escape

2 0 0
                                    

Magpahanggang sa mag gabi na at oras na ng tulog ng lahat,ay nananatiling gising si faith,iniisip ang sinabi ng tinderang nakausap niya.

Gusto niyang isiping baka gumagawa na naman ito ng kwento, lalo na at minsan na nitong ginawa.

Pero may parte sa utak niya na baka nga nagsasabi na ito ng totoo.

Magkaganoon man, ay naisip niyang sana ay nagpakahinahon muna siya noong araw na iyon at hinayaan si hans na magpaliwanag.

Subalit,sa halip na ganon ang ginawa niya,ay nagpatangay siya sa galit.
Sa hinanakit.

Napabuntong hininga na lamang siyang napatingala sa kalangitan habang nakatanaw mula sa bukas na bintana ng kanilang silid.

At umusal ng isang panalangin.

Panginoon,
Kung bibigyan ng pagkakataon, kung ipapahintulot ninyo na magka usap kami,sana po ay sa lalong madaling panahon.. Dahil po gulong gulo na ako,. Hindi ko na po alam kung ano ang nararamdaman ko, kung mahal ko pa ba siya o kailangan ko lang siya dahil gusto kong magkaroon ng buong pamilya ang aming anak? Diyos ko! Ano po ba ang gagawin ko?

Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha sa kanyang mga mata.





















*******
Patuloy sa pagbuntot ang lalaki kay hans, maging sa opisina nito ay nakasunod ang lalaki,.

Pero hindi sa pagkakataong nakapasok na siya sa loob ng opisina.

Maya maya ay tumawag na ang amo nito.

"Hello,boss?"

(Any updates?)

"Nothing boss, usual thing pa rin.. Bahay,office at sa bahay ng pinsan niya lang ang laging pinupuntahan ni hans de leon,boss."

(Just don't take away your eyes on him! I have a feeling na pupuntahan niya ang babaeng iyon! )

"Copy boss."

At nawala na sa linya ang kausap nito.









******
"Akala ko ba ay titigilan mo na si hans once na nakuha na natin si jay sa orphanage? Ano at eto ka na naman?" sermon ni Federico sa anak na si rebecca,
Naulinigan nito ang anak na may kausap sa phone nito.

Nasa swimming pool ito at nakaupo sa brass armchair habang umiinom ng isang kopita ng wine.

Nakaswimsuit ito at mukhang halos katatapos lang magswimming,pagkat basa pa ang ilang parte ng katawan at buhok nito.

"Hindi ba,kayo naman ang may gusto na pumunta tayo ng states at kunin ang apo ninyo roon? I didn't say I stop seeing hans!" Sarkastikong sagot nito sa ama.

"Stop this stupid thing,Rebecca! Open your eyes,hindi ka mahal at never kang mamahalin ng taong yon! Andiyan ang anak mo,siya ang isipin mo!" Angil nito sa anak.

Subalit matigas si Rebecca,hindi ito marunong masindak kahit pa sarili nitong ama.

"Magpasalamat na lang kayo at hindi ko pinalaglag yang apo ninyo, by the way,thank you sa pagkunsinti sa akin,. thank you na Hindi ninyo itinama sa simula pa lang ang kalokohang pinasok ko. I know, ginawa mo yun,dahil ayaw mong madungisan ang pangalan mo,ayaw mong ipaalam sa business world na may anak kang disgrasyada! And now,I'm just returning the favor..
By finishing what I started, and getting back HANS in my world!"

Puno ng galit ang puso ni Rebecca nang pagsalitaan ang ama, napapailing na lang ito nang talikuran siya ng anak at muling lumusong sa swimming pool.

Chances(Faith & Hans love story)Where stories live. Discover now