💋 CHAPTER 18 💋

6.6K 232 13
                                    

NAG DRIVE SIYA PAUWI sa bahay ni Juancho na hilam sa luha. Muntik muntikan na siyang mabangga sa isang puno kanina.

Bumaba siya sa sasakyan niya at nagmartsa papasok sa kabahayan.

Pinag masdan niya ang bawat sulok. Hindi niya maiwasang masaktan at maiyak. Nilibot niya ang buong kabahayan. Nahinto siya sa sala kung saan lagi niyang pinanonood si Juancho na magbunot, parang nakikita niya pa doon si Juancho na nakingiti sa kanya at pawis na pawis na nagbubunot.

Pumasok siya sa kusina. Andun din si Juancho nakatayo habang may apron at abalang nagluluto, lumingon ito sa kanya at nginitian siya. Umiiyak na nilapitan niya ito pero ng hahawakan niya ay bigla itong parang bula na nawala. Naitakip niya ang palad sa bibig para pigilan ang pagiyak agad siyang lumabas don para takbuhan ang katotohanan na wala na sa kanya si Juancho.

Sino na ang magluluto ng almusal niya? Sino na ang kakain ng niluto niya kahit wala naman talagang lasa? Paano na siya? Paano siya magpapatuloy ng wala na ito?

Pumasok siya sa kwarto. Nahiga siya sa kama. Kinuha niya ang unan na laging gamit ni Juancho. Niyakap niya yon at namaluktot siya sa higaan. Pumikit siya at inamoy amoy ang unan nito. Nangungulila siya sa init ng katawan nito. Sa yakap at halik nito..

Impit siyang napahagulgol. Pero sa pagkakataong iyon hinayaan niya ang sarili niyang umiyak nang umiyak. Hinayaan niyang maramdaman niya ang sakit.

Umiyak na halos hindi na siya makahinga dahil sa pagbabara ng ilong niya at paninikip ng lalamunan niya.

Umiyak siya hanggang sa makontento ang puso niya.

Nang magising siya madilim na ang paligid. Andon pa rin ang sakit pero kaya na niya. Siya pa ba?

Bumangon siya at dumiretso sa banyo. Naligo siya at nag-ayos ng sarili.

Magang-maga ang mga mata niya pero wala siyang pakialam.

Isang red mini dress na halos luwa ang dibdib niya at lumabas ang kuyukot niya ang suot niya. Nagmake up siya at naglagay ng pinaka matingkad na red lipstick na meron siya. Isinuot niya din ang five inches high heels niya saka ikinulot ang buhok at hinayaang nakalugay. Hinagod niya ang sarili sa salamin saka nginisihan ang sarili. Dinampot niya ang antipara na nasa dresser at isinuot.

Dinampot niya ang cellphone at car key niya saka pakendeng na naglakad palabas ng kwarto patungo sa laundry area. Kinuha niya ang isang galong gasolina na naroroon.

Ibinuhos niya ang gasolina sa loob ng bahay. Pagkatapos ay ibinato na lang niya kung saan iyon. Dinampot niya ang clucth bag na nasa sala saka lumabas ng bahay.

Tumayo siya sa tapat niyon at tinitigan sa huling pagkakataon.

Binuksan niya ang clutch bag niya at naglabas ng yosi saka sinindihan. Pagkasindi niya ay humitit siya pagkatapos ay binato niya ang may sinding ligther sa loob ng bahay. Ibinuga niya papunta sa dereksyon ng bahay ang usok ng hinitit niyang sigarilyo ng unti unting magliyab sa loob niyon.

Napangisi siya.

1st step on moving on :

Sunugin ang lahat ng bagay na makakapag paalala niya sayo! Check!

Now proceed on 2nd step :

Improve yourself!

Sumakay siya sa kotse niya at umalis sa lugar na yon.

Miguel's POV

"NASUNOG ANG bahay nila Juancho" malalim na napabuntong hininga ang Papa niya. "At may nakakita nasi Erika ang sumunog non."

Napasentido siya. Ano na naman kaya ang naisipan ng anak niya at gumawa na naman ng kalokohan. Nag iisang anak nga niya pero kung mag dala ng problema daig niya pa ang may sampung basagulerong anak. Ang buong akala niya ay ok ito at si Juancho bakit ngayon sinunog ng anak niya ang bahay ng mga ito?

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon