💋 CHAPTER 4 💋

8.8K 269 44
                                    

Erika

NAPABALIKWAS AKO ng bangon. Nagpalinga-linga ako sa paligid saka ko lang naalala na nasa bahay ako ni Juancho or should i say bahay 'namin' ni Juancho? Napabuntong hininga ako. Gusto kong maiyak. Ang bilis nag bago ng buhay ko. Last week lang masaya pa akong nakiki-party kasama ang mga kaibigan ko sa Manila. Until that fucking Marius barges in at my condo and harass me, and now im stock in this fricking house, married to a man i just slept last night.

Napatingin ako sa bumukas na pinto. Nakatayo doon si Juancho. Nakasuot na ito ng t-shirt at short, nakapaa lang ito. May bitbit itong pink na tsinelas. Lumakad ito papalapit sakin at inilapag ang tsinelas sa tapat ko. "Baka hindi ka sanay na nakapaa sa loob ng bahay" Sabi nito. Nagtaka naman ako kung saan nito kinuha ang tsinelas? At pink pa. mukha namang nabasa nito ang iniisip ko kaya agad ding nag paliwanag. "Binili ko yan kanina. Masarap kasi ang tulog mo kaya di na kita ginising ng pumunta ako sa bayan. Nakaluto na rin ako. Baka nagugutom kana-"

"Anong oras na ba?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Quarter to twelve na. Gusto mo na bang kumain?" Tanong nito.

"I'm gonna take a bath first, im so sticky na." Maarteng sabi ko. Tumayo na ko at sinoot ang tsinelas na ibinigay nito kanina. Lumakad naman papunta sa cabinet ang lalaki at kumuha ng damit ko doon at underwear saka ipinatong sa ibabaw ng kama kasama ang twalya. May kung anong humaplos sa puso ko sa ginagawa nitong pagaasikaso sa akin. Wala pang nag asikaso ng ganon sakin.

"May binili na akong toiletries para sayo, nilagay ko na sa banyo." Nakangiti nitong sabi.

Naramdaman ko namang nag init ang mukha ko. It's a first time na may nagasikaso sa mga pangangailangan ko maliban sa yaya ko. Even my own parents won't do that for me. They let my yaya do that for myself. Tumikhim muna ako at nag iwas ng tingin dito saka dinampot ang mga damit at tuwalya sa kama.

"T-thanks," Pasalamat ko dito. I can't look at him and i don't know why, bigla akong nakaramdam ng hiya dito. Malamig ang naging pakikitungo ko dito pero parang baliwala iyon dito. "L-ligo na ko." Yun lang at nag mamadaling lumakad na ako papunta sa banyo.

Nang makapasok sa banyo agad kong isinara ang pinto at sumandal doon. Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok non?

"Ghaad bakit ba nag papalpitate ako?"

Juancho

NAPABUNTONG-hininga na lang ako nang makitang nagmamadaling lumabas ng pintuan si Erika. Mukhang natakot ko na naman siya. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko na pagsilbihan siya. Pero masisisi ko ba ang sarili ko? Masaya ako na pagsilbihan siya. It was an honour. My princess deserve to be treated like a queen, kahit na hindi maganda at marangya ang bahay ko, gusto kong bumawi sa pamamagitan ng pag sisilbi sakanya.

Inayos ko lang ang gusot sa kama saka lumabas na. Naghain ako sa lamesa para sa pananghalian namin ng may kumatok. Sumilip ako. Hindi naman nakasara ang pintuan at tanaw yon mula sa kusina. Nakita ko si Apple na nasa pintuan. Kababata ko ito at matalik na kaibigan. Ngumiti ako at sinenyasan siyang pumasok.

"Ano yang dala mo?" tanong ko sa dala nitong dilaw na food container.

"Bopis. Nagluto kasi ang Inay. Naalala kong paborito mo to kaya naisipan kong dalhan ka," nakangiti nitong sagot.

Inabot ko naman ang dala nito saka binuksan ang takip at inamoy ang laman."Hmmm... amoy pa lang masarap na, teka isasalin ko muna to."

Kumuha ako ng mangkok at isinalin ang bopis.

"Huwag munang hugasan," natatawang anito.

"Baka di na ko makaulit niyan pag di ko hinugasan to," nakangiting biro ko dito. "Nagluto ako ng Caldereta, magdala ka din sa inyo."

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon