💋 CHAPTER 6 💋

8.2K 244 15
                                    


MALAKAS na hinampas ni Dad ang kamay niya sa desk niya. Namumula na ito sa galit.

Pero wala akong pakialam! Galit din ako dahil parang kinakasangkapan niya ako para lang mag karoon ng anak na matagal na nitong pangarap! The hell?!

Sampal sa akin na purihin niya ang anak ng iba pero ako na sarili niyang kadugo ni hindi niya nabigyan ng pansin kahit noong bata pa lang ako. Noon akala ko dahil busy sila sa trabaho, sa mga negosyo kaya wala silang time para sa akin. Hindi ba nila alam kung ano ang epekto non sakin? Nawalan ako ng ganang mag sumikap magaral at makakuha ng mataas na marka, dahil para saan pa? Wala rin namang nakaka appreciate non. Wala akong magulang na matutuwa kahit maging top one pa ko sa klase. Dahil busy sila sa pagpapalago ng pera.

Kaya naman nagpasya ako na gawin nalang kung ano ang makapag papasaya sa akin. Kung saan mas makakakuha ako ng appreciation. Sa mga kaibigan at barkada na tuwang tuwa kapag nanlilibre ako. I feel special and wanted dahil lahat dumidikit sa akin and because of what? My parents hard earn money. Tutal binuhos naman nila ang buong atensyon nila sa paggawa ng pera. So I decided why not using it para makuha ang atensyon na hindi nila maibigay sa akin?

"Tatanggalan kita ng mana kapag itinuloy mo ang annulment!" Galit na sigaw ng daddy niya.

Para namang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko "You can't do that to me! Yan na nga lang ang kaya niyong ibigay sa akin ipagkakait mo pa! How dare you daddy!" Halos humihingal na sigaw ko rin. Napatayo na ako at nakipagtitigan sa daddy ko na parang natigilan sa sinabi ko.

Bumuntong hininga ito at pilit kinakalma ang sarili. Muling naupo ang daddy ko saka tumitig uli sa akin.

"Then take over the company Erika" malumanay na ang boses nito.

Napatawa siya sa sinabi nito. Bakit ba pinipilit nitong pamahalaan niya ang kompanya? Marami namang mapag kakatiwalaang mamahala sa kompanya.

"I have no choice Erika. You giving me no one. Kaya naman papipiliin kita. Mananatili ka sa kasal niyo ni Juancho at si Juancho ang i-ttrained ko bilang hahalili sa akin, mananatili kang makukuha ang lahat ng nanaisin mo gamit ang perang kinikita ng kompanya o tatanggalan kita ng mana at kahit isang kusing wala kang makukuha. Mabubuhay ka sa sarili mong paa at ang ibig sabihin non kailangan mong mag trabaho para mabuhay ka. Pero anong trabaho ang makukuha mo Erika? Hindi ka nakapag tapos ng college wala ka ring work experience. Sinong tatanggap sayo?"

Napatiim bagang siya sa sinabi ng daddy niya. Ngayon niya pinagsisisihin kung bakit hindi siya nagtapos ng pagaaral, ni wala siyang matatawag na career!

Wala akong maikatwiran sa sinabi ni Daddy. Bwisit!

"Beggar's cannot be choosers, My dear daughter" nakakalokong dagdag pa ng daddy niya "Oh, by the way i will cut all of your cards, dahil may asawa kana responsibilidad ka na ng asawa mo simula ngayon"

Malakas na napasinghap ako sa sinabi nito "You can't do that to me! How can he provide for me?! He is poor! he don't even have his own car, and his house daddy, ghaad! mas sosyal pang tignan ang pinagawang bahay ni lolo para sa mga katulong na nasa likod ng villa! Ni walang shower sa banyo niya he made me use that damn tabo! Beside ang sabi mo kapag nanatili akong kasal kay Juancho I can still live comportably like I used to?!" Halos umusok na ang ilong ko sa kakasalita sa daddy ko.

Napapailing naman ang daddy ko. "The problem is, Juancho don't want to accept to be the CEO of our company"

Natigilan siya tama ba ang narinig niya? Inalok na ng daddy niya si Juancho para pamahalaan ang kompanya pero tinanggihan nito? Pero kailan pa?

"Kailangan mong kumbinsihin si Juancho na siya na ang humalili sa akin." Napatingin siya sa daddy niya. Ganon kalaki ang tiwala nito kay Juancho para ipag katiwala ang negosyo nila sa huli? "It's a win win situation Erika, pagnakumbinsi mo ang asawa mo mag kakaron na siya ng sapat na kakayahan na masunod ang luho mo at kami naman ng mommy mo makakapag retired na. Matatanda na rin naman na kami gusto naman naming makapag pasarap gamit ang perang pinaghirapan namin" sumandal ang daddy niya sa swivel chair nito. "And remember our main branch located in Manila, kung papayag si Juancho na siyang mamahala sa kompanya malamang na lumipat din kayo ng manila. Na sigurado naman akong pabor sayo" pangeengganyo pa nito.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon