💋 CHAPTER 19 💋

7.1K 232 15
                                    


NAPASALAMPAK SIYA SA sahig habang hawak pa rin ang seradura.

Nanginginig ang kamay niya.

Para siyang galing sa marathon dahil sa pagkahapong nararamdaman.

Nalamukos niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Napakabilis ng tibok non kung hindi ba naman traydor!

"Galit tayo sa kanya bakit ka tumitibok ng ganyan?" Umiiyak na tanong niya sa sarili saka pinagbabayo ang sariling dibdib. "Ang tanga tanga mo! Letse ka wala kang kwenta, napaka gaga mo!"

Lahat ng sakit na gabi-gabi niyang iniiyakan ay mas dumoble ngayon. Kung pwede niya lang dukutin ang puso niya para mamanhid na siya gagawin niya.

Nag ring ang cellphone niya hindi niya sana sasagutin yon pero mukhang walang balak tumigil ang kung sino mang-agaw eksenang tumatawag na yon. Kinuha niya yun mula sa handbag niya. Ang daddy niya pala ang tumatawag.

Naipaikot niya na lang ang mga mata. Pinunasan niya ang mga luha saka ilang beses na tumikhim para mawala ang bara sa lalamunan niya.

"H-Hello dad?"

Matagal bago ito sumagot "Are you crying?" Bakas ang pagaalala sa boses nito.

Bumuntong hininga siya. "No, dad may sipon lang ako. What is it? Napatawag ka?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Ah, I forgot to tell you na may meeting bukas ang board members kaya dapat lang na nandoon ka."

"Ok. Yun lang ba?"

"Yes.. and"

"And what?" Kunot-noong tanong niya dito.

"Oh nothing. Basta siguraduhin mong nasa board meeting ka bukas!" Bilin pa nito saka nagpaalam na sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya uli. Tumayo na siya at nagtungo sa kwarto niya.

Tinanggal niya lang ang sapatos niya at binato ang handbag niya saka nagdive sa kama. She feel drained and exhausted. Gusto niya sanang uminom kaya lang baka tanghaliin siya ng gising bukas.

Naiiyak na naman siya nakakainis! Haaay.. Pano kaya siya makakatulog ngayon?

HINDI NA NIYA ALAM kung anong oras na siya nakatulog. Daig niya pa may hang over ng pumasok siya sa opisina.

"Good morning ma'am." Bati ng secretary niya.

"Black coffee." utos niya dito.

"Yes ma'am"

"Ah. Luz, tapangan mo ha." Dagdag niya pa dito. Kailangan niya iyon dahil feeling niya nakalutang ang utak niya.

Pumasok na siya sa opisina niya at naupo. Sumunod din naman agad ang secretary niya. Nilapag nito ang kape sa harap niya. Agad niyang hinigupan iyon.

"Anong schedule ko ngayon?" Tanong niya dito.

"9am meeting with the board members, 11:30am luncheon meetings with the supplier and 3pm meeting to--"

"Ano bang agenda sa meeting mamaya?" putol niya sa sasabihin nito.

"Ipapakilala po ang bagong General Manager ng AHC Ma'am" magalang na sagot nito.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Walang nabanggit ang daddy niya tungkol don. Ang daddy niya ang tumatayong General Manager at sino naman kaya ang ipapalit nito?

"Nasaan ang daddy?" Tanong niya dito.

"Nasa conference room na ma'am"

Tumayo siya at nagmamadaling pumunta sa conference room. Hindi na siya kumatok at basta na lang pumasok, napatingin sa kanya ang lahat ng nandoon.

The Wild Heiress (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon