💋 CHAPTER 16 💋

6.6K 193 8
                                    

Erika's POV

SA ISANG restaurant sa loob ng mall siya nakipagkita kay Manolo.

Nandoon na ito ng dumating siya.

Agad na tumayo ito at nakangiting bumeso sa kanya ng makalapit siya. Hinayaan niya na ito.

"Akala ko di mo nako sisiputin e" makangiting anito

"Well balak ko nga sana pero naisip ko na kailangang nating magusap"

"About us? Babalikan mo na ba ko?" Hopeful na anito.

"Tss. Di na ko magpapaligoy ligoy pa Manolo stop pestering me na! Dahil baka pagselosan ka pa ng asawa ko kung ano pa magawa ko sayo. And for your information wala akong balak makipagbalikan sayo." Sabi niya dito habang tinitignan ang menu.

Natawa ito sa sinabi niya na ikinibit balikat niya lang "So.. Ibig sabihin talagang naka moved on kana sa'kin?" Hindi naman ito mukhang bitter, kaswal lang din ito kung magsalita.

"Yeah." Aniya sabay lapag ng menu. Pinagsalikop niya ang mga kamay at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa.

Ginaya naman siya nito. Nakangiti ito sa kanya. "Masasaktan ka ba kapag iniwan ka niya?" Napaismid siya sa tanong nito.

"Malamang! Sayo nga nasaktan ako kay Juancho pa kaya?" Nakairap na sagot niya.

Umayos ito sa pagkakaupo at sumeryoso ang mukha "I'm sorry.." Sinserong anito saka inabot ang kamay niya "I'm sorry kung nasaktan kita noon. I was a jerk back then."

"Buti alam mo." Nakairap na aniya na nginitian lang nito kaya napangiti narin siya

Akala niya magiging mahirap ang magiging pagpapaliwanag niya dito, pero hindi naman pala. Mabilis naman nitong natangap ang gusto niya at kung nasasaktan man ito dahil sa pagtanggi niya dito ay napakagaling nitong magtago. Hindi kasi halata.

"What?" Natatawang tanong nito ng mapansin nitong nakatingin siya dito "Nagbago na isip mo? Ako na ba uli ang mahal mo?" Tumaas taas pa ang kilay nito.

Natawa din siya. "Assumero ka!"

Nagorder na sila ng pagkain. Naging magaan naman ang usapan nila nagkantyawan at nagbiruan ng mga nangyari nung high school sila. Masaya siya na pareho na silang naka moved on. Sa tingin niya hindi naman talaga siya ang gusto nitong makuha kundi ang kapatawaran lang talaga niya.

Nagpaalam si Manolo sa kanya na pupunta sa Restroom ng tumunog ang cellphone niya. Agad na kinuha niya yon sa clutch bag niya, napangiti siya ng makitang si Juancho ang tumatawag.

"Hi baby," Bati niya dito.

Narinig niyang mahinang tumawa ito.

"Anong ginagawa mo?" Malambing na tanong nito.

"Nandito ako sa mall may mi-neet pang akong.. Kaibigan." Nagalangan siyang sabihin kung sino ang kasama niya. Baka kasi iba ang isipin nito lalo na at alam nitong ex niya si Manolo.

"Sinong kaibigan?"

"Si..si Jannah." Nakagat niya ang ibabang labi niya.

Dun naman dumating si Manolo. Sumenyas siya ditong wag maingay, tumango naman ito at naupo na sa harap niya.

"Ganon ba.." mahinang ani ni Juancho "Anong oras ka uuwi, gusto mo sunduin kita?"

"Wag na dala ko ang posrche ko saka pauwi na rin naman ako." Aniya dito.

"Ok bye," Nahihimigan niyang parang malungkot ang boses nito pero hindi na lang niya pinansin babawi na lang siya dito mamaya.

"Bye," Aniya at pinatay na ang tawag. "Uuwi na ko." Sabi niya kay Manolo.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon