💋 CHAPTER 20 💋

7.5K 224 11
                                    

"DO YOU KNOW what art exhibit is?" Tanong sa kanya ni Trevor ng papasok na sila sa art gallery na pagdarausan ng event.

"No and i dont want to know!" Pambabara niya dito. Kanina pa siya badtrip dito dahil ang usapang 7:30 naging 8:30. Buti na lang at hindi ma-traffic.

"Tss.. You are such a bitch. Didn't you know that?" Ipinaikot nito ang mata.

"I'm a bitch because Im tired of everyones bullshit." Tugon niya dito.

"Maybe you should eat some make up so you can be pretty inside too." Kibit balikat na anito sa kanya.

"Hoy hindi porke't mabait ako sayo close na tayo. Nakikita mo tong kamay ko?" Itinaas niya ang palad. "Gusto mong isampal ko sayo to?" Inis na sikmat niya dito.

Ibinababa nito ang kamay niya at ibinalik sa braso nito saka tumawa "Of course, I dont like it. Ang init ng ulo mo."

Inirapan niya lang ito. Kanina pa ito nagiinis sa kanya. Joke ng joke kahit wala namang nakakatawa.

"Stop being a pussy Trevor. Nakakairita kana."

Tinawanan lang siya nito at hinapit sa baywang. "So bakit nga tayo nandito?" Pag-kuwan ay tanong nito.

"Mayron akong paintings na dinonate sa art exhibit na to. I want to see Manolo's reaction when he see that painting." Nangingiting aniya.

"Interesting."

Nilibot niya ang paningin. At namataan niya ang isang pares na pinagkukumpulan ng mga bisita. Si Manolo at ang long time girlfriend nito na isang art curator at siyang nag held ng event na ito.

Hinila niya si Trevor sa isang sulok. Kumuha sila ng alak sa nagdaang waiter. Pinagmamasdan niya lang ang mga ito.

Nagumpisa na ang auction. Tatlo sa pinakamahal na painting ay binili ni Trevor.

Hanggang sa dumating na ang pinaka last na painting. Nakatakip pa ito ng pulang tela. Dinala ito sa harap ng stage.

Napangisi siya ng makitang lumapit sa tabi ng painting si Manolo.

Kinuha nito ang kamay ng girlfriemd nito na nagtataka at dinala sa tabi ng painting. Pumailanlang ang violin version ng photograph. Nag dim ang mga ilaw. Nagliwanag ang screen sa stage at nag play doon ang video clip na naglalaman ng mga pictures ng mga ito.

Maraming napasinghap ng lumuhod si Manolo sa harap ng girlfriend nito. Lahat ay natutuwa sa napaka romantikong tagpo na yon lalo na ng tanggapin ng babae ang engagement ring.

Naghiyawan ang mga tao. Habang siya ineenjoy ang mga napapanood at sisimsim ng alak.

Nagyakap ang magkapareha. Hinapit ni Manolo ang ngayon ay fiancee nito papalapit sa painting saka tinanggal ang tabing niyon.

Napasinghap ang lahat ng makita kung ano ang laman ng painting.

Si Manolo at siya. In a very intimate moment.

Napalingon si Trevor sa kanya.

"Is that you?" Tanong nito sa kanya.

Ngumiti lang siya.

Namatay ang music at napalitan ang video clip ng mga litrato nila ni Manolo. Mga litratong ipinasa nito kay Juancho.

Kitang kita niya kung paano ito namutla lalo na ng malakas itong sampalin ng kasintahan nito at ibato sa mukha nito ang singsing na isinuot nito kanina.

Nagtatakbo ang girlfriend nito palabas, mabilis na sinundan ito ni Manolo.

Nang mapadaan sa kanya si Manolo nagulat ito ng magkatitigan sila. Bumakas ang galit sa mga mata nito.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon