💋CHAPTER 22💋

7.5K 228 15
                                    

Juancho's POV

KAHIT NAMAN sinabi niya na ok lang sa kanya kahit may kahati siya sa asawa hindi niya parin maiwasang masaktan. Masakit na makita mo yung taong mahal mo na nasa kandungan ng iba. Literal na nasa kandungan talaga ng iba. Sa isang lalaking alam niyang mas babagay kay Erika, yung lalaking mas better, yung lalaking kabaliktaran niya at yung hindi kasing boring niya.

Pero anong karapatan niyang magalit at masaktan? Hindi ito mapupunta sa iba kung nakinig siya sa paliwanag nito noon.

Napaka laki niyang gago. Lagi niyang sinasabi na mahal niya si Erika, na lahat ibibigay niya para dito. Pero hindi niya ito nabigyan ng chance para ipaliwanag ang sarili sa kanya nung mga panahong gusto nitong mag paliwanag. Hinayaan niya lang itong mawala at ipinag tabuyan niya pa.

Nakalimutan niya kung gaano kahalaga si Erika sa buhay niya. Nakalimutan niya yung salitang 'tiwala' nung sinubok sila.

Kaya ngayon anong karapatan niyang masaktan? Wala!

Dahil mas nasaktan niya ito...

Sinayang niya yung chance na mahalin nito. Sinayang niya yung chance na makasama ito.

'mahal kita.. Pinahalagahan kita..' Sabi nito sa kanya noon. Pero hindi niya pinaniwalaan.

Kung sana hindi siya binulag ng galit niya at pinaniwalaan niya na mahal siya nito. Kung hindi sana siya nag pagkain sa mga insecurities niya.

Masaya kaya sila ngayon?

"Ikaw ba ang asawa ni Erika?" tanong sa kanya ng lalaking kayakap ng asawa niya. Nakahilig ang ulo ni Erika sa balikat nito habang nakakandong dito ang asawa niya.

Tumango siya dito.

Iniabot jito ag kamay sa kanya "Trevor 'pre" pag pag papakilala nito.

Tinanggap niya ang pakikipag kamay nito "Juancho.."

"Iuwi mo na to" anito sa kanya na ag tinutukoy ay si Erika. "Pero bayaran mo muna lahat ng ininom nito." tumayo ito at inalalayan si Erika papalapit sa kanya. Lasing na lasing na ang asawa, halos hindi na nito maimulat ang mga mata sa kalasingan pero panay parin ang salita na hindi muna maiintindihan.

Kinuha niya mula dito si Erika. Pag katapos ay inabutan niya ito ng calling card niya. "Email mo nalang yung bill ng asawa ko"

Kinuha nito ang calling card at isinuksok sa pocket ng suit nito. "Saka may hinampas pala ng bote yang asawa mo. Ipapa shoulder ko rin sayo ang mga alak at gamit na binato niyan"

Napangiwi siya pero tumango nalang. Wag naman mademanda nanaman ito dahil paniguradong sesermunan na naman ito ng daddy nito.

"Okay just send me the bill. Thank you" aniya dito saka tinanguan ito.

Tumango lang ito saka bumaling ang tingin kay Apple na nasa tabi niya. Matagal na nag titigan ang mga ito bago tuluyang umalis ang lalaki at tumalikod saka nila.

"Do you know him?" Tanong niya kay Apple ng maitang nakasunod parin ang mata nito kay Trevor.

"H-Hindi" mabilis na sagot nito.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon