💋 CHAPTER 17 💋

6.8K 219 15
                                    

NAGMAMADALING sinundan niya ang asawa.

Ginamit niya ang isang elavator dahil hindi niya na ito naabutan nang lumabas siya.

Kailangan niyang makausap si Juancho. Mali ang iniisip nito sa kanya. Nasasaktan siya sa nakikitang sakit sa mga mata nito kanina. Kailangan nilang magkausap.

Nang bumukas ang elevator ay agad siyang tumakbo sa parking lot. Agad niyang nakita si Juancho na bagsak ang mga balikat na naglalakad.

Tumakbo siya at pinigilan ang braso nito.

"Baby wait!" hinihingal na awat niya dito.

Halos madurog ang puso niya nang humarap ito sa kanya, basa ng luha ang mga mata nito at galit na nakatingin sa kanya.

Malakas na iwinaksi nito ang kanyang kamay.

"M-Mag papaliwanag ako," natatarantang aniya dito na akma itong lalapitan pero umatras ito na parang may nakakahawa siyang sakit. Hindi niya pinansin ang kirot na naramdaman niya sa ginawa nito. "Mali ang--"

"Hindi na kailangan!" matigas na anito at akmang tatalikod ng muli niyang pigilan.

"Makinig ka nga sakin!" hindi niya napigilan ang mapataas ang boses. Gusto niyang magpaliwanag pero nagmamatigas ito.

"Putang ina, para saan pa?! Para pumayag na naman akong magpagago sayo?! No! I will never listen to you anymore, I had enough!"

hindi siya nakapagsalita sa biglang pagsigaw nito.

"Pagod na'ko Erika. Nakakapagod kang mahalin. Mahal kita na halos wala na 'kong tinira sa sarili ko. Mahal kita kaya kahit prinsipyo ko binali ko! Pero tang-ina lang talaga, dahil kahit mahal kita hindi ko kayang humati sa iba. Akala ko kaya kong magpakagago, na kaya kong tangapin ang lahat ng mali sayo pero hindi ko pala kaya..."

Tumigil ito saglit at tumingala at muling tumingin sa kanya.

"Nang minahal kita nakalimutan kong tao lang din pala ako... na kaya ko rin pa lang mapagod pagnasaktan na ng husto," muling pumatak ang mga luha nito at garalgal ang boses ng mulimg magsalita, "mahal kita Erika pero hindi ko na kaya, I'm sorry," malungkot na anito saka tumalikod na at iniwan siya.

Para siyang na istatwa sa pagkakatayo niya. Nakatingin lang siya sa likuran ni Juancho habang papalayo ito sa kanya at nang mawala ito sa paningin niya, doon lang pumatak ang mga luha niya. Doon niya lang din napansin na kanina pa pala niya pinipigil ang paghinga.

Nang hihinang napaluhod siya sa gitna ng parking lot. Humikbi siya, hanggang sa lumakas ang hikbi niya at nauwi sa paghagulgol.

Parang mga patalim na humihiwa sa puso niya ang mga sinabi nito.

Bakit kailangan lahat ng taong magsasabing mahal siya ay iniiwan siya?

"Neng, ayos ka lang ba?"

Napatingin siya sa matandang Janitress na lumapit sa kanya at umupo rin sa harap niya.

Umiling siya at niyakap ito saka humagulgol ng iyak sa balikat nito.

"I-Im n-not o-okay," iyak niya. "I'm n-not!"

Parang batang umiyak siya ng umiyak sa balikat ng nagtatakang matanda.

Naawa naman ito sa kanya kaya hinayaan na siya at hinimas-himas ang likod niya.

She feel worthless ng mga oras na yon. Para siyang isang basura na basta na lang iniwanan sa isang tabi.

DALAWANG ARAW NANG hindi umuuwi si Juancho sa bahay nila.

Hindi siya umaalis o lumalabas sa loob ng dalawang araw na yon baka kasi biglang umuwi ang asawa niya at hindi siya maabutan.

Naniniwala siya na hindi siyanito matitiis. Uuwi at uuwi ito sa kanya. Mahal siya nito. Nasaktan lang ito kaya nagalit sa kanya. Pero uuwian siya ni Juancho. Kaya aantayin niya ito.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon