💋 BONUS 💋

11.6K 315 44
                                    

[A/N: Remember yung flashback ni Juancho sa first meeting nila ni Erika nung highschool? This is the point of view of Erika in that scene]

PAPASOK NA SILA sa canteen ng may madapa sa harap niyang isang studyanteng lalaki. Payat at nakasalamin.

Una niyang napansin ang maamong kulay tsokolate nitong mga mata na natatabingan ng tumabinging eyeglasses nito.

Agad naman itong tumayo at nag mamadaling umalis sa harap niya.

Nasa likod nito sila Brandon na sumunod din agad dito.

Nag flying kiss pa sakanya si Brandon ng makita siya pero inirapan niya lang.

Kasama niya sina Adrianna at Keila. Sabay sabay silang naupo sa pwesto nila na malayo sa mga ibang studyante na nasa canteen. Pina request niya kasi iyon sa lolo niya

"Wala ka pang first kiss?" Eksaheradang tanong sakanya ni Adrianna. Isa sa mga plastic friend niya.

"What a loser" kantyaw din ni Keila sabay nakipag apir kay Adrianna.

Naiinis siya. Feeling niya pinag kakaisahan siya ng dalawa. Palibhasa kaliwa't kanan ang mga boyfriend ng mga ito at siya wala parin hanggang ngayon.

Hindi naman sa walang nag kakagusto sakanya dahil halos 90% ng kalalakihan sa school nila patay na patay sakanya tapos yayabangan siya ng dalawang toh na mga rejected suitors niya lang ang mga nagiging boyfriend.

"Akala ko ba lahat nakukuha mo?" May pang iinsultong tanong sakanya nito

"Pero first kiss wala ka pa?" Segunda ni Keila

"Shut up bitch! Kung ayaw niyong tahiin ko yang mga bunganga niyo" inis na pambabara niya sa mga ito "Mag si alis na nga kayo sa harap ko. Naiirita ako sainyo"

Nakasimangot at nag dadadabog na umalis ang dalawa sa harap niya

"Mga letseng toh di naman kagandahan" naiinis na tumayo narin siya at lumabas ng canteen.

Nadaanan niya ang mga studyante na nakukumpulan sa stage hindi na sana niya napansin pero nahagip ng paningin niya ang lalaking nag mamay ari ng mga tsokolateng mata na ngayon ay pinag kukumpulan at pinag tatawanan ng mga studyanteng nakapalibot dito.

Mukha itong tanga na may hawak ng placard sa gitna. Puno rin ng kulay brown ang ulo nito, mukha at uniform

Naiinis siya sa mga ganitong tao, mga pumapayag mag pa api sa iba.

Tatalikod nalang sana siya at hindi nasa papansin ang kaguluhan doon pero ayaw humakbang ng mga paa niya. Parang hinihila siya pabalik.

Naiimagine niya ang mga mata nito na malungkot at parang iiyak

"Haaay ano ba yan" inis na angal niya.

Humarap uli siya at nag lakad papalapit sa mga nag kukumpulan

"Tabe!" Taboy niya sa mga miron.

Nang makita siya ng mga ito ay agad na nag si gilid ang mga ito para bigyan siya ng daan. Nag lakad siya papalapit sa lalaking ngayon ay pilit na inaaninag ang pag lapit niya. Lalo niya tuloy nakikita kung gano ka ganda ang mga mata nito.

Huminto siya sa harap nito. Narinig niya pa itong napasinghap. Naamoy niya ang chocolate, siguro yung chocolate syrup sa waffle stand ang ibinuhos dito. Bumaba ang tingin niya sa hawak nito "Kiss me Im desperate"

Naisip niya ang pangangantyaw sakanya ng dalawang bruha kanina.

"Okay" kibit balikat niya saka hinila ang kwelyo nito na meron naring chocolate syrup. Hinalilan niya ito. Napapikit siya kahit ayaw niya sana. Malambot at mainit ang mga labi nito idagdag pa ang lasa ng chocolate syrup. Ang smack na sanay plano niyang gawin ay tumagal ng ilang segundo.

Pinilit niya ang sariling humiwalay sa mga labi nito at mabilis na tumalikod na parang walang nangyari. Hindi niya rin pinansin ang mga nanlalaking mata ng mga miron.

Nag lakad siya hanggang sa makakita siya ng restroom at agad na pumasok don. Humarap siya sa sink at tumingin sa salamin. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Namumula ang mukha niya na parang sinampal.

Napangiti siya. Totoo ngang matamis ang unang halik.

Dinilaan niya ang chocolate syrup na nasa gilid ng labi niya

"Not bad for a first kiss" aniya sa sarili.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon