💋 CHAPTER 10 💋

7.7K 231 9
                                    

Juancho's POV

WALA PARIN silang imikan hanggang sa makarating sila sa Chef Melchor Restaurant kung saan gaganapin ang reception ng binyag. Hindi na kasi sila nakaabot sa simbahan kaya dumeretso nalang sila sa reception.

Pinark niya ang porsche ni Erika sa parking space ng restaurant bago ito binalingan.

"I'm sorry--"

Natigil siya sa pag sasalita ng itaas nito sa tapat ng mukha niya ang palad nito. Tinignan lang siya nito saka inirapan bago bumaba.

Napabuntong hininga na lang siya at sumunod na rito.

Inalalayan niya ito sa siko ng papasok na sila sa restaurant at hindi naman ito umangal kahit hindi rin umimik.

Kinakabahan siya kapag tahimik ito. Mas gusto niya pa na tinatarayan at pinagsasalitaan siya nito kaysa ganito ito na tahimik lang, paniguradong may iniisip na naman itong kalokohan.

Kasalanan din naman niya kung bakit bad mood ito ngayon dahil sa napagtaasan niya ito ng boses kanina.

Hindi niya lang kasi niya nagustuhan ang ipinakita nitong kagaspangan ng ugali sa harap ni Melissa and knowing Melissa paniguradong magsusumbong ito sa mga kabatch nila na dadalo rin sa binyagan ngayon ng dating class president nila nung college. Naging ex niya si Melissa kaya kabisado niya na ang ugali nito. Minsan exagged ito magkwento ng tunay na nangyari. Napabuntong hininga nalang siya uli.

Ayaw lang naman niya na may masabing masama ang iba tungkol kay Erika dahil siya ang unang nasasaktan pag may naririnig na hindi maganda patungkol dito kahit noon pa man..

(Flashback ...)

Yukong yuko ang ulo niya dahil sa sobrang kahihiyan. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng stage habang punong puno ng chocolate syrup ang ulo at muka pati narin ang puting polo niya na alaga sa pag kula ng Lola niya. Hindi na rin siya makaaninag ng maayos dahil ang isang lens ng glasses niya ay may chocolate syrup na rin na ibinuhos kanina sa kanya nila Brandon saka siya dinala dito sa stage at inutusang tumayo sa gitna habang hawak ang isang malaking illustration board na may naka sulat na "Kiss me Im desperate!"

Madaming estudyante ang dumadaan at nag tatawanan habang nakatingin sa kanya. Ang iba ay nandidiri at pinagsasabihan pa siyang retarded.

Sino ba naman ang gugustuhing halikan ang tulad niya? Isang commoner sa loob ng isang exclussive school. Laging luma ang mga gamit bukod pa sa hindi kaaya ayang physical appearance niya. Payat na parang tikling, maraming tigyawat sa mukha at nakasalamin pa. Kung hindi dahil sa scholarship na bigay sa kanya ng kompanya na pinagtatrabahuan ng tatay niya hindi siya makakapasok dito. Pero hindi niya rin naman gusto dito. Malayo ang agwat ng buhay niya sa mga kaklase niya dahilan kaya naman lagi na siya ang hilig i-bully ng mga ito.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon