CHAPTER FOUR

4K 101 6
                                    


ANDREA POV


Pag uwi ko sa unit ni Kristoff ay wala parin siya. Hays. Nasaan na kaya yun ngayon?

Hindi na ako nag abala pang pumunta sa kusina para kumain ng dinner at agad na akung dumiretso sa kwarto at pumasok sa bathroom para makaligo na at makapag pahinga.


Hindi ko alam pero masyado akung napagod ngayon araw. Idagdag pa ang hindi namin naging magandang pag uusap kanina ni Austin.


Hays! Mapatawad pa kaya ako ni Austin? Matanggap pa kaya niya ako ulit pagkatapos ng ginawa kung pag iwan sakaniya?

Bakit kase ang hina ko? Kung naging malakas lang sana ako noon.. Hindi ko siya magagawang iwan. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi siya magagalit at hindi kami magkakalabuan ng ganito.

Ngayon.. Kailangan kung harapin ang lahat. Pagbayaran ang mga kasalanan sa asawa ko at humingi ng tawad sakaniya..

Dahil umaasa parin ako na babalik siya saakin, umaasa parin ako na mapapatawad niya ako sa lahat ng mga nagawa ko sakaniya.

~/~


Maaga ako nagising dahil nga may pasok pa ako sa office ngayong araw.


Lumabas muna ako ng kwarto at papasok sana sa kusina para kumain dahil nagugutom na talaga ako ng makita si Kristoff dito sa may sala na hindi maipinta ang mukha at seryosong nakaharap ngayon sa laptop niya.


"Kris--" napatigil ako ng makita ang suot niyang office attire ngayon. Wow. Ngayon ko lang siya nakita na nakaganito at hindi ko ikakaila na mas lalong gumagdag ang kagwapuhan niya ng dahil sa suot niya ngayon.


Seryoso niya akung tinignan kasabay ng pagtiklop ng laptop niya.

"bakit ka nakatingin?!" seryoso nitong tanong. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reaksyon niya o ano. Nagbubugnot ba siya?!
"ang gwapo mo ngayon ah! Anong meron?" nakangisi kung tanong. Napatingin ako sa neck tie na hawak niya na hanggang ngayon pala ay hindi niya parin nasusuot sa leeg niya.
"Wala" masungit niyang saad. Mahina akung natawa. Alam kung iritado na si Kristoff sa lagay niya ngayon pero parang ang sarap niya paring kulitin. Ewan. Dahil siguro diyan sa suot niya.


Tumayo siya at pumasok sa sarili niyang kwarto at ako naman ay umupo sa sofa na kanina niyang inuupuan.

Parang may kung anong pumasok sa isip ko at dahan dahan kung kinuha ang laptop niya na nakapatong sa taas ng center table at binuklat yon.


Laking gulat ko ng makita ang screen ng laptop niya..


"HAHAHAHA! K-Kristoff.. Totoo ba ito?" tawang tawa kong tanong ng makita na nanunuod niya ng tutorial kung paano ang tamang pag suot ng necktie. Sinasabi kona nga ba't hindi siya marunong nito eh.

First time lang siyang mag suot ng ganyan kaya siguro hindi niya alam. Hayyyy Bullet!


"Sinong may sabi na pakialaman mo itong laptop ko?" galit niyang tanong. Hindi ko siya pinansin at kinuha sakaniya ang neck tie na kanina niya pa hawak.


"Kristoff.. Dapat kanina kapa nag pasuyo saakin nito. Psh. Kalalaki mong tao hindi ka marunong mag suot ng necktie" natatawa kung saad habang maayos na sinusuot sakaniya ang necktie.

"so.. Saan pala ang lakad mo?" tanong ko pa. Mabilis siyang umiwas ng tingin..


"From now on.. Kailangan ko ng magtrabaho sa company ni Dad. Kahit ayaw ko, wala akung magagawa" sagot niya. Taka ko siyang tinignan.
"Sa Dad mo?" sabi ko pa.
"Yep. Anyway.. May gusto pa sana ako na malaman mo" sabi niya dahilan para seryoso ko siyang tignan.


Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon