung bakit nagkawalay kami, at nakita ko,may kargang bata si Faith. Posible kayang anak namin iyon? O posible ding anak nila ni....
Hindi.
Hindi ganoong klase ng babae si Faith!
YOU ARE READING
Chances(Faith & Hans love story)
RandomThey have the same school,same circle of friends, but never in their life realized that they both have the same feelings.. will their love for each other lasts? Even if someone don't want them to be together? And giving chances to anyone does make...