💋 CHAPTER 24 💋

10K 300 39
                                    

Juancho's POV

"Sigurado kana ba sa desisyon mong yan? Magiging masaya kaba kapag itinuloy mo ang annulment" tanong ng Ate Angela niya sa kanya.

Hindi. Hindi siya sigurado at hindi siya magiging masaya pero kung yun naman ang makakapag palaya kay Erika sa sakit na naibigay niya dito gagawin niya.

"I've no choice..." parang may dumagan sa dibdib niya ng sabihin iyon.

"Wala nga ba?" Nakangiting anito. "Minsan ko naring sinukuan ang kuya Mael mo at ako lang din ang nahirapan.. Akala ko noon pinalaya ko siya mula sa akin para hindi na siya mahirapan at makapag simula siya ng bago, I didn't know na mas nasaktan ko pala siya, na mas lalo ko lang pala siyang nadurog. I broke him without even knowing it. Pareho kaming nag dusa dahil sa mga biglaang desisyon ko" napatingin siya dito ng tapik tapikin nito ang balikat niya. "Wag kang mag desisyon para sa kanya. pag usapan niyo muna ng maayos.. nasaktan siya Juancho at nasaktan ka rin naman sa mga nangyari. bigyan niyo ng pag kakataon ang mga sarili niyo na sumaya, hindi sa lahat ng oras puro pag hihiwalay ang solusyon"

Napabuntong hininga siya. Saksi siya sa mga nag daang problema sa Ate niya at sa asawa nito. Masaya siya dahil nalagpasan ng mga ito ang bahaging iyon sa buhay ng mga ito. Proud siya sa ate niya dahil naging matatag ito sa lahat ng pinag daanan nito.

"Ang mabuti pa umuwi kana at mag usap kayong mag asawa"

"Do you think magagawa ko kaya siyang mapasaya?" puno ng insecurity na tanong niya sa kapatid. Nawawalan na siya ng tiwala sa sarili niya. Deserve ni Erika ang maging masaya at kung hindi siya ang makakapag bigay non dito handa niya itong pakawalan kahit masakit.

"I'm sure you will" hinalikan siya nito sa pisngi saka siya niyakap. "No matter what happen I'm always here to support you. Always remember that" bulong nito sa kanya. gumanti siya ng yakap dito. Hindi niya akalain na dadating ang panahon na dito siya mag hihinga ng mga problema niya sa buhay may asawa.

"Thanks.. " humigpit ang yakap dito. thankful siya dahil meron siyang kapatid na handang makinig at mag payo sa kanya. Buti nalang at nag kataong nandito rin ito sa Manila dahil may inaasikaso ang bayaw niya dito.

Tinapik nito ang pisngi niya saka siya iniwan sa bar counter ng bahay ng mga ito .

Gulong gulo na siya at ito ang tinakbuhan niya. Hindi na niya kasi alam ang gagawin niya. Mabilis siyang makaisip ng mga business strategies at proposal pero na bablangko ang utak niya pag dating sa asawa. Mahal niya si Erika at ayaw niyang mawala ito sa kanya pero nasasaktan siya pag nakikita itong nasasaktan dahil sa kanya.

Pero tama ang ate niya hindi siya dapat ang nag dedesisyon para kay Erika.

Naalala niya ang sinabi ni Erika kanina bago umalis.

"Kung aalis ka, umalis ka. Wag mo akong tanungin ng ganyan. Wag kang umalis ng dahil lang sa gusto ko. Dahil ayokong marinig na kaya ka umalis ng dahil sakin. Wag mo akong gawing dahilan para iwan uli ako.."

Gusto niyang isiping ayaw rin nitong umalis siya. Pero ayaw niya namang umasa.

"Kung aalis ka.. Pwede bang wag ka ng mag paalam? Wag mo na ring sasabihin mahal mo ako kung iiwan mo lang uli ako. Nakakasawa na Juancho.. "

Napasintido siya. Pwede niya na bang isiping sign iyon na ayaw rin nitong umalis siya?

Ang mabuti pa umuwi na siya at harapin ang asawa. Kakausapin niya ito. Hihingi siya ng second chance kahit pa lumuhod siya sa harapan nito gagawin niya.

Erika's POV

NAGAWA NIYA ng linisin ang buong condo niya. Nakapag luto narin siya. Si Juancho na lang ang kulang.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon