💋 CHAPTER 21💋

7.4K 231 23
                                    

WALA NA SI Juancho paglabas niya ng banyo. Nakaramdam siya ng biglang panghihinayang.

"Bakit ka manghihinayang?! Naghahanap ka nanaman ng ikasasakit mo!" Inis natinanggal niya ang tuwalya na nakabalot sa katawan niya at ibinalibag na lang kung saan.

Nag bihis na siya at nagayos ng sarili dahil papasok pa siya sa opisina.

Paglabas niya ng kwarto niya sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng sinangag. Biglang kalam ang sikmura niya. Lumakad siya papunta sa kusina. At biglang kumabog ng malakas ang dibdib niya ng makita doon si Juancho na abala sa pagluluto. Nakaboxer lang ito at t-shirt na puti saka apron. Wala itong sapin sa paa. At home na at home sa bahay niya. Kung titignan mo itong kumilos parang ito ang mayari ng bahay niya.

Nilingon siya nito at parang tumigil sa pag pump ang puso niya ng ngitian siya nito. "Maluluto na to. Upo kana." sabi nito bumaling uli sa ginagawa.

Nagiinit ang sulok ng mata niya pero sinaway niya ang sarili. Bakit ba siya nagiging emosyonal?

Para kang tanga Erika! Kastigo niya sa sarili. Tumingala siya para pigilin ang luhang gustong pumatak.

Ghaad get a grip of your self biatch! Hindi mo ikinagaganda toh kaya itigil mo ang drama mo!

Bumuntong hininga siya at sinikap tanggalin ang bara sa lalamunan niya para hindi gumaralgal ang boses niya.

"Aalis na ako. Gusto ko pagbalik ko wala ka na dito." Malamig na aniya dito.

Nakita niyang natigilan ito. Bumuntong hininga ito at pinatay ang stove saka humarap sa kanya.

"Paano kung ayoko? Paano kung sabihin ko sayong dito na ako titira after all magasawa parin naman tayo kaya walang masama kung magsama tayo sa iisang bubong? Saka wala akong tutuluyan dito sa Manila ikaw lang ang kamag-anak ko dito." Seryoso ang mga tsokolate nitong mata na nakatitig sa kanya habang nagsasalita.

Napatanga siya sa sinabi nito. Anong kalokohan ang pumasok sa utak nito?

Pinameywangan niya ito "Hoy Mr.Baello for your information nakafile na ang annulment papers natin! At isa pa condo ko to! Ako ang magdedesisyon kung sino ang gusto at ayaw kong patirahin sa pamamahay ko! " Hinihingal sa inis na talak niya dito. "At anong akala mo sa condo ko 'Bahay Aruga' ? Puntahan ng walang matuluyan? " Pinandilatan niya ito.

Bigla itong tumawa na lalong kinainis niya.

Dinampot niya ang orange sa lamesa at binato dito. Nasalo lang nito ang binato niya. Patuloy parin ito sa pagtawa na lalo namang kinainis niya.

"Baby.. Hindi mo ba naririnig ang salitang conjugal property ? Kung ano ang sayo ay akin at kung ano ang akin ay sayo rin. So technically pag mamay-ari nating dalawa itong condo mo." Mahinahong paliwanag nito sa kanya.

Pinigil niya ang magpakita ng inis. Nginisihan niya ito "Hindi naman kaya lugi ako? Isa akong
Arcega taga pagmana ng isang hotel and casino magnate. Napakaraming pribehiyo ang mapapakinabangan mo sa akin." Nakakainsultong sabi niya dito. Gusto niya mang pagsisihan ang nasabi niya huli na kasi nasabi niya na! Walang ng bawian yon.

Sumeryoso ito at umayos ng tindig. "Ang Itay ko ay isang empleyado lang. But my grandfather is filty rich man. Have you ever heard Almendra International? That's my grandfather's company. I owned 60% of the total share in that company. So you see hindi ka naman ganoon ka lugi sa akin."

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon