💋 CHAPTER 12 💋

6.9K 230 24
                                    

Erika's POV

PALIKO na siya sa hallway kung nasaan ang restroom ng restaurant ng mamataan niya si Melissa na makakasalubong niya.

Nakita niyang nagulat ito, agad naman niyang inismiran ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Don't do stupid things Erika. Baka magalit nanaman sayo si Juancho at mag bago pa ang isip non sa pag take over ng kompanya. Stop your bitchiness!

Bulong niya sa isip. Kahit gustong gusto niya nang ingudngod ang pagmumukha nito sa pader magtitimpi siya. Mahirap na dahil mukhang kakampi dito si Juancho pag nagkataon.

Nagpatuloy na rin ito sa paglalakad. Iniiwas niya ang tingin niya dito para hindi siya ma-tempt na hablutin ito.

Nang mag kasalubong sila sinadyang bungguin nito ang balikat niya.

Nagtimpi siya.

Inhale.. Exhale.. Then walk..

"Slut"

Okay that's enough no more pagtitimpi! Gyera ang gusto nito? Then she will gladly give it to her! She smirk.. Evilly.

Dahan-dahang hinarap niya ito. A wicked smile form in her luscious lips. Humakbang siya ng dahan-dahan papalapit dito.

Nakita niyang tila kinabahan ito. Napalunok at napaayos ng tayo ito pero nanatiling nakataas ang kilay sa kanya.

"What did you just.. call me?" Mahinang tanong niya dito.

"Why? Are you deaf-- ahh!" Napabiling ito ng malakas niyang sinapak ito sa mukha. Muntik na itong mawalan ng balanse kung hindi napahawak sa seradura ng pintuan.

Hinila niya ang buhok nito para lalong ingudngod sa pintuan pagkatapos ay kinuha niya ang kamay nito at ipinilipit sa likuran nito. Napaigik ito. Sinubukan nitong makakawala sa kanya pero diniinan niya lang ang pagkakasabunot niya dito para mas lalo itong mangudngod

Yinuko niya ito saka binulungan sa tenga.

"Lets try it again. What.the.fucking.hell.you.just.called.me?" Mariin ang bawat salita na sabi niya dito.

"G-get off--" napaigik uli ito ng iuntog niya ang ulo nito sa dahon ng pinto.

"Wrong! Do I really need to repeat my self?" Akma niya uli itong iuumpog ng mag salita ito.

"Slut! I-I call y-you slut! Damn l-let me g-go please.." Halos mabulol na sigaw nito saka humagulgol ng iyak.

"Tsk tsk.. Kanina pa kasi tinatanong hindi ka sumasagot. Inantay mo pang masaktan ka!" aniya rito sa malambing na boses.

Binitawan niya ang kamay nito saka inabot ang seradura ng pinto at binuksan iyon. Lagayan pala iyon ng mga mop. Itinulak niya papasok doon si Melissa saka mabilis na sinara ang pinto bago pa ito makabangon sa pag kakasalampak sa mga mop. Pinindot niya ang lock ng pinto. Kinalabog naman nito ng kinalabog ang pinto mula sa loob at sumisigaw.

"Diyan ka lang hanggat di ka nagtatanda!" Galit na hinampas niya ang pinto. Saka tumalikod.

Pagharap niya nakita niya ang nakangangang janitor na nakatingin sa kanya pagkatapos ay tumingin sa pinto kung saan niya kinulong si Melissa.

"Don't you dare open this fucking door. Malilintikan ka sakin!" Babala niya dito saka ito nilagpasan.

Nag lakad siya pabalik sa lamesa nila.

Nakatingin sa kanya si Juancho na nakakunot ang noo sa kanya habang sinusuri siya ng tingin.

Umupo siya sa tabi nito na parang walang nangyari.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon