I finally found you..

2 0 0
                                    

Dalawang taon ang mabilis na lumipas.
Naging maayos ang buhay ni Faith at ng anak nito sa kanilang tinitirhan.
Nagtayo ng kainan si Faith sa tapat at halos lahat ng kababaryo,maging ilang dayo ay di mapigilan ang di mapahinto at kumain doon, maaliwalas kasi at malawak ang paligid. At syempre,talagang di maitatanggi na masarap magluto si Faith.

Minsan,dahil may taglay na kagandahan ay hindi naiiwasang may mangilan ilang naglalakas ng loob na manligaw, subalit, pinaprangka ito ng kasambahay niya at naging malapit na kaibigan na ring si Cora.

Since naparenovate ang bahay ay bibihira na kung puntahan siya kasi ni Emily.

Pero si Mark.

Simula ng matapos ang journey nito sa Nigeria, ay panay na ang pasyal nito sa bicol, upang dalawin lang silang mag ina.

Kaya naman,sa tuwing may nagtatangka na manligaw, ang laging sagot ni cora ay..

"..sorry,taken na po si ma'am!"

At kung duda naman ang kausap na manliligaw ay pasimpleng ngingiti lang si Faith at magkikibit–balikat.






Faith's POV

"Aba! Eh kay kulit mo naman pala sir, taken na nga po si ma'am,wag na po makulit! " may iritableng sabi ni ate cora sa pinakamakulit at masugid kong manliligaw.

Si Mr. Singh. Isang negosyanteng bumbay.
Tinanggihan ko na ngpaulit ulit subalit wala pa ding kupas sa pangungulit. May ilang buwan na din.

"D ako naniniwala.. Asan proof? Kung wala proof,ako ligaw pa din. Faith, ikaw mahal ko. " sabi niya na nagpipilit magtagalog kahit hirap.

Napapabuntong hininga na lamang ako sa kinauupuan kong nagsisilbing lugar ng kahera sa gilid. Nakikinig lang ako sa kanila ni ate cora habang napapailing.

"..ako bigay lahat gusto mo, sagot mo ko Faith.. Your very beautiful.."

Sasagot na sana ako sa mga hirit niyang medyo nakakairita na nang may umagaw ng moment ko.

Isang baritonong tinig,at kilala ko kung kanino galing ang tinig na iyon.

Napangiti na lang ako ng lihim sa sinabi nito.

"Huwag mong kulitin ang girlfriend ko! "

Nanlaki ang mata sa gulat ni Mr. Singh,. Sinegundahan pa ni ate Cora na nagrason para umalis ng tuluyan ang makulit na bumbay lalo at napahiya siya dahil nagtawanan ang ibang costumers ko.

"Ayan na nga ba sinasabi ko!" Sabi ni ate cora na napapitik pa ng daliri sa hangin.

".. Oh, ma'am Faith..good timing si dok pogi diba?"

"Ate cora talaga...Mark,halika pasok ka muna.." Aya ko kay Mark sa salas.

Di na ganon kadami ang kumakain dahil lampas tanghalian na,kaya iniwan ko na muna si ate cora sa kainan, sabay sisilipin ko na rin ang anak ko sa silid naming mag ina.

Himbing na natutulog ang prinsesa ko sa kuna na regalo ng kanyang ninang Emily. Dual porpuse na kuna,na nagiging kama daw kapag malaki na si hannah. Cos tum made from Singapore.
Advance mag isip.
Palibhasa,bihira na pumasyal.

"Anong gusto mo Mark? Kape? Juice?" Tanong ko sa kanya habang patungo ako sa kusina, tanaw ko lang ang sala kung nasaan siya.

"Kape na lang. Thanks."

Mayamaya lang ay dala ko na ang kapeng mainit,with creamer ni Mark.

"Palagi bang nangungulit yung bumbay na yun sayo?"

"...wala yun. Pinababayaan ko lang na si ate cora ang bumara sa kanya. Nasisira lang ang araw ko,kung papatusin ko pa.."

"Good thing pala na dumating ako on time.."

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now