💋 CHAPTER 15 💋

7.3K 214 38
                                    

"Hello?"

"How are you, Biatch?" Anang pamilyar na boses

"Jannah?"

"Who else?" Mataray na anito.

Naipaikot niya na lang ang eyeballs niya.

"What do you want?" Tamad na tanong niya dito.

"Not me. Kundi itong hampaslupa mong ex nangungulit dito sa bahay ko, asking me to call you for him because you didn't pick up your damn phone when he calls you!" Bakas ang pagkairita sa boses nito. "My ghaaaad! Talk to him para naman tantanan na ko ng hampaslupa na to"

Bwisit na Manolo ayaw talaga siyang tantanan. Blinock na kasi niya ang number nito sa cellphone niya dahil tawag ng tawag at text ng text ng kung ano ano kagabi pa.

"Where is he?" Napasintido na lang siya. Konting konti na lang mababalatan niya na ito ng buhay. Di makaintindi kahit na trinatrash talk niya na nga!

Nawala sa kabilang linya si Jannah pagkatapos ay narinig na niya ang boses ni Manolo.

"Sawa kana ba sa buhay mo Manolo?"

Tumawa ito. "Hindi pa. Bakit di na kita ma contact?"

"Dahil blinock ko na ang number mo."

Narinig niyang bumuntong hininga ito "Can i see you?" Nakikiusap na anito.

"No"

"Kahit saglit lang, gusto lang kitang makausap. "

"We're talking now. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin"

Natahimik ito pagkatapos ay narinig niya bumuntong hininga uli. Parang hirap na hirap ito base sa mga buntong hininga nito.

"I'm busy rigth now Manolo" bumuntong hininga siya "Mag kita nalang tayo bukas i-te-text kita." Yun lang at pinatay niya na ang tawag. Mabuti pangkausapin niya ito ng maayos baka sakaling makaintindi ito.

Siguro kung noon ito nangulit sa kanya baka hindi na ito magdalawang salita pa. Pero iba na siya, iba na rin ang nararamdaman niya para dito. Hindi na siya ang dating Erika na baliw na baliw dito noon. Umiiyak sa isang nasirang relasyon kahit di naman ito worth it para iyakan.

Manolo was her first love. Naging masaya siya kahit na saglit lang na naging sila. For the first time in her life nakaramdam siya ng pagmamahal at pagkalinga na matagal niyang pinangulilaan sa mga magulang. Buong akala niya wala ng katapusan ang mga 'I love you's' nito. Pero isang araw pagkatapos ng 'I love you' napalitan na ng 'I just used you' . its too painful for her. Her heart broke in a million damn pieces.

Katulad ng pagkadurog kapag sasabihan siya ng 'I love you' ng mga magulang niya pagkatapos ay iiwan nalang siya ng mga ito at babalikan nalang kapag naisipan ng mga ito.

For her 'I love you' means 'Goodbye's'

Sa karanasan niya nagsasabi lang ng 'I love you' sa kanya ang mga tao para mag paalam.

Juancho's POV

NAABUTAN NIYANG nagluluto si Erika sa kusina. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at malayang pinag mamasdan ito.

Suot nito ang tshirt niya na umabot lang hanggang sa gitna ng hita nito. Naka messy bun ito kaya lantad ang makinis na batok nito.

Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran, sinamyo niya ang buhok nito. Agad naman itong lumingon sa kanya kaya kinintalan niya ito ng halik.

"Gutom kana? Maluluto na to" malambing na anito.

"Mmhmm. Ano ba yang niluluto mo?" Tanong niya sabay dungaw sa kaserola.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon