truthful lies

2 0 0
                                    

Hans pov

Wala na sa katinuan niya ang babaeng iyon! Sariling anak niya ay nagawa niyang ipamigay!?

Nagpupuyos ako sa galit nang muli kong makita ang babaeng ikinulong ako sa mundo niyang walang kasing sama. Lalo akong umapoy sa galit sa mga sinabi niya.

Matapos niyang umalis ay tinawagan ko ang imbestigador na kinuha ni Dad para hanapin si Faith.

And as i expected,natagpuan niya ang pinahahanap ko.

Sa bayan daw ng kawit,cavite.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon.
Hindi ako papayag na maunahan ako ni Rebecca sa paghahanap kay Faith,di ako papayag na sirain niya ako sa pinakamamahal ko.

Matapos kong tumawag ay maagap na akong umalis ng condo.
Binilinan ko pa sa information desk na magpaakyat ng tagalinis para linisin ang natapon na cake.

Patungo na ako sa lugar ni Faith, nang tumawag naman ang secretary ni daddy,.

"Hans,pinasasabi ng daddy mo na sumaglit ka sa office muna, ikaw muna ang humalili daw sa kanya sa meeting,." Sabi ng secretary ni dad sa kabilang linya.

"Huh? Pero may lakad ako!"

"Nag emergency landing ang dad mo sa davao para asikasuhin ang problema doon. Sige na! May 30 minutes ka pa para makahabol dito. Importante ang meeting na ito, may close deal ngayon ang foreign investors at ang dad mo para palawakin ang shipping lines.."

Napailing na lamang ako sa sinabi ng kausap ko,. Naisip ko si Dad,kaya minabuti ko na lamang na unahin ang mahalagang meeting bago ko puntahan si Faith.
Dinadalangin ko na lang na sana ay huwag ako maunahan ni Rebecca.

"Fine, wait for me." Sagot ko at saka ko inioff ang phone.














********
"Good morning, principal!!" Bati ng klaseng tinuturuan ni Faith isang umaga, tinungo siya ng principal para sabihin na may naghihintay na bisita sa kanya sa principal's office.

"Ok,class.. Copy this and i'll be back.. Just a moment okay?" Bilin niya sa mga batang grade four students niya at itinuro niya ang lecture na isinulat niya sa pisara bago pa dumating ang principal.

Sabay na tinahak nila ng lalaking principal ang daan patungo sa office nito.

Subalit pagdating doon ay sinabihan siya nito na siya lang ang papasok.

Sinunod naman niya ito.

Faith's POV
Mag isa akong pinapasok ni principal Mercado sa kanyang tanggapan. Doon daw naghihintay ang bisita ko. Nagtataka man ay sinunod ko siya.
Nakita ko ang isang may katangkarang babae marahil mas tumangkad pa siya dahil sa suot niyang heels na may kataasan ,nakapencil cut siya at sleeveless satin blouse, may pagka elegante ang anyo niya kahit nakatalikod siya sa akin.

"Excuse me.. Are you the one looking for me?" Magalang kong tanong.

Hinarap niya ako ng may pagmamalaki. Hindi ko alam kung anong atraso ko sa babaeng ito pero kung tingnan niya ko ngayon ay talo ko pa ang hinuhubaran.

Umikot siya sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Hmm..He's right. Your pretty.."
Dinig kong sabi niya.

"...but I'm much prettier than you!" Dugtong pa niya.

Ano ba sinasabi ng babaeng ito? Alam ko naman na maganda siya. Ipinatawag lang ba niya ako para makipagtagisan ng ganda?

"Kung may sasabihin ka,sabihin mo na,kasi may klase pa akong naiwan sa itaas?" Sabi ko sa kanya.

Subalit umupo lang siya sa table ng principal at muli akong minasdan.

Nakakailang na ang kanyang mga tingin kaya kabastusan man ay aalis na ako.

"Sorry but i don't have a time.."

Paalis na ako nang matigilan ako sa sinabi niya.

"---- I am Rebecca Rosales de Leon!"

De Leon? Muli akong napatingin sa kanya.

"Kaano ano mo si Hans?" Yun agad ang lumabas na tanong sa isip ko nang madinig ko ang apelyido ni Hans.

"Kaano ano ko?.. "Tumayo na siya sa pagkakaupo at unti unting lumapit sa akin, inilapit niya ang mukha niya sa gilid ko at may ibinulong.
Isang bulong na parang di ko matatanggap sa buong buhay ko.

"....ako lang naman ang legal na asawa ni Hans patrick de Leon.."

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya na halos di ko na madinig pagkat mas malakas pa ang dagundong ng puso ko sa kaba kaysa sinasambit ng aking bibig.

Sa halip na ako ay kanyang sagutin. Iniabot niya sa akin ang brown envelope na nakapatong sa lamesang inupuan niya kanina.

"See the proof.." Sabi niya.

Hindi ko mawari kung bakit inabot ko iyon, gayong pakiramdam ko ay naroon ang sagot sa tanong ko. Ang bagay na dudurog sa pagkatao ko.
Ang sisira sa paniniwala kong may pag asa pa kami. Na magkakaroon ako ng sarili kong pamilya.

Marriage certificate

Malinaw ang nabasa ko,hilam man ng luha ang mga mata ko sa mga oras na ito ay malinaw ang pagkakabasa ko.

"Buong akala mo ay namatay si Hans, pero doon ka nagkakamali, he's with me all along, and by the way.. We have a child. He's two years old now.. So, if i we're you, stop wasting your time finding my husband."

Sabi niya sa akin sabay agaw ng envelope na hawak ko na halos mapunit ko na sa galit.
Hindi ko alam kung bakit para akong natuod sa kinatatayuan ko.
Pakiramdam ko ay napahiya ako ng sobra sobra, at di na ko nakakilos sa kinatatayuan ko, puro pagiyak lang ang nagawa ko sa mga oras na iyon.

".... I warned you..stop looking for my husband! Or else i hunt you and you won't like it if you disobeying Rebecca Rosales de Leon.." Dugtong pa niya bago tuluyang lumabas ng office.
Dinig ko pa ang pagtawa niya sa labas na tila tumuturok sa puso ko.
May anak sila?
Two years old?
Ibig sabihin...matagal na akong niloloko ni Hans?
Matagal na niya akong pinaglalaruan?
Ito ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko. Lumabas ako ng office na parang walang ibang tao sa paligid ko. Ni hindi ko na nagawa pang kunin ang bag ko sa itaas na kwarto, nagiging blanko ang lahat sa akin.
Para akong nabubuway sa tuwing ilalakad ko ang mga paa ko. Hanggang sa dumilim na ang lahat sa akin.


















Emily's  POV
Kahapon pa ako nandito sa bahay ni Faith,binabantayan ang aking bff,. Kahapon nang may tumawag sa akin at sinabing nawalan ng malay si Faith habang naglalakad sa may pasilyo galing sa principal's office.
Isa sa co teacher niya ang nagsabi sa akin na bago mawalan ng ulirat si Faith ay may nakausap daw itong babae na sopistikada ang anyo.
I wonder who's that girl.

Kasalukuyan kong minamasdan ang pagtulog ng kaibigan ko nang magring ang phone ko.
Tumatawag si Mark.

"Hello,kamusta si Faith? "
Tanong ni Mark sa akin sa kabilang linya.

"Mabuti na sa palagay ko,nagising na siya bago pa ko dumating,pero sabi ni ate Cora tumayo lang daw ito at lumuluhang niyakap si Hannah tapos eto nagmukmok ulit hanggang makatulog na.." Paliwanag ko sa kanya.

"Tomorrow evening pa ang flight ko pa maynila, ikaw muna ang bahala sa kanya,after our annual medical mission dito sa Mindanao didiretso ako diyan.."
Wika nito.
Dama ko sa mga salita ni Mark ang labis labis na pag aalala para kay Faith, pilit niyang hinahati ang oras niya para magkaroon ng puwang na oras para kay Faith,hindi tulad ng walang hiya kong pinsan.
Gaya ngayon,.kahit may mission ang pamilya niya sa Mindanao di niya nalimutang kamustahin si Faith.
Minsan nasisisi ko ang sarili ko kung bakit ginawa ko pa na buyuhin ang pagkagusto nila sa isa't isa. Di ko pa lubos na kilala si Hans.

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now