💋 CHAPTER 11 💋

7.2K 202 14
                                    

Juancho's POV

MASAYA SIYA NA NAKIKITA na nagkaroon ng totoong mga kaibigan si Erika ng lumipat ito sa St.Catherine, kaya naman hinayaan niya muna itong makasama ang mga kaibigan nito.

Lumingon ito sa kanya at nagkatinginan sila. Nginitian siya nito na nakapagpalundag sa puso niya. Hindi na ata talaga maalis sa kanya na kiligin kapag nginingitian siya nito. Napailing na lang siya sa sarili para pa rin siyang teenager pagdating kay Erika.

Kinawayan siya nito at pinapalapit dito. Nag excuse siya sa mga kasama at lumapit sa asawa.

Agad itong tumayo at umangkla sa kanya. Hinila siya nito papalapit sa mga kaibigan nito at isa isang pinakilala. Kinamayan at nag pakilala naman siya sa mga ito.

Pinaupo siya sa tabi nito at ipinatong ang kamay sa hita niya na para bang yun ang napakanatural na gawain nito.

"Pre balita ko aalis kana sa AMC ?" bulong sa kanya ni Arjhay na katabi niya sa pabilog na lamesa.

"Oo. Baka kasi ako na ang humawak sa Arcega Hotel and Casino" kibit balikat na sabi niya dito.

"Ganon? E, paano ang posisyon mo sa Almendra?" Tanong nito sa kanya. Alam nito ang tungkol sa pagiging apo niya ni Don Jose Almendra dahil third year college sila ng sabihin sa kanya ang tungkol don at after graduation nila ng college kasama niya pa itong nag intern sa Almendra International bago ito nagtayo ng sarili nitong negosyo.

"Baka bitawan ko na" buntong hininga niya. Hindi rin kasi madali para sa kanya ang bitawan ang Almendra dahil sa Lolo niya iyon at isa pa napamahal na sa kanya ang kompanya na yon kaya binuhos niya ang lahat ng nalalaman at dedication doon noong nag muntikan na iyong bumagsak. Kaya lang hindi rin naman niya magagawang hawakan yun kung hahawakan niya ang Arcega Hotel and Casino paniguradong may mapapabayaan siyang isa.

"Sigurado ka na 'tol? Ang laki ng hirap mo sa Almendra diba? Saka alam na ba to ni Boss Mael?"

Umiling siya "Di ko pa nasasabi. Baka pagpunta na lang namin don next week sa birthday ni Amber"

Tumango tango na lang ito "Goodluck nalang"

"Thanks"

Kung siya lang ang papipiliin hindi niya iiwan ang Almendra. Balak niya ngang bilhin ang 20% share ng ate niya sa Almendra. Kung tutuusin kaya na niyang ibigay kay Erika ang maginhawang buhay na nakagisnan nito pero alam naman niyang hindi papayag ang ama nito kung hindi siya susunod sa gusto nito na pamahalaan ang Hotel and Casino. Paniguradong gagawa ng paraan ang byenan niyang lalaki para lang maihiwalay sa kanya si Erika kung tatanggihan niya ang posisyon. Kung sana lang ay mahal din siya ni Erika e di sana hindi niya kailangang iwanan ang Almendra.

Binalingan niya si Erika. Ngayon niya lang ito nakitang totoong masayang nakikipag biruan at tawanan. Nag nining-ning ang mga mata nito kapag tumatawa. Lumingon ito sa kanya saka hinaplos ang pisngi niya at bumaling uli sa mga kaibigan.

Hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi parin niya at hinalikan. Kung ito ang kapalit ng lahat handa niyang ibigay ang kahit ano basta makasama lang ito.

Melissa's POV

[AN: Bigyan natin ng exposure si ate mo ghurl]

INIS NA tinungga niya ang red wine na hawak niya.

Kanina pa siya nakatingin kay Juancho, her ex-boyfriend. Mas lalong gumwapo ito simula ng huli niya itong makita.

Natuwa siya ng makita niya ito sa department store kanina. Gusto niya itong yakapin. Good thing na mukhang wala naman itong sama ng loob sa kanya.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon