Walang sinayang na panahon si Connie,nalalapit na ang kasal ng anak niya sa babaeng ayaw niya.
Kaya naman naisipan nitong tawagan ang huling alas na alam niya. Si Rebecca.Sa isang cafe sa alabang exclusive only for prominent people nag hintay si Connie.
After a couple of minutes waiting for Rebecca.. Dumating din ito. Suot ang silver satin top at fitted jeans, wearing high heeled sandals at black shades na nakasuot na parang headband sa kanyang ulo, may pagka maarte itong naupo kung nasaang table si connie.
"Now what? Well,make sure this is important. May pupuntahan pa ako." May pagka sarcastic nitong sabi kay Connie.
"Oo naman! This is about my son,Hans.."
"And what about him?"
"I know how hard for you to get his heart. But i can help you,if only you could help me.."
"Hindi ako tumatanggap ng second hand.." Sabi nito kay Connie. Pero sa loob loob niya,ay gustong gusto talaga niya mapasakanya si Hans.
Gustong gusto niya ito,. Napakagwapo kasi at napakagentleman. Malayong malayo sa ex bf niyang playboy.
"Oh,don't mind that cheap girl. Ikaw ang gusto ko for my son. And i know gusto mo siya. Puna ko yun nn pumunta ka sa aking bday party.. Kaya hayaan mo akong tulungan ka. At kapalit nn ay tulungan mo ako sa issues ko.
Deal?""What kind of help do you want?" May kuryosidad na tanong ni Rebecca.
Diretsahang sinabi ni Connie na may malaki siyang pagkakautang sa casino at pati titulo ng bahay at lupa na pinundar ng ama ni Hans para sa kanilang mag ina ay naitaya niya.
"..gusto ko sana mabawi yun bago pa malaman ni Hans ang nagawa ko."
Sandaling nag isip si Rebecca,kapagdaka'y sumang ayon ito sa kundisyon kapalit ni Hans na gustong gusto niyang maangkin,matagal na.
"Fine,deal!"
*****
Faith's POVAlmost three months na ang lumipas pagkatapos ng aming pagniniig. At three months na din ang lumipas nang magpaaalm siya sa akin na pupunta siya sa Macao para sa isang business conference kasama ang kanilang big boss.
Pero bakit hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na tawag mula sa kanya?
Hans.. Nasaan ka na ba?
Naputol ang pag iisip ko nang kumatok sa pintuan ang isang bisita. Inakala ko pang si Hans iyon pero nagkamali ako,. Si Emily pala. Ang bff ko.
"Ikaw pala,pasok ka.." Sabi ko.
Napuna ko ang pamumugto ng kanyang mga mata. May tamlay sa kanyang kilos, alam kong may problema siyang dala,pero ano?"...bes,okey ka lang ba? Sandali,ikukuha kita ng tubig.. Upo ka muna diyan."
Patungo na ako ng kusina nang muling magsalita si Emily."Bes, si Hans..."
Kinakabahan ko siyang nilingon. At pumapatak na muli ang luha sa kanyang pisngi.
"B-bakit? Ano ba yun? Alam mo ba kung nasaan siya? Tinawagan ka ba niya?" Sunod sunod kong tanong.
Sa halip na ako ay sagutin. Isang sulat ang kanyang inabot sa akin.
Emily,
Wag ka mabibigla,pero ang pinsan mong si Hans,kasama sa plain crash na patungo ng Macao. Bahala ka na magsabi sa kaibigan mo.
Tita Connie.Yun ang nabasa ko. Parang kaswal na kaswal ang pagkakasabi nito pero di ko na inalintana kung paano isalaysay. Malinaw ang nabasa ko. Tila nanghina ang tuhod kong napaupo sa sahig.
No!
No! This is not true!
Paulit ulit kong sabi."Alam kong masakit Faith, kaya hayaan mo akong tulungan kang tanggapin ito.." Sabi ng bff ko na hindi ko iniintindi.
Ang daming pumapasok sa isip ko. Parang sinasabi ng sarili ko na huwag maniwala,.pero bakit ako nasasaktan?
Bakit ako lumuluha gayong wala pa naman akong nakikitang walang buhay na katawan ni Hans?
"Faith?" Tawag muli sa akin ni Emily.
Sa halip na sumagot,
Pinahiran ko ang luha sa aking mata,inayos ko ang aking sarili at kinuha ang aking shoulder bag sa silid namin ni Hans."Saan ka pupunta?" Tanong ni Emily sa akin.
"Sa bahay ng tita mo." kaswal kong sagot.
Kilala ako ni Emily,batid niyang di ako ganon kadaling paniwalain kung walang katibayan. Alam niyang di ako ganon kadaling sumuko.
"..sasama ka ba o dito ka na lang?" Tanong ko.
"Sasama ko,syempre! Gusto ko din malaman kung may katotohanan yang natanggap kong sulat."
Kapwa namin tinahak ang bahay ng nanay ni Hans sa Caloocan. Sa isang semi private subdivision.
Inihinto kami ng taxing aming sinakyan sa bahay na itinuro namin. Nakapalibot ang mataas na rehas sa bahay bilang bakod nito.
Tila walang tao sa loob, walang kababakasan na may tao sa loob. Pati ang mga tanim na halaman ay nangatuyo na.
"Parang wala naman tao diyan bes?" Sabi ni emily habang patuloy naman ako sa pag doorbell..
Subalit napagod na ako sa kakapindot,ay walang kahit sinong lumalabas.
Eto na naman ang dibdib ko,kumakabog na naman sa di mawaring dahilan.
Buhay siya,Faith! Buhay siya!
Ang paulit ulit kong sabi sa sarili ko habang tumatawag ng tao sa loob ng kabahayan na iyon.
"Mawalang galang na..."
Sabay naming nilingon ang nagsalita. Isang babaeng matanda lang ng ilang taon sa amin at nakasuot ng maid's uniform.
"....maari ko ba malaman ang mga pangalan ninyo? Matagal na kasing wala diyan ang may ari. Tumungo yung babaeng nakatira diyan sa embassy para kumpirmahin ang pagkakadisgrasya ng anak niya. Di ko alam kung babalik pa,pero kung babalik,sasabihin ko na hinahanap ninyo siya. Kaanak ba kayo?" Litanya ng babae.
Hindi ko na nagawang sumagot pa.. Umalis na lang kami. Mukhang wala kaming mahihita kahit sabihin pa namin ang aming pangalan.
*****
Pagkaalis ng taxi na kinalululan ng magkaibigan, ay lumabas na sa bahay na iyon si Connie. Kanina pa siya naron at tama nga ang hinala niya. Tamang tama lang dahil paalis na talaga siya upang bawiin ang titulo sa bangko, natanaw niya lang mula sa bintana ang pagdating ng isang taxi at bumaba ang dalawang dalaga."Uy!" Tawag ni Connie sa kausap nila Faith kanina.
"Ay! Madam! Anjan pa pala kayo! Akala ko wala na kayo. Kaya napaakting ako.."
"Aalis pa lang sana.. Eto,para sayo.." Iniabot nito ang sobre na may lamang limang libo.
"....kapag nagbalik yung mga yun, gayon ulit ang sabihin mo ah..at bibigyan ulit kita ng ganyan karami.." Sabi niya pa ulit dito.Abot tenga ang ngiti ng babae na kilala niyang dakilang matabil ang dila at kapag nag kuwento ay napapasobra sa detalye. Gaya kaninang ginawa nito.
"Salamat madam! Madadagdagan ang padala ko sa probinsya!" Hirit nito..
"Fine. Sige na, aalis na ako. Usapan huh, tandaan mo ang mukha ng babaeng yun."
"Opo! Opo!" At umalis na ito.
Hinding hindi mo na makikita pa ang anak ko,babae ka! Gagawin ko ang lahat mailayo lang siya sa iyo. Wala akong mapapala sa iyo kung ikaw ang pakakasalan ng anak ko!
Saloobin ni Connie habang nakatanaw sa dinaanan ng taxi kanina.
YOU ARE READING
Chances(Faith & Hans love story)
DiversosThey have the same school,same circle of friends, but never in their life realized that they both have the same feelings.. will their love for each other lasts? Even if someone don't want them to be together? And giving chances to anyone does make...