HALOS limang oras na kong nagmamaneho. Masakit na ang pwet ko at namimintig na ang paa ko. Madilim na din kaya hindi ko na masyadong makita kung nasaan na ba ako. Pagkaalis namin sa condo ko kanina dumaan lang ako sa mall para mag-withdraw at bumili ng mga damit. Hindi ko magawang bumalik sa condo para kumuha ng mga damit. Buti na lang nga at laging may nakaipit na credit card sa likod ng case ng cellphone ko. Pagkatapos mamili naghiwalay na kami ni Patty sa mall at ako naman ay nagbyahe na pauwi ng San Ignacio. Pinipilit pa nga ako ni Patty na magpa-blotter pero ayoko. Mas nanaig sa'kin na makaalis na lang ng Manila at makauwi ng San Ignacio para makalayo na kay Marius, sobrang na trauma ako sa ginawa ng gago na iyon.
Inihinto ko ang porsche ko sa paradahan ng tricycle at ibinaba ang bintana saka sumungaw at kinawayan ang lalaking nagtitinda sa tabi ng waiting shed.
"Manong, saan na po ang lugar na to?" magalang na tanong ko.
"San Ignacio neng."
"San Ignacio na ho to?" Hindi ako makapaniwala na nasa San Ignacio na ako dahil sa laki na ng ipinagbago. Marami ng bagong comercial building at may mall na rin. Malaki na ang inasenso na lugar na kinalakihan ko. Halos di ko na maalala. Ilang taon na ba kong hindi nakauwi dito pito ba o walong taon?
"Dayo kaba ineng? San ka ba paroon?" Napatingin uli ako sa matandang vendor.
"Ah hindi po taga dito din po ako kaya lang matagal na ho kasi nu'ng huling uwi ko dito. Papunta ho ako ng Villa Arcega."
"Ay ganon ba. Bali diretsuhin mo yan at pag may nakita kang barber shop lumiko na diretso na yon papuntang Villa Arcega... Ay teka mabuti pang isabay mo si Patchot doon yon malapit sa Villa nakatira para di ka maligaw sa pagliko at madilim na..." Aangal sana ko sa sinabi nito pero nakaalis na ito at nilapitan ang isang lalaking naka polo barong at slacks na pasakay ng tricycle. Sandali na nag-usap ang dalawa pagkuwan ay tumingin sa direksyon ko. Nangunot naman ang noo ng lalake na may salamin sa mata habang tatango-tango at maya-maya pa kasama na ng matandang vendor.
"Ineng are si Patchot taga bungad iyan," nakangiting sabi ng matanda.
Pinasadahan ko naman ng tingin yung lalaking may salamin. Muntik na akong matawa ng mamula ang mukha nito ng makitang pinagmamasdan ko ito. Mukha naman itong harmless.
"Is it ok Patchot?" malambing na sabi ko dito at lalong namula ang mukha nito.
Is he gay or what?
Tumango ito. Binuksan ko ang pinto sa passenger seat tumalima naman ito at pumasok na. Nagpasalamat naman ako sa matandang vendor saka pinaandar na ang kotse.
Ilang minuto na kaming nagbabiyahe pero hindi umiimik ang katabi ko. So anong silbi niya ni hindi man lang sabihin kung tama ba ang tinatahak naming daan parang naki ride lang ang loko.
Tumikhim ako para sana mag-umpisang magsalita pero napansin ko namang napapitlag siya.
"Hey, bakit parang takot na takot ka. Hindi ako nangangain ng tao no."
Natatawa ako sa inaakto nito para bang babaeng Pilipina na ngayon pa lang nakatabi ng lalaki. My ghaad naman ang oa nito. Di na ko magtataka kung virgin pa to.
"A-ah h-hindi naman sa gano'n."
Natigilan ako kahit na bulol ang loko pang bedroom voice naman ang boses malambing at paos.
"Taga bungad ka pala?" tanong ko na lang dito. Taga bungad ang tawag dun sa mga nakatira sa labas ng Villa.
"O-oo."
"Dun ka lumaki?"
"O-oo."
"Ahm... So Patchot anong real name mo?"
BINABASA MO ANG
The Wild Heiress (completed)
RomancePara takasan ang obsess na ex-boyfriend sa manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera maikakasal naman sa nerd at boring pero may 6 pack abs na binata! Magawa kayang i-tame ng binata ang wi...