CHAPTER FIVE

4K 106 3
                                    


[ANDREA POV]

"magkapatid kayo pero hindi biologically?" hindi ko makapaniwalang tanong. Nandito na kami ngayon sa penthouse ni Kristoff at wala parin akung tigil sa kakakulit sakaniya na iexplain saakin ng maayos ang relasyon niya kay Giselle.

"Yes. Anak siya sa ibang lalake ng step mother ko. At dahil mahal ni Dad ang stepmom ko, inampon niya na din si Giselle." paliwanag nito. Dahan dahan akung tumango.
"bakit parang hindi kayo close?" tanong ko pa. Tamad niya akung tinignan.
"wala namang rason para maging close kami sa isa't isa. Sila din ng mom niya ang dahilan kung bakit ako umalis sa puder ni Dad. Hanggang ngayon nga hindi kopa sila tanggap para maging part ng pamilya namin at hinding hindi ko sila matatanggap kahit na kailan" seryoso nitong saad at halata sa boses niya ang inis at galit.
"p-pero bakit?" tanong kopa.
"nang nawala si mom, agad nakahanap si dad ng kapalit niya. Sa ginawa niya, parang pinamukha niya na din saakin na hindi naging mahalaga si mom sakaniya. Kaya hindi ko sila kayang tanggapin. Ayoko na din sanang makita si Dad kung hindi lang siya nagmakaawa saakin na bumalik sakaniya. Wala naman akung pakialam sa yaman nila ngayon. Nabuhay nga ako ng hindi ginagamit ang pera niya kaya wala ng rason para tanggapin ko pa ang kumpaniya na ipapasa saakin ni Dad. Pero wala namang ibang mag mamana non kundi ako lang dahil hindi niya din kayang iwan ang lahat ng mga ari arian niya sa mga taong hindi niya naman kadugo o kaano ano. " paliwanag pa niya. Muli akung napatango. Hindi ko alam na ganito pala kahirap at kalungkot ang buhay ni Kristoff.

Hindi naman din kase siya nag oopen saakin eh. Ngayon lang talaga siya nag kwento saakin ng ganyan.

"ilang taon ka nang umalis ka sainyo?" tanong ko pa. Curious lang ako dahil simula ng makapasok ako bilang secret agent, nandoon na sa headquarter si Kristoff at mukha ngang siya pa ang mas nauna saakin na maging agent eh.

"10 years old. Hanggang sa makilala ko si Sire at siya ang kumopkop saakin. After non, hindi kona ulit nakita si Dad. Ngayon nalang ulit" sagot naman niya.
"talaga? Mukhang mahirap nga ang pinag daanan mo noon" sabi ko pa. Umiling siya.
"hindi naman masyadong mahirap. Basta nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, ayos na yon para sabihin na hindi mahirap ang buhay" natawa ako dahil sa sagot niya. Yan ang gusto ko kay Kristoff eh, napaka positive. At paano pala magiging mahirap ang buhay niya eh wala naman siyang ibang gustong gawin kundi ang harapan ang computer niya mag hapon? Psh.

~/~

Napangiti ako ng makitang ayos na ako sa harap ng salamin.

Nakasimpleng ponytail lang ang buhok ko dahil wala akung maisip na gawin dito sa buhok ko. Then backless above the knee black dress yung suot ko dahil ito nalang ang napili namin ni Kristoff kaninang nag titingin kami ng mga damit.

Kinuha ko yung purse ko pati ang high heel na susuotin ko at mabilis ng lumabas ng kwarto ng saktong makita ko si Kristoff na papasok naman ng kusina.

"hey. Ready kana pala?" tanong ko ng masundan siya. Nakasuot siya ngayon black and white tuxedo na talagang bumagay sakaniya. Ang gwapo talaga ng isang to kapag nakasuot ng formal attire. Ewan ko, hindi lang siguro ako sanay na makita siyang nakasuot ng mga ganyan.

"baka matunaw na ako sa tingin na yan ah?" biro ko ng mapansing ilang segundo siyang nakatingin saakin. Umiling siya.

"bakit? Bawal bang tumingin?" tanong niya sabay kuha ng slice bread at nilagyan niya yon ng palaman.
"kakain kapa?!" gulat kong tanong sabay tingin sa wristwatch na suot ko. 6:30pm na 7:00 ang start ng party.

"oo, nagugutom na ako eh" sagot naman niya.
"Pero Kristoff! Madudumihan ka lang, doon na tayo sa party kumain, for sure madaming mga masasarap na pagkain doon." sabi kopa, umiling siya at tinuloy ulit ang pagkain niya.
"hindi pa ako nag lalunch at as if namang makakakain ako ng maayos doon? " bugnot niya. Inirapan ko siya.
"fine. Bilisan mo diyan ah! Ma-late pa tayo" sabi ko at lumabas na ng kitchen at dumiretso dito sa sala para isuot nag heels ko.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon