revelations

0 0 0
                                    

Isang taon ang lumipas matapos ang nangyaring iyon kay faith.
Now she is fully recovered.
Magkasama na muli sina hans faith at ang kanilang anak.

Habang si emily ay bihira na pumunta ng bicol dahil sa may asawa na ito.
Ikinasal siya a few days after makalabas ni faith sa ospital.

Si mark naman ay tuluyan ng bumitaw sa pag asa. At hinangad na lamang ang ikaliligaya ni faith.

"Kailangan ba talagang puntahan pa natin si mama? Hindi rin naman yun dadalo.." maktol ni hans nang sabihin ni faith na pupuntahan nila sa correctional ang kanyang ina para imbitahin sa kasal nila.

Kasalukuyang naglilista si faith ng iimbitahan sa kanilang grand wedding.

Kumunot ang noo nitong tiningnan ang nobyo.

"Aba! Opo naman! Love,kahit ano pa man ang nangyari,nanay mo pa rin yun, she has all the right to know.."

"Even she doesn't care?"

Tumango lang si Faith sa sinabi ng nobyo.

Lihim naman na natutuwa si Hans sa ugali ng kanyang mahal.
Hindi lang maganda sa panlabas,pati kalooban ay busilak din.

"Fine.. Bukas mo na ituloy yang listahan mo,at oras na para matulog.. " agaw nito sa notebook at pen na hawak ng nobya.

"Pero—"

"Hayaan mo na si miss irene diyan.. Kaya nga ako nag-hire ng wedding coordinator para di ka mastress.. And you said a while ago, kakausapin natin si mama, dapat maaga tayong makaluwas ng manila."

Bumuntong hininga na lamang siyang sinunod ang nobyo.

"Mauna ka na sa taas,sisilipin ko lang si hanna sa silid niya."

"Sabay na tayo.. Bukas sa itaas na natin ilagay ang kuna ni hanna, malawak naman ang room mo, bakit nasa room ng yaya niya nilagay mo ang kuna?"

"Ngayon lang naman,nasanay si hanna kay ate cora, inakyat namin ni emily dati pero walang tigil sa pag iyak,dito lang siya nakakatulog ng mahimbing" wika nito na halos pabulong na dahil nasa tapat na sila ng silid ni cora.
Marahan nilang binuksan ang pintuan.Mahimbing ng natutulog si cora katabi nito ang kuna ng bata,.

Minasdan ang himbing na tulog ng kanilang anak.

Napangiti sila kapwa nang ngumiti ito habang natutulog.
Marahil ay nilalaro ng anghel nito,wari ng magkatipan.

Saka sila panatag na lumabas ng walang ginagawang ingay.

Mula ng magkabalikan sila hans at faith,ay pinili ni hans na tumira na sa piling ng kanyang mahal.

At para maging tunay na nga sa paningin ng iba at ng Diyos ang kanilang pagsasama ay pinagpasyahan nilang ituloy ang naudlot na kasal.

"Love..pwede ba na after the wedding ay sa condo ko na tayo tumira?" pakiusap na sabi ni hans habang nasa kama sila at magkayakap na nakahiga.

"Hindi ko maaring iwan ang bahay na ito,.. Maraming alaala sa akin ang bahay ng abuelo ko,sana maintindihan mo.."

Mahigpit lang siyang niyakap ni hans at hinalikan sa noo.

"Oo naman,..kung saan ka masaya love..doon ako. I love you faith,buong akala ko ay hindi na magaganap ito sa buhay ko,ang mayakap ka at makasama.."

"I love you more,hans.. Kahit hindi kita binigyan ng chance noong una,hindi nawala ang pagmamahal ko sayo.."

Hindi na ako papayag na maulit pa ang nangyari sa atin,mahal ko..wala ng kahit na sinuman ang paniniwalaan ko para masira tayo! Hindi ko na hahayaang masaktan ka ng kahit na sino!






























Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now