Almost a month na ang lumipas simula ng tumira si Hans sa poder ng ama.
Abala si Hans sa study room sa pag aanalisa ng mga papeles, natanggap siyang managing director sa shipping line ng ama, kapalit ng nag resign nitong empleyado.
Ginusto niyang magtrabaho bilang isang ordinaryong tao,at hindi ang nais ng kanyang ama na itaas agad siya bilang COo ng kumpanya.
Gusto niyang paghirapan ang bawat sentimong makukuha niya gaya ng ibang empleyado ng kanyang ama. Ito ay sa kabila ng pag papakilala sa kanya bilang anak.
"Son! Come join me!" Masiglang bati ni Mateo sa anak isang umaga.
"May laro po kayo?" Tanong ni Hans nang makitang naka polo shirt at short lang ang ama. May suot din itong sun visor at bitbit ang kanyang golf club.
"Just unwinding with my friend and co business partners,. Isasama sana kita, para maipakilala sa kanila,. Kasama nila ang kanilang pamilya at anak na ka age mo,kaya di ka maboboring.." Aya nito.
"I'm sorry dad, i have so many papers to analyze.. So much paper works.."
"Mr. De Leon! Haven't you forgotten, I'm your boss! And i command you to come with me!" May kalalimang sabi ni Mateo,
Kunot noong napatingin si Hans sa ama.
Kapagdaka'y tumawa ito, nagbibiro lamang pala ito.
Nangingiting napapailing na tumayo si Hans at isinara ang kanyang laptop.
"Ok,Fine.. You win,Dad.."
"Make it fast son, sayang ang magandang sikat ng araw.."
*****
Sa kumpanyang pinasukan ni Hans,nagkaroon siya ng kaibigan. Si Anton.
Hr supervisor.
Minsan ay naimbitahan siya nito na umattend sa binyag ng unang anak nila. At di naman nagdalawang isip si Hans na tanggapin ang imbitasyon ng kaibigan.Sumapit ang araw ng binyag.
Masaya ang naganap na binyagan, ang ilan ay kilala niya dahil halos katrabaho niya ang naroon,ang iba namn ay hindi.
Ginanap sa isang restaurant sa quezon city ang binyagan, okupado ang second floor ng restaurant.Malapit siya sa entrada ng restaurant nakaupo kaya kita niya ang palabas at papasok na bisita.
Hanggang sa isang pamilyar na tao ang kanyang nakita.
Kagalang galang ang suot nitong black suit at blue shirt ang panloob, tinernuhan pa ng shades na noong tanggalin ay nasiguro ni Hans sa sarili na kilala niya ang bisitang dumating.
Hindi siya maaring magkamali.
Matagal na panahon man ay nakasisiguro siya.
Sinalubong ito ng maybahay ni Anton karga ang bininyagang anak, kasunod din si Anton.
May tuwa sa kanyang labi nang lapitan niya ito.
"Mark? Mark Lim?.." Wika ni Hans na tila naniniguro sa sarili.
Mark's POV
Bakit namn sa dami ng lugar ay dito ko pa makikita ang taong ito? malayong malayo sa description ni emily ang hans na nasa harap ko ngayon.
Clean shave.
Kagalang galang ang itsura."Magkakilala pala kayo ni Dr.Lim, Hans.." Sabi ni Anton habang nakatingin siya kay Hans.
Parang gusto kong itanggi na ako ito,pero wala na akong choice.
"Sabi ko na at ikaw yan! Kamusta ka na? Doctor ka na pala.." Sabi sa akin ni Hans.
Alam mo ba pre,napakabait nitong si Dr. Hands on siya kay misis,kaya naging ligtas ang magina ko..
YOU ARE READING
Chances(Faith & Hans love story)
De TodoThey have the same school,same circle of friends, but never in their life realized that they both have the same feelings.. will their love for each other lasts? Even if someone don't want them to be together? And giving chances to anyone does make...