justice

2 0 0
                                    

Hans pov

"Love...andito pa ako.....,magkasama na tayo..pabayaan na natin sila.."
Pakiusap ni faith sa akin habang yakap ko siya.

Tumango lang ako para mapanatag na siya,pero hindi ko sinabing hindi ako gaganti!

Magbabayad ka rebecca,sa ginawa mong ito sa pinakamamahal ko! Wala akong pakialam kahit na ang ama mo pa ang nagligtas sa kanya! Lintik lang ang walang ganti.

*flashback two days ago*

Hindi ko na alam kung saan pa hahanapin si faith,malapit na akong mawalan ng pag asa, pero sa ka po provoke ni mark sa akin,nagporsige pa rin ako,.

Papatunayan ko lang sa mang aagaw na yun na akin lang si faith!

Tinatahak ko ang Marcos highway nang mag ring ang phone ko,

Un registered number..

"Hello?"

(Its don federico speaking.. Go to st.michael hospital here in lemery,narito ang hinahanap mo..)

"What!? How'd you—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko,nawala na siya sa linya.

Mabilis pa sa alas kuwatrong kinabig ko ang manibela at tinahak ang daan patungong batangas.

Samu't saring emosyon na ang bumabalot sa akin,samu't saring katanungan na rin ang nagsisidatingan sa aking isip.

Ilang oras na byahe pa at narito na ako sa ospital na sinabi niya,

"Hinahanap ko ang pasyenteng dinala dito, faith mariel cruz ang name niya,." medyo hinihingal pa akong tinanong ang nurse na babaeng naka assign sa information desk ng emergency section ng ospital.

"Room 56 po sa recovery section po.." sagot niya sakin habang nakatingin sa kanyang medical log book.

Dali dali akong tumungo roon, di ko na inisip na mag elevator,basta lakad takbo makarating lang.

Nang ako'y makarating,nanlumo ako sa nakita ko,.

Si faith,.

Ang pinakamamahal kong babae, oo at nakaupo siya na nakatingin sa aking pagdating, pero hindi maitatanggi na sa nakalipas na dalawang araw ay makikita ko siya sa ganitong itsura,.

May benda ang kanyang pulsuhan,puro galos at pasa ang bahaging braso at may sugat din sa kanyang pisngi..

Anong ginawa nila sa mahal ko?!

Nagsisimula ng sumikdi ang galit sa ulo ko,ngunit napigil ng mga yakap at salitang binitiwan niya sa akin.

"Hans...mahal na mahal kita...patawad kung ngayon ko lang narealize,natakot akong tanggapin ka,.natakot akong mabigo muli.."

"Ako ang patawarin mo,. Kung hindi ako nagpilit hanapin ka hindi ka mapapahamak ng ganito. Pagbabayaran nila ng dugo ang gumawa nito sayo!"

Umiling siya at binigyan ako ng matamis niyang ngiti. Pero hindi maiaalis noon ang hangarin kong gumanti!

Hindi man pisikalan, pero dadaanin ko sa batas.

*end of flashback*



















































Federico's pov

Natawagan ko na si hans,salamat at nakipag cooperate ang assistant niya at ibinigay nito sa akin ang contacts niya.

Narinig kong sinambit niya noong binabantayan ko siya ang ngalan ni hans, kaya nalaman kong ito ang babaeng iniwan niya para pakasalan ang anak ko,para ipaako sa kanya ang batang hindi naman talaga sa kanya.

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now