💋 CHAPTER 3 💋

9.4K 285 43
                                    


PARANG MATATANGAL ang ulo ko sa lakas ng pagalog sa balikat ko ng kung sinong walang pusong gumigising sa akin. Sobrang sakit ng ulo ko kaya kahit gusto kong imulat ang mata ko hindi ko magawa. Parang may pumipiga sa bungo ko. At ang mga mata ko parang may lupa ang hirap imulat. Umungol na lang ako para magprotesta sa ginagawang pag yugyog sakin dahil feeling ko talaga lalaglag na ang ulo ko kaunting-kaunti nalang! Nagawa ko namang imulat ng kaunti ang isang mata ko para makita ang walang hiyang gumigising sa akin pero malabo ang tingin ko. Kinusot ko iyon. Hanggang sa luminaw.

"Kiara?" Lintik na babaeng to hindi na naman nakainom ng gamot niya ang aga-agang nanggigising. Tinabig ko ang kamay niya. May sinasabi siya pero di ko naiintindihan.

May naririnig akong sumisigaw at umiiyak. Napakunot ang noo ko at pinilit kong bumangon.

Nanlaki ang mata ko ng tuluyang magmulat at makitang maraming tao sa paligid ko. Nakita ko si mommy na umiiyak at inaalo naman ito ni daddy habang si Kiara ay mabilis na itinapis sa akin ang kumot.

Si lolo naman ay hawak ang shotgun niya at nakatutok sa katabi ko.. Wait katabi ko! Fuck! napalingon ako agad sa katabi ko.. si Juancho gulo-gulo ang buhok, namumutla itong nakatingin sa lolo ko. Tabingi pa ang salamin nito sa mata. Hubad baro ito at natatakpan lang ng kumot ang ibabang katawan. Napatingin naman ako sa sarili kong katawan agad kong nahila ang kumot at itinakip sa katawan ko na hubad din. Agad namang nag sink in sa akin kung anong nangyayari. Shit

"Hayup ka! Pananagutan mo ang apo ko kung ayaw mong sumabog ang utak mo!" Nanggagalaiting sigaw ni Lolo kay Juancho.

Napalingon ako kay lolo.

"L-lo" protesta ko.

"Tumahimik ka Erika!" Sigaw nito sakit galit na galit pag katapos ay bumaling uli kay Juancho "Ano lalake papanagutan mo ba ang apo ko o babarilin kita?" Napa nganga ako. Pananagutan? Ako? Shit tang ina

"Huminahon ka muna Damian." Awat dito ng Lola Constantina. Nasa tabi ito ni Lolo at pigil pigil ang esposo sa pag huhuramentado.

"Huminahon?! Ginalaw ng hayup na yan ang apo ko tapos gusto mong huminahon ako?! Hala Pareng Gusting ikasal mo na areng mga lintik na ito!" Napamaang ako sa sinabi ng lolo ko. Seryoso ito at mukhang walang makakapigil sa desisyon nito.

Lumapit naman ang isang matanda naring lalaki na may hawak na mga papel. nakasuot ito ng pajama at t-shirt na puti.

"K-kasal? Teka.. teka.. Lo, ayokong mag pakasal" natatarantang tutol ko.

Marahas na napalingon sa akin si Lolo. Namumula ito sa galit, mukang malapit ng atakihin.

"Ikakasal ka sa ayaw o sa gusto mo Erika kung ayaw mong pati ikaw e, barilin ko!" Labas na ang litid ng Lolo ko. Napalunok ako dahil mukang seryosong seryoso ito at desedido na maipakasal ako. Lalong sumakit ang ulo ko. Mukang hindi si Marius ang makakapatay sakin kundi ang pinakamamahal kong abuelo. Tumingin ako sa dereksyon ni daddy pero mukhang di ko ito mahihingan ng tulong dahil ang sama rin ng tingin sa akin, si mommy naman ay nakasubsob lang sa dibdib ni daddy. Nilingon ko naman si Juancho sa tabi ko, tahimik lang ito kahit namumutla parin pero wala naman sa itsura nito ang pagtutol o baka shock parin kaya hindi alam kung ano ang i-re-react?

Lumapit na sa amin ang kumpare ni Lolo sa paanan ng kama siya pumwesto. Ngali-ngali kong sipain kaya lang baka bigla akong barilin ni Lolo .

Wala ako sa sarili ko kaya hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi nila. Namalayan ko nalang na inabutan nila kami ng singsing para isoot sa isa't isa pag katapos ay may pinapirmahan sa aming mga papel.

"You may now kiss the bride.." Sabi nung nagkasal sa amin na hindi ko alam kung saan ba napulot ng lolo ko sa ganitong kaaga.

Doon ako parang natauhan. Ikinasal ako ng nakahubo't hubad at tanging kumot lang ang saplot, habang naka upo sa kama, gulo gulo ang buhok at may muta pa sa mata. This is not my fucking dream wedding! Himutok ko. Nag pupuyos sa galit ang kalooban ko. Feeling ko ay naisahan ako.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon