KANINA pa mainit ang ulo ni Erika dahil sa natanggap na tawag mula sa Daddy niya. Pinauuwi siya nito ng San Ignacio dahil birthday ng Lolo Damian niya.
Napabuntong-hininga na lang siya. Mahal niya ang lolo niya pero wala siyang balak umuwi ng San Ignacio. Paniguradong kukulitin lang siya ng Daddy niya na mag-take over na sa kompanya nila, na ayaw na ayaw niya naman.
Hindi niya kayang manatali sa isang lugar ng mahabang panahon at iyon ang mangyayari once na pumayag siya sa gusto ng Daddy niya.
Ano siya bale?
Bakit naman siya magpapakahirap magtrabaho kung may mga empleyado naman na kayang gawin iyon?
At isa pa, malay niya naman sa pagma-manage? Sarili niya ngang buhay hindi niya ma-manage ng ayos, yun pa kayang dambuhalang kompanya? Ni hindi nga siya nakapagtapos ng kolehiyo.
Tinamad na siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng 3rd year na siya sa kolehiyo sa pang apat na kurso niya. Feeling niya kasi niloloko niya lang ang sarili. Wala naman kasi siyang natututunan sa lahat ng mga itinuturo ng nga professor niya. Mas madalas pa siyang lasing kaysa pumasok ng matino at hulas sa alak.
Aminado naman siya na walang direksyon ang buhay niya ngayon. Masisi ba siya ng mga ito? Kung mas gusto niyang mag-party gabi-gabi at mag-travel kung saan-saan? Sinanay siya ng mga ito sa ganoong buhay.
Buhay na walang pakialam sa 'yo ang mga magulang mo kahit anong gawin mo. Depende na lang kapag nasabit ka sa gulo. Maaalala ka nilang tawagan at sermunan, tatakutin na puputalan ng credit cards at hahayaang mabuhay mag-isa. Pero 'wag ka! Pag naman mga kinulit niya at sinundan-sundan mabilis pa sa alas kuwatro na ibabalik sa kanya ang credit card niya, may bonus pang trip out of the country. Mawala lang siya sa paningin ng mga ito dahil of course, they were busy on their own business.
Puro business ang inaasikaso nila noon pa mang matuto siyang magsalita at kapag maglalambing siya na mamasyal sila, sinusuhulan lang siya ng pera para tumigil siyasa kakakulit sa kanila. Hanggang sa itigil niya na ang pagse-self pity na walang pakialam sa 'kin ang mga magulang niya at umpisahang enjoy-in ang pagiging anak ng isang banker at isang hotelier.
At ngayong bente sais na siya saka naman maaalala ng mga ito na suwetuhin at pangaralan siya? Huli na ang lahat para doon. Kung baga sa adik, lulong na siya sa mga luho na nakukuha niya at sa kalayaang taglay niya!
Mayaman naman sila. Hindi basta-basta mauubos ang yaman nila pero ang pasensiya niya kaunting-kaunti na lang. Hindi niya alam kung bakit pinag-ti-tripan na naman siya ng daddy niya kaya pinag-iinitan na naman siya. Tinakot nga siyang puputulin ang lahat ng credit cards niya at hindi popondohan kapag hindi siya umuwi sa birthday ng lolo niya na gaganapin sa fiesta ng San Ignacio.
Nakakainis! Hindi pa naman ganoon katanda ang mga magulang niya para magretiro. Bakit ba sila namimilit ng may ayaw?
Napukaw ang pagsisintimiyento niya nang tumunog ang doorbell. Nangunot ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Tamad na tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sofa para buksan ang pintuan ngunit bago pa siya makalapit niluwa na niyon si Marius, her ex-boyfriend.
Hindi maipinta ang mukha nito. Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay. Isa pa tong gunggong na ito, sakit din ng ulo. Hindi ata alam ang salitang move on kaya ilang araw na siyang pinepeste na makipagbalikan. Napakatigas ng bungo!
"Ano na naman?" mataray niyang tanong. Pinaalala niya rin sa sarili na palitan ang lock ng condo niya, may access nga pala ang lalaking ito.
Umamo naman kaagad ang mukha ni Marius. Iniabot sa kanya ang isang boquet ng bulaklak na di niya pinagkaabalahang abutin o tignan man lang. Hindi naman nagustuhan ni Marius ang ginawa niya, muling dumilim ang mukha nito nang mapagtantong wala siyang balak kunin ang ibinibigay nito.
BINABASA MO ANG
The Wild Heiress (completed)
RomancePara takasan ang obsess na ex-boyfriend sa manila, napilitan si Erika na mamundok at bumalik sa probinsya. Pero ang wild at partygoer na heredera maikakasal naman sa nerd at boring pero may 6 pack abs na binata! Magawa kayang i-tame ng binata ang wi...