Sa deluxe suite natulog sina Faith habang sa ordinary room naman nag stay si Mark.
They need to rest para sa gagawin bukas.
****
Faith's POVSinimulan namin ng maaga ang pag aayos sa bahay at paligid nito. Nag hire naman si Mark ng ilang kalalakihan sa baryo para tumulong, sina ate cora at baby Hannah namn ay pinag stay ko n lng muna sa hotel,iwas alikabok na din.
Habang kami ni Emily ay naghahanda ng meryendang turon na binili namin ang sangkap sa palengke bago dumiretso dito.
"Mga kuya,meryenda muna kayo!" Alok ni Emily sa ilang lalaking tumulong sa amin. Almost 10 am na kaya ok na muna ang magpahinga.
Bitbit ko naman ang juice at disposable cups.
"Eto mga kuya..inom kayo. Malamig yan. Mark! Bumaba ka na muna riyan!" Sigaw ko mula sa itaas na bubong kung saan naroon si mark at nagpapalit ng sirang bubong.I can't believe na isang doktor,marunong magpalit ng sirang bubong?
"Mabuti naman at magkakatao na ulit sa bahay na ito. " anang matandang lalaking may balbas sa kausap niyang medyo bata ng kaunti sa amin,.
"Oo nga po,tata. Karamihan sa mga bata eh nangingilag sa bahay na ito." Sabi namn nung mas batang lalaki.
Hindi ko naiwasang mag usisa,dala ang dalawang baso ng juice ay lumapit ako sa kanila at iniabot ang hawak ko sa magkabilang kamay.
"Kuya oh,juice po muna.."
"Salamat,anak. " sabi ng matanda sa akin habang nangingiti.
"Salamat ate." Sagot naman nn mas bata.
"Mawalang galang na,matanong ko lang. Bakit sinabi ninyong iniilagan itong bahay ng lolo at lola ko? Dahil ba sa madumi? Madamo?"
"Ahh,wala anak. Yung ibang nanay kasi dito na may matitigas ang ulo na anak,ginawa nilang panakot itong bahay ng abuelo mo, kaya ayun,pasa pasa na.."
"Kaya nagpapasalamat kami at naisipan ninyo na itong tirhan,ma'am.."
Napangiti na lang ako sa tinuran ng dalawang trabahanteng kinuha ni Mark.
Ginawa pala na panakot ang bahay na ito. Di ko maiwasang matawa ng lihim.
Pero,ngayong andito na kami,sisiguruhin kong maiibigan ng kahit sino ang bagong bahay na ito.Tamang tama naman ang naiisip kong negosyo dahil malapit sa mababang paaralan at terminal ng tricycle ang lokasyon ng bahay.
May galing din naman ako sa kusina,kaya saktong sakto para sa panibagong buhay naming mag ina.
*****
"Any progress?" Tanong ni hans sa private investigator na hinire para hanapin kung nasaan na ang kanyang mag ina.Its almost three days, and there isn't any progress,kaya medyo napupundi na din siya.
"Ako ba talagang sinusunod mo,o kinukwrartahan lang!? Three days and ang report mo ay wala pa rin? Di naman kalakihan ang isla ng pilipinas para di mo mahanap ang taong pinapahanap ko!"
(Sorry sir,talagang mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Kung nagmamadali kayo,maghire na lang kayo ng iba. Di po ganon kadali ang ganitong klase ng trabaho,sir.)
"Aba't—" hihiritan pa sana niya ang kausap sa phone ngunit binabaan na siya nito ng telepono.
Tuut! Tuut! Tuut!
"Bwisit!" Napaupo na lamang siya muli sa kanyang swivel chair. Hindi niya namalayang pumasok pala sa opisina niya ang ama. At kita nito ang pag iinit ng ulo niya.
YOU ARE READING
Chances(Faith & Hans love story)
RandomThey have the same school,same circle of friends, but never in their life realized that they both have the same feelings.. will their love for each other lasts? Even if someone don't want them to be together? And giving chances to anyone does make...