💋 CHAPTER 14 💋

6.8K 184 19
                                    

Erika's POV

DUMERETSO NA siya nang uwi sa Villa baka kasi nandito na si Juancho. Nag bilin daw kasi ito sa Mommy niya para sabihin sa kanya na maaga itong uuwi.

Excited na bumaba siya ng sasakyan niya. Kahit naman na bubwisit siya kay Juancho di naman niya mapigilang mamiss ito.

"La, si Juancho andyan na ba?" Tanong niya sa Lola niya na nasa garden at nagdidilig ng mga halaman. Nilapitan niya ito at bineso.

"Wala pa." Sagot nito "Hija look oh mayrong sutil na umubos ng mga roses ko. Imported pa naman ang mga yan. Walang puso ang sino mang kumalbo sa mga roses ko!" Malungkot na ani ng Lola niya. Mukha namang hindi nito alam na siya ang gumawa noon. Pero feeling niya pina riringgan siya nito. O guilty lang siya?

Napangiwi siya sa sinabi nito, tinamaan kasi siya eh! "Meron naman sigurong puso yon kahit papaano." Nakalabing bulong niya.

"No wala siyang puso!" Matigas na ani ng Lola niya.

"Saging nga may puso ako pa kaya? " ismid na bulong niya saka tinalikuran na ito.

"Oh saan ka na naman pupunta?" Tawag nito sa kanya ng pasakay na siya sa kotse niya.

"Sa bahay ng asawa ko!" Aniya dito.

"Kakadating mo lang ah, hindi kaba muna papasok sa loob ng bahay?"

"Nah. Ayoko dito, sasabunin na naman ako ng Daddy at ng Lolo. Ciao granny!" Nag flying kiss pa siya dito saka kumaway.

Iiling iling na kumaway nalang din ito sa kanya.

Sumakay na siya sa porsche niya at pinaandar iyon. Doon muna siya sa lungga ni Juancho magkukuta habang mainit parin ang ulo ng Lolo at Daddy niya sa kanya. kahit pa gustong gusto niyang humilata sa malambot niyang kama sa loob ng airconditioned niyang kwarto o di kaya ay mag babad sa bathtub niya hindi maaari dahil hindi naman siya patatahimikin ng pagtatalak nang dalawang matanda. Napabuntong hininga siya. She missed her life. Ang tagal kasing matapos ng isang buwan para makaalis na sila sa bahay ni Juancho at makalipat ng manila.

Malayo palang siya natanawan na niya ang isang black bmw sa tapat ng bungalow. Nangunot ang noo niya.

May bisita ba? O nandyan ang kapatid ni Juancho?

Pinarada niya ang porsche niya sa likod ng bmw. Hinagod niya pa ito ng tingin bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Naamoy niya kaagad ang mabangong amoy ng pinipiritong manok.

Biglang kumalam ang sikmura niya. Wala namang tao sa sala kaya dumeretso na siya sa kusina.

Napangiti nalang siya ng makita ang nakatalikod na si Juancho. Nakasuot ng pambahay habang naka-apron at abala sa pagluluto. Mukhang engrossed ito sa ginagawa kaya hindi siya napapansin

Nag tip toe siya at dahan-dahang naglakad papunta sa likuran nito. Kagat labing ipinulupot niya ang kamay sa beywang nito.

Naramdaman niyang napapitlag ito. Nilingon siya nito. Nginitian niya ito pero hindi ito gumanti ng ngiti sa kanya bagkus ay ibinaling na uli nito ang atensyon sa niluluto.

Inis na bumitaw siya dito at naglakad papalapit sa lamesa at naupo sa ibabaw non. Sinasabi na nga ba niya at galit na naman ito sa kanya dahil sa nangyari kay Melissa. Grabe naman ito di parin ata nakakamoved on sa ex niya.

Humalukipkip na lang siya habang pinagmamasdan ito sa ginawa nito. Sinusundan niya ang bawat galaw ng kamay nito, nang balikat, nang malapad na likod at ang matambok na pang upo nito. Nanuyo ang lalamunan niya.

"May bisita kaba?" Tanong niya dito.

"Wala" matipid na anito.

"Kanino yung kotse sa labas?"

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon