💋 CHAPTER 13 💋

6.8K 196 36
                                    

Don Damian's POV

"MATIGAS din ang ulo ng manugang mo Miguel!" Naiiling siya. Hindi niya akalain na sasalungatin siya ni Juancho. "Nakakuha na naman ng kakampi ang anak mo kaya lalong tumitigas ang ulo."

"Kasalanan mo rin Pa. You spoiled her too much." Katwiran ng magaling niyang anak.

"Dahil pabaya ka! Anong gusto mong gawin ko kapag iniiwanan niyo siya sakin at umiiyak siya dahil na mi-miss kayo? Natural na ibigay ko ang lahat ng gusto niya hanggang sa nasanay na ako at hindi ko na siya matanggihan!" Bumuntong hininga siya. "Tapos ngayon nakakuha pa ng kunsintidor na asawa"

Tumawa si Miguel. "You choosed him for Erika so blame yourself, Pa."

Marahas na napabuntong-hininga siya. Sa lahat kasi ng apo niya si Erika at Sabrina ang malapit sa kanya dahil ang kabataan ng mga ito ay sa kanya nagsi-laki. Naiiling nalang siya. Parehong problema ang dalawang paborito niyang apo, parehong matitigas ang ulo. Ang mga ito ata ang papatay sa kanya.

Juancho's POV

BUMALIK SIYA SA kwarto ni Erika. Mahimbing parin ang tulog nito.

Umupo siya sa gilid ng kama. Tinanggal niya lang ang sapatos niya saka tumabi ng higa paharap dito. Tinanggal niya ang yakap yakap nitong stuff toys at dahan-dahan niyang iniangat ang ulo nito para paunanin ito sa braso niya. Napangiti siya ng yumakap ito sa baywang niya at sumiksik sa dibdib niya.

Sinamyo niya ang mabangong buhok nito. Nawawala ang pagod niya kapag ganitong yakap-yakap niya ito.

"Juancho..." Anito sa inaantok na tinig.

Niyuko niya ito. "Hmmm..?" Tugon niya.

Namumungay ang mga mata nito na tila nanaginip pa na tumingin sa kanya.

"Galit ka ba sa akin?" Antok na anito saka muling sumubsob sa dibdib niya.

Marahan siyang natawa saka hinalikan ang noo nito.

"Im not. I will never get mad at you, no matter what" malambing na aniya dito. Hindi niya kayang magalit dito kahit na alam niyang ginagamit lang siya nito. Ganoon niya ito kamahal. Willing siyang gamitin nito basta makasama niya lang ito.

Ngumiti ito kahit nakapikit na ang mga mata hindi niya sigurado kung narinig ba siya nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit saka natulog ng may ngiti sa mga labi.

MAAGA SIYANG nagising. Tinignan niya ang wall clock. 5:30 na ng umaga. Nakangiti siya ng makitang nakayakap parin sa kanya si Erika.

Maingat siyang umalis ng kama at isinuot ang sapatos niya. Uuwi muna siya sa bahay para makapag palit siya ng damit at makapunta sa hospital.

Kinintalan niya lang ng halik sa pisngi ang asawa bago lumabas ng kwarto nito.

Nakasalubong niya ang Mommy ni Erika kaya agad siyang nagmano dito.

"Good morning po" Bati niya.

"Good morning din, Hijo. Gusto mo bang mag kape?" Nakangiting alok nito.

"Hindi na po, pupunta pa po kasi ako sa hospital. Pakisabi nalang po kay Erika na maaga akong uuwi" magalang na aniya dito.

Bumuntong hininga ang ginang at malungkot na ngumiti sa kanya. Inabot nito ang kamay niya at ikinulong sa mga kamay nito.

"Ikaw na ang bahalang mag pasensya sa asawa mo, Juancho. Matigas ang ulo niyan pero hindi naman ganoon kasama ang anak ko gaya ng sinasabi nila." Malungkot ang mata nito habang sinasabi iyon.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon