rescue

1 0 0
                                    

Frederico's pov

Hindi ko alam kung bakit ginawa ng anak ko ang bagay na ito.
At hindi ko alam kung may pagkukulang nga ba ako bilang magulang niya.

Ang alam ko lang,mali itong ginagawa niya.

At dapat kong itama ang bawat maling ginawa niya.

Kita ko mula sa aking pinagtataguan kung paano niya maltratuhin ang isang babaeng nakagapos sa upuang kahoy.

Sa dami ng lugar,dito pa dinala ng anak kong si rebecca ang babae,sa lugar na pag aari ko.

Ang resort na binili ko para sa yumao kong asawa.

Isang paraiso sa amin ang lugar na ito,tahimik at pribado.

Walang makakarinig sayo kahit sumigaw ka pa dahil nasa bandang gitna ng dagat ang pinasadya kong bungalow type cottage na ito.

Magandang magpunta dito kung low tide,mas madaling dumaan dahil sa two ways sand bars na pinasadya ko.

Paano ko sila nasundan?

Aksidente lang na narinig ko ang pag uusap nila sa study room ko.

*flashback*
Sobrang sakit ng ulo ko,stressed na ako talaga sa mga ginagawa ng anak ko!

Kinuha ko sa drawer ang gamot ko,pero nakita kong wala na palang tubig sa glass pitcher na laging nasa side table ko.

Kinuha ko ang wireless phone na nakaconnect sa kusina.
Magpapaakyat na lang ako ng tubig.

"Manang—" natigilan ako at automatic na tinakpan ko ang mouth piece ng hawak kong telepono ng palad ko.

Sina rebecca at connie naguusap,nasagap thru party line.

"So,ano na?"

"Gaya ng gusto mo,pinadukot ko na sa inupahan kong tao ang karibal mo,. Eto siya sa tabi ko,tulog na tulog.."

"Good!"

"Ano,patutumba ko na ba ito?"

"Don't be so harsh, tita.. Tell to your assets na dalhin siya sa batangas, doon sa private resort namin, you know that place right?.."

"Oo..pero bakit pa?"

"Gusto ko lang muna siyang pahirapan, bago patayin!"

Nabigla ako sa usapan nilang iyon! Sumusobra na si rebecca sa kabaliwan niya!

Teka!

Hindi kaya...

Imposibleng mangyari yun, na ipagamot ko na siya sa america!

Diyos ko! Kailangan ko siyang pigilan!

Agad akong lumabas at pinuntahan siya sa kanyang silid,pero wala na siya, narinig kong humarurot na mabilis ang kotse niya palabas ng mansion.

"Ihanda ang kotse ko!" sigaw ko sa driver ko habang pababa ako ng staircase.

*end of flashback*

At eto,wala silang malay na nasundan ko sila. At talagang itinaon nilang low tide.

Ang mga walang hiya! Matapos maltratuhin ang babae ay aalis na lang?! Ano ba ang plano nila? Pabayaan ang babaeng iyan?

Gusto ko siyang tulungan,pero nag aalala ako sa sasabihin sa akin ng anak ko, parang trinaydor ko siya,pero,mali ito eh.

Humigit pa ang takot ko nang makita kong bumalik si rebecca, may dalang balisong?

Anong gagawin niya?

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now