CHAPTER TWENTY FIVE

3.7K 105 16
                                    


[ANDREA POV]

Lumabas ako ng building ng headquarters at nagmadaling pumunta sa parking lot para kunin ang sarili kong sasakyan.

Kagabi ko pa talaga gustong umalis pero hindi ako pinayagan ni Tito at ng mga kasama ko sa headquarters dahil masyado na daw malalim ang gabi, at baka mapaano lang ako.

Gusto ko nang makausap si Austin tungkol sa mga nangyari. Oo at inamin saakin ni Tito na buhay nga ang anak ko pero gusto niya na si Austin mismo ang mag sabi at magpaliwanag saakin ng lahat. Pero ang mas pinag aalala ko ay ang kalagayan ngayon ng anak ko. Nasaan siya?!

Bigla akong napatigil ng makita si Kristoff na kalalabas lang sa sarili nitong kotse at agad na lumapit saakin.

Mabilis naman akong napaiwas ng tingin sakaniya.

"Nabalitaan ko na ang nangyari sainyo kagabi, totoo ba na ikaw ang pumatay doon sa doctor? Andrea paano kung balikan ka ng pamilya non?! Okaya makulong ka dahil sa ginawa mo?--" sunod sunod nitong tanong. Napailing ako at tamad siyang tinignan.

"ayoko munang isipin ang bagay na yan. May mas importante pa akong bagay na kailangang solusyunan bago yan." saad ko at lalampasan na sana siya ng bigla niya ulit akong hinarangan para pigilan.
"sasamahan kita" sabi naman niya sabay hawak sa kamay ko at hinila papasok ng kotse niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Tahimik lang kami buong byahe. Mamaya kona lang sasabihin sakaniya ang lahat ng mga nalaman ko. Tutal, kakailanganin ko naman ang tulong ni Kristoff para kaagad na mahanap ang anak ko.

~/~

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng kotse at tumingin sa kabuoan ng bahay ni Austin.

"Andrea, ano ba talaga ang ginagawa natin dito?" naguguluhan na tanong ni Kristoff.
"kailangan kong makausap si Austin,-"

Napahinto naman ako ng makita ang dalawang pulis na nasa harap ng malaking pinto ng bahay habang kausap si Austin at mga kaibigan nito.

Gusto kong marinig ang side niya pero nangingibabaw talaga saakin ang inis at galit dahil sa ginawa niya! Ayoko man siyang sumbatan pero bakit nawawala ngayon ang anak namin?! Bakit hindi niya ito nabantayan ng maayos?!

Napatigil si Austin ng makita ako, at halata ang gulat sa mukha niya habang nakatitig lang saakin.

Hindi ko inalis ang masamang tingin ko sakaniya at siya na mismo ang unang naglakad palapit saakin.

Paglapit niya, hindi pa naman siya tuluyang nakakapag salita ng agad ng dumapo sa pisngi niya ang palad ko ng dahil sa inis at galit.

"Andrea!" gulat na saad ni Kristoff at mabilis na pumagitna saamin ni Austin. Hindi ko siya pinansin.

"b-bakit mo nilihim saakin ang tungkol sa anak natin?" hindi ko napigilan ang bigla kong pag piyok dahil sa pag pipigil ng hikbi. Masyado na akong madaming nailabas na luha kagabi, at hindi pa pala yon sapat dahil lumuluha nanaman ako.
"Magpapaliwanag ako. Please, pakinggan mo muna ako. Sa loob tayo mag usap" sagot naman ni Austin at sandaling tinignan si Kristoff.

"dito nalang kita hihintayin" tumango naman ako bago sumunod kay Austin ng hawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob ng bahay.

"Andrea" gulat naman na saad ni Steven at napatingin din saakin, si Erven dahil sa bigla naming pag pasok sa loob. Nandito din ang mga asawa nila at halata din ang pamamaga ng mga mata nila dahil siguro sa nangyari.

Dito ako sa kusina dinala ni Austin at tyaka lang binitawan ang kamay ko ng maisarado niya na ang pinto.

Muli ko siyang tinignan ng masama.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon