last part

2 0 0
                                    

Sa buong byahe ng magkatipan pabalik ng probinsiya ay nanatiling tahimik ang magkatipan,
Walang gustong maunang magopen ng conversation.

Tinitingnan lang ni faith ang nobyo na seryosong nagmamaneho,ni hindi niya mabasa kung ano ang nararamdaman nito sa natuklasan mula sa sariling ina o maaring tamang salita ay kinamulatang ina.

Malinaw pa rin sa isip ni faith ang salita ng nobyo bago sila tuluyang lumabas sa institusyon na iyon.

"Good thing na nasabi mo na yan,.and you think na sa sinabi mo ay makakaramdam ako ng miseries in life? " mataginting na tumawa si hans sa ina na kung kanina ay may nakalolokong ngiti,ngayon ay di na maipinta ang pagmumukha sa sinabing iyon ni hans.

"...no wonder ever since,hindi ko maramdaman ang presence mo,but still, im here supporting you until matauhan ako."

"E kasi'y tulad ka ng iyong ama! Tanga at madaling utuin!" nagpupuyos sa galit si connie.

Nananatiling kalmado si hans, alam niyang inaasahan ng ina ang pagdaluyong niya ng galit pero nagkamali siya.

"..well,napakinabangan mo naman ang pagiging stupid namin ni daddy,. Fair enough.. Dangan lang ay nakakaawa ang aking kapatid sa ama,na may sakit na nga ay inabandona pa ng tunay nitong ina." saka ngumisi ng nakaloloko sa ina.

"Hindi ko siya inabandona!! Para sa kanya ang ginawa ko! " dinakma nito ang mansanas na dala nila hans para sa kanya at ibinato kay hans,.
"...lumayas ka!! Wala kang alam!!!"

Mainam at maagap na nakailag sila hans,at naawat naman ng ilang bantay si connie.

Hindi namalayan ni faith na hindi papuntang bicol ang tinatahak nila.
Nagulat siya nang igiya siya ng nobyo patungo sa airport at tunguhin nila ang office ng official pilot ng kanyang ama.

Maya maya ay iginiya na sila sa isang bahagi ng run way kung saan nakaabang ang pribadong eroplano ng pamilya delgado.

"T-teka,hans! Ano ito?"

"Relax,we will going to visit dad in cebu." sabi ni hans na ngayon ay nakangiti na sa kanya.

"Cebu? Seryoso??!" namamanghang tanong ni faith habang inaakay siya ng nobyo papasok sa private plane.

Batid ni faith na mayaman ang ama ni hans,pero hindi niya masukat at akalain na sobrang yaman pala nito.

Unang beses niyang sasakay sa eroplano,at di lang first class kundi private plane pa,. And sila lang at dalawang babaeng attendant plus two pilots ang sakay ng plane na iyon.

Tila nalimutan ni faith ang komosyong naganap kanina sa pagitan ng mag inang de leon.

Namamangha siya sa nararanasan ngayon.

Hindi na niya napansing nakangiting nakamasid sa kanya ang nobyong si hans.

"Nagugutom ka na ba love? May food sila dito." alok ni hans.

" naku! Hindi na. Busog na ako sa nakikita kong view!" sabi nito habang nakatingin sa labas ng bintana ng plane at namamanghang tila paslit.

"Sige,. Later na lang." tugon ni hans sa attendant na naghihintay.












Almost 30 minutes lang ay nasa cebu city na sila.
Tinawagan ni hans ang dad niya para ipadala ang driver niya para sunduin sila.

Five minutes lang ay nasa mansion na sila ng mga delgado.
Singlaki at lawak ng mansion sa manila.

Lalong namangha si faith sa nakita.

Mas napansin niya ang larawan sa gilid ng hagdanan na may kalakihan.

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now