💋 CHAPTER 9 💋

8.4K 226 10
                                    


"Tara gala tayo" aya niya kay Juancho na nag bubunot na naman ng sahig. Kakatapos lang nitong maglaba kanina.

Linggo ngayon at wala itong pasok sa opisina. Kaya naman naisipan niya itong ayaing gumala dahil naiinip na siya

Tatlong araw na simula ng bumalik sila dito sa ancestral house nila Juancho at naiinip na siya. Gusto niya namang makakita ng ibang tanawin maliban sa apat na sulok ng bahay na to. Hindi naman siya makagala magisa dahil tinotoo na ng daddy niya na putulin ang mga credit cards niya. Si Juancho na raw ang bahala sa kanya. Pero syempre hindi naman niya basta mahingan si Juancho ng pang-shopping, dahil alam naman niyang wala rin itong maibibigay sa kanya. Eto pa ang bumibili ng pagkain nila araw araw. Namamasahe din ito sa tricycle dahil ayaw naman nitong gamitin ang porsche niya kahit ipag pilitan niya.

Naiinip na siya dito. Wala na siyang ibang ginawa kundi kumain, matulog at humiga, tapos repeat. Nakakauta!

Sa umaga ay magigising na lang siya na may pagkain na sa mesa. nagluluto na kasi si Juancho ng pagkain niya hanggang tanghalian bago pumasok sa office. sa hapon naman alas kwatro pa lang ay nasa bahay na ito at may dalang pinamili ng lulutuing ulam para sa hapunan nila, na binili nito sa talipapa bago umuwi ng bahay. Pagkatapos magpapalit lang ito ng damit tapos maguumpisa ng magluto ng hapunan habang siya, nanonood lang sa ginagawa nito. Ito rin ang magliligpit ng pinagkainan nila at siyang maghuhugas ng plato kasama ng pinagkainan niya nung tanghalian.

Masisira kasi yung nail art niya kaya hindi siya naghuhugas ng plato at naglalaba pero nagwawalis walis naman siya.

Tumingin ito sa wall clock. Magaalas nueve palang ng umaga. At oo nakapaglaba na siya ng lagay na yan dahil alas kwatro palang bumabangon na ito.

"Aalis ako ng alas onse eh." Sabi nito habang patuloy sa pagbubunot.

"Saan ka naman pupunta?" Kunot noong tanong niya dito.

"A-attend ako ng binyag sa bayan"

"Eh di sasama nalang ako sayo." Kibit balikat na sabi niya. Mabuti pang sumama siya dito kaysa naman maburo na naman siya dito maghapon.

"Sige." Anito saka ngumiti sa kanya pagkatapos ay itinuloy na ang pagbubunot.

Tumingin siya sa wall clock menus dyes bago mag alas nueve pa lang. so may dalawang oras pa siyang magaantay at tatambay dito sa bahay.

Itina-tap niya ang paa niya habang nakahalukipkip sa tabi ng pinto at pinanonood magbunot si Juancho. Grabe ito halos araw araw itong nagbubunot ng sahig kaya naman ang sahig nila ay napaka kintab. Wala ka ring makikitang alikabok sa paligid dahil masinop at malinis sa bahay si Juancho.

"Juancho.." Tawag pansin niya dito.

"Mmm?" Anito na patuloy parin sa ginagawa.

"Anong susootin ko?" Tanong niya. Actually 'mema' lang siya, feeling niya kasi malapit ng mapanis ang laway niya kaya kailangan niyang magsalita

"Kahit ano. Lahat naman bagay sayo wag lang yung sobrang revealing baka di tayo papasukin sa simbahan." Anito na mahinang natawa

Napalabi naman siya sa sinabi nito "lahat naman ng damit ko revealing. Yung sinuot ko nung dinner sa Villa, kinuha ko lang sa closet ni mommy" inis na maktol niya. "Nakakainis kasi si Daddy pinutol na ang mga credit cards ko. Wala tuloy ako pang shopping"

Napahinto naman ito sa ginagawa nito at napatitig sa kanya. "Kaya ba hindi ka naglalalabas dahil wala ka nang mga cards"

Napikot niya ang mga mata "Yeah. Ano namang gagawin ko sa mall mag wiwindow shopping?"

"Bakit di mo sakin sinabi na gusto mo palang mag shopping?"

"May ibibigay ka ba? e magkano lang ba ang sahod ng isang empleyado ikaw pa ang gumagastos dito sa bahay."

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon