💋 CHAPTER 5 💋

9.4K 256 33
                                    

Erika

PAG KATAPOS NG TANGHALIAN pumunta ako sa sala para manood ng TV ng mawala ang pagkainis ko kay Juancho. pero ang lintik 'kong 'asawa' lumabas din ng sala may bitbit na bunot at floor wax.

Hindi ko maiwasang sulyapan si Juancho habang nakahubad baro na nagbubunot ng sahig. Tagaktak na ang pawis nito na tumutulo sa dibdib at papunta sa abs nito. Bumaba ang tingin ko sa mga hita nito at sa binti na nakaapak sa bunot habang ginagalaw yon paatras at paabante lalo naman na dedefine ang muscle nito sa binti. Napalunok ako. Pinilit kong inalis ang mga mata ko sa kanya at itinutok sa tv at inayos ang pag kakaupo sa kawayang sofa.

Pero ilang segundo palang ang malandi kong mata ay unti-unti ng gumagalaw papunta sa dereksyon ni Juancho. Napakagat labi ako ng ayusin nito ang salamin niya. Kitang kita ko kung pano mag flex ang muscle sa braso nito ng itupi nito yon. Parang nanuyo ang lalamunan ko pero ang panty ko bigla namang nag lawa.

Shit inaakit ba ko ng lalaking to? Papatulan kita!

Nag bubunot lang siya girl assuming ka!

Heh letse ka! Intrimitidang bahagi ng utak ko shut up! Panira ka ng mood!

Malandi ka!

Gustong gusto mo naman pag lumalandi ako!

Maharot ka ikaw dapat ang kumain ng carrot!

Malakas na napabuntong hininga ako sa pakikipag talo sa sarili ko. Nakakapagod palang makipagusap sa sarili? Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba hindi ako maawat sa pagnanasa sa lalaking to? Hindi naman ako ganito dati ah! Kahit sa ibang lalaki na nakarelasyon ko hindi naman ako ganito na sobrang naaapektuhan pagnakakakita ng hubad na abs.

Pero ang dilitut talaga ng lintik

Tumayo na ako at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Feeling ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Pero basa naman ang ibaba ko. Shit! This can't be! Nagiging maniac na ko I'm lusting to a man i barely know! But he is my husband! Sigaw ng malanding isip ko. Mabilis kong tinampal tampal ng palad ko ang magkabila kong pisngi na para bang sa pamamagitan non magigising ako sa kahibangan ko.

"Dadating pala sila Lola"

Napapitlag ako ng bigla nalang mag salita si Juancho sa likuran ko. Bigla ang pag bilis ng tibok ng puso ko at pagkatarantang nararamdaman ko.

Binuksan ko ang ref at mabilis na tinungga ang pitchel para makalma ang sarili ko, wala akong pakialam kahit nagkatapon tapon na ang tubig.

"Dahan dahan baka mabulunan ka"

At para namang may krus ang dila nito. Nabulunan nga ako at hindi lang yon sa kamalas malasan pa, lumabas pa sa ilong ko ang tubig. Shit! Halos maiyak ako sa sakit ng ulo ko at sa lalamunan ko na panay ang pag ubo.

Naramdaman ko ang kamay ni Juancho sa likuran ko na humihimas doon. Mainit iyon at masuyo.

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong nito.

Naipaikot ko nalang ang mata ko. Obvious namang di ako ok nag tanong pa.

"Nabigla kaba sa sinabi ko?" Malungkot na sabi nito.

Humarap ako dito na nakakunot ang noo.

"Anong bang sinabi mo kanina?" Tanong ko dito. Di ko kasi masyadong naintindihan ang sinabi nito dahil nabulunan ako.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon