Sakay ng private plain na pag aari ng pamilya ni Mark,ay tumulak sila sa Davao nang sumapit na ang bakasyon ng mga estudyante.
Ilang oras lang ay narating na nila ang bayan ng san Mariano, sinundo sila sa airport ng isang itim na SUV upang dalhin sa ancestral house ng pamilya lim.
Manghang mangha kapwa sina Emily at Faith sa ganda ng bahay,maging ng buong paligid.
Paano ba naman ay matatanaw mo agad ang dalampasigan,ang asul na karagatan at ang puting puti na buhangin. May iilang puno ng niyog sa tabing dagat kaya di gaanong mainit lakarin ang buhangin!
Ang bahay ay ubod ng laki. May pitong silid tatlo sa ibaba at apat sa itaas, kumpleto sa gamit at kahit may kalumaan na,masasabing matibay pa rin dahil sa mga nag aalaga rito.
Napalilibutan din ng mga bulaklak ang hardin ng bahay. Mahilig daw kasi sa orchids ang mama ni Mark at libangan daw ng mama nito ang magtanim kapag naka bakasyon mode ang family.
"Ang laki laki ng bahay! Hindi ba nakakahiya sa parents mo kung magtagal tayo dito? Mahaba haba din ang bakasyon ng mga bata." Nag aalangang wika ni Faith.
"Ano ka ba bes! Enjoyin na lang natin ang moment na ito! Ang ganda ganda ng paligid oh!?" Sabi ni Emily na sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin.
"Siyanga naman,Faith. Don't worry.. Ipinaalam ko ito sa parents ko. And ginagamit lang naman ito kung may grand event ang pamilyang Lim. You know.. You can stay here,whenever you want. Welcome kayo dito!"
"Magandang umaga po, doctor Lim, handa na po ang mesa para sa inyong bisita." Sabi ng dalagitang lumapit sa kanila.
"Ah, Berta ikaw pala. Sige,susunod na kami. Pakidala na lang ang gamit namin sa itaas. Thank you." May galang na tugon ni Mark.
"Ang bata naman pala ng katiwala mo, ilang taon lang yun ah! Abused yan!" Biro ni Emily.
"Sira! Anak yun ng katiwala namin, halikayo at ipakikilala ko kayo sa kanila. Nagpahanda ako ng masarap na agahan bago pa man tayo makarating dito."
"Yan naman ang gusto ko sayo Mark,advance mag isip! Hahaha!" Mataginting na tawa ni Emily.
Habang si Faith naman ay napapangiti lang sa biruan ng dalawang kaibigan.
Wala silang kamalay malay na sa lugar din iyon, sa kabilang bayan lang ay naroon ang matagal ng hinahanap ni Faith.
Si Hans.Nakatira sa isang isla na pag aari ng mga Rosales. Almost four months na nang tumira sila dito. Kasama ang three month old na anak nilang lalaki ni Rebecca.
Paano nangyari yun?
*flashback six months ago*
"N-nasaan ako?..." tanong ni Hans nang magising sa kamang di pamilyar sa kanya. Tanda niya na nagkaroon ng party ang kumpanya, send off party para kay Rebecca dahil babalik na ito sa States.
Sanay siyang uminom subalit bakit parang may kakaiba sa ininom niya nang gabing iyon.
Mabilis siyang nahilo at nawalan ng malay.
At eto siya,masakit ang ulo, napuna niya na parang may katabi siya at hindi siya makapaniwala sa nakita..Siya at si Rebecca..
Walang saplot ang bawat isa..
Anong nangyare!?Nasa malalim siyang pag iisip nang gulantangin sila ng malakas na pag bukas ng pinto.
Si Mr. Frederico Rosales!
Galit na galit sa nakita nilang anyo.
Gusto niyang magpaliwanag pero parang ang bigat ng ulo niya,at di na niya marinig ang mga sermon at galit nito, maging ang pag awat ni rebecca sa ama ay malabo na sa paningin niya.Muli ay nawalan siya ng malay.
At nang muli siyang magising ay mahinahon na si Mr.Rosales."Hindi mo pwedeng basta takasan ang ginawa mong ito,. Empleyado pa man din kita!" Mariing sabi nito kay Hans.
YOU ARE READING
Chances(Faith & Hans love story)
CasualeThey have the same school,same circle of friends, but never in their life realized that they both have the same feelings.. will their love for each other lasts? Even if someone don't want them to be together? And giving chances to anyone does make...