💋 SPECIAL CHAPTER 💋

10.1K 342 43
                                    

"Mommmyyy!"

Muntik na niyang mabitawan ang hawak na wire whisk ng marinig ang tili ng anak na si Emma

"Bwisit!" Inis na mura niya

"Bushit" napalingon siya sa anim na taong gulang nasi Aiden ang kakambal ng anak niyang si Emma.

"That's bad Aiden!" Saway niya dito

"Mommy bad!" Sabi naman nito sa kanya na namewang pa at nakasimangot.

Natawa siya. Kung hindi niya lang anak to baka kinutusan na niya.

"Mommmyy!" Muli narinig niya ang tili ng anak

"Ano ba Emma?" Salubong niya dito ng pumasok ito sa kitchen na hingal na hingal

"There's a bitch flirting with my daddyyyy!" Nag papapadyak pa ito ng paa. Habang nakasimangot sakanya

"Stop it Emma! That's your Tita Apple. She's your daddy's friend" saway niya sa anak. Dumating kasi si Apple kanina para sa mga papeles na kailangan pirmahan ni Juancho. Naka leave kasi ang asawa niya dahil kabuwanan na niya. Anytime pwede na siyang manganak.

Nag halukipkip naman si Emma at umismid sakanya. Napaka maldita nito at napaka tabil ng bibig madalas na mapatawag siya sa school dahil sa pang bubully nito sa ibang kaklase nito. Kabaligtaran ito ng kakambal nitong si Aiden. Madalas na tahimik lang ang anak niya na yon at behave, lagi ring sakanya naka buntot.

Bumaba naman sa silya ang anak niyang si Aiden na kanina pa 'tumutulong' sa kanya gumawa ng cupcakes

"Saan ang punta mo Aiden?" Tanong niya ng akma itong lalabas sa kitchen

"Punta po 'kay Tita Apple" nakangiting sabi nito saka akmang tatakbo na uli ng hawakan ito ng kapatid sa damit nito

"Pupuntahan mo lang ang mga hampaslupa!" Pigil nito sa kapatid

Ang hampas lupang sinasabi nito ay ang anak ni Apple na si Cherry at ang pamangkin ni Apple na si Ycos na ewan niya ba kung bakit kinaiinisan ng anak niya samantalang mabait naman ito at mahiyain. Naaalala niya nga si Juancho dito kaya minsan natutuwa siya sa batang iyon

"That's bad! Isusumbong kita kay daddy bad ka talaga Emma! Let me go!" nag pupumilit na kumawala si Aiden kay Emma

"Tell daddy and i will tell to all our classmate that you still peed on your bed"

"Tama na yan!" Awat niya sa mga ito dahil baka mag kapikunan na naman at medyo nag kakasakitan na "Emma bitawan mo na ang kapatid mo please! Naiinis na 'ko!"

Binitawan nga ng maldita niyang anak ang kakambal nito pero patulak kaya napaupo ang kapatid nito

"Emma!"

"What?" Inosenteng tanong nito sa kanya. Lalapitan niya sana ito pero bigla naman itong tumakbo

Napabuntong hininga nalang siya. Habang lumalaki ang anak niyang yon lalong tumitigas ang ulo

"Spoiled kasi sa ama!" Inis na bulong niya sa sarili

Nag lakad siya papunta sa gazebo na nasa garden

Nakita niya agad ang anak na si Aiden na kalaro ang apat na taong gulang na anak ni Apple. Napangiti siya, kamukha kamukha ito ng ama nito. "Hi Cherry" bati niya dito. Agad na lumapit ito sa kanya at nag mano kasunod nito ang pinsan "Hi Ycos"

"Hi" bati sa kanya ni Apple.

Nilapitan niya ito at bineso, close na sila nito simula ng mag kaanak ito dahil simula non hindi na niya ito pinag selosan. lumapit siya sa asawa na ibinaba ang hawak nitong papeles at hinalikan ang umbok ng tyan niya

"Ano na naman ang pinag aawayan niyo mag ina? Dinig na dinig dito ang boses niyo" malambing na kinandong siya nito

"Napaka maldita ng anak mo" sumbong niya dito

Natawa naman si Apple kaya inirapan niya ito

"Mana sayo" natatawa ring ani ni Juancho.

Napalabi siya. Aminado naman siya na sakanha nag mana ang anak. Naiinis lang siya dahil madalas na kampihan ito ni Juancho kahit mali na minsan.

Napalingon sila pare pareho ng marinig ang pag iyak ni Aiden. Tumayo siya at nilapitan ang anak kasunod ang asawa

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa anak

"Mommmyy!" Atungal nito "Si c-cherry a-ayaw n-niya po akong m-maging b-boyfriend" pa utal utal na sabi nito

Natatawang nilapitan ito ni Juancho at kinarga para aluin

Binalingan niya naman si Cherry na nag tatago sa likod ng pinsan.

"Bakit naman ayaw mo kay Aiden" biro niya dito

"Kasi po sabi ng daddy ko bawal daw po akong mag boyfriend" nakalabing sabi nito

Nag katinginan naman sila ni Apple. Nakita niyang namumutla ito.

"Nag kita na sila ni Trevor?" Tanong niya dito

Hindi na kaimik si Apple sa tanong niya.

"Mommmy!" Tili ni Emma papalapit sa kanila "Mommy may adik sa gate"

"Emma! San mo natutunan yan?" Sita dito ni Juancho

Tinuro naman siya ng magaling niyang anak "Kay mommy po sabi niya adik daw si Kuya Temyo" tukoy nito sa driver ng Tito Mael nito

Napangiwi siya ng bumaling sa kanya si Juancho "Ang haba kasi ng buhok niya tapos ang payat pa" palusot niya dito

Nailing nalang si Juancho.

'Sorry' She mouthed saka tinignan ng masama ang matabil na. Tumakbo ito papalapit kay Ycoa na nakatayo lang sa isang sukok

Bigla itong hinampas ng anak niya sa braso "Hoy hampaslupa bakit nandito ka nanaman"

Parang hihimatayin siya sa gigil sa anak. Agad na nilapitan niya ito at kinurot sa balikat

Umiiyak itong lumapit kay Juancho at nangunyapit sa hita ng ama na para bang aping api

"Baby.." Saway sa kanya ni Juancho

"Pag sabihan mo yang anak mo, gigil ako niyan" nilapitan niya si Ycos "gusto mo ba ng ice cream?" Masuyong tanong niya dito. Nahihiyang ngumiti ito sa kanya. Inaya niya ito sa kusina, pinaupo nya ito saka kinuhanan ng icecream sa ref.

"Stressed ka na ba ?" Tanong ni Juancho na yumakap sa kanya mula sa likod.

Inihilig niya ang ulo niya dito "Nakaka stress kasi ang anak mo"

"Bata pa kasi si Emma hindi pa niya alam ang tama sa mali"

"Ang sabihin mo masyado mong inispoiled" ismid niya dito

Tumawa ito at hinalikan siya sa pisngi "dadating ang panahon na may mag papabago rin sa anak mo. Kagaya mo"

Napatingin siya kay Ycos. Hindi niya alam pero may feeling siya na may magiging bahagi ito para mapag bago ang anak niya.

A/N:

Thank you for reading and voting this story of mine..
I hope you enjoy reading 'The Wild Heiress' and I made you smile through this story..

Godbless you all..

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon