CHAPTER SEVENTEEN

3.2K 77 9
                                    


[ANDREA POV]

"Seryoso ba talaga kayo?" naguguluhan kong tanong dahil disperas na ng pasko. Ilang oras nalang pasko na at ngayon palang talaga nila binalak na umalis.

Bumaba muna si Steven sa kotse, kaya sumunod na ako pati si Austin na agad namang lumapit sa compartment ng kotse para kunin ang mga bagahe namin na dadalhin.

"hindi pa ba obvious Andrea?" nakangisi na sagot niya. "kung binigyan tayo ng maagang break ng magaling mong asawa, edi sana noong isang araw pa tayo nandoon" dagdag pa niya at nagsimula ng mag lakad papasok ng Lee's Enterprise Building.

"kung hindi ko yun ginawa, malamang ay hindi tayo makakapag relax ng maayos dahil sa iisipin pa natin ang mga paperworks sa opisina. Ngayong tapos na natin ang lahat ng yon, edi makakapagpahinga na tayo. We're be able to have a calm and relaxing break.." sabi naman ni Austin habang papasok kami ng elevator.

"exactly bro. Alam mo bang nakapag send na ng mga pictures ang dalawang hinayupak na yon saakin kanina? The place and view there is really relaxing and peaceful. Swear" sabi naman ni Steven. Nauna daw kasing pumunta si Xander at Erven doon kaninang madaling araw kasama ang mga asawa nito at mga anak. Kasabay na din nila ang mag anak ni Steven dahil tutulong daw ito sa pag luluto at pag hahanda ng pagkain para mamayang noche buena.

Kami naman ay tinanghali na ng gising dahil wala naman akong kaalam alam sa biglaang bakasyon nila na to.

Nalaman ko rin na sa isang private island resort kami pupunta na pagmamay ari ng pamilya ni Eva, siya na ang nag suggest ng lugar dahil parepareho naman na kuripot ang apat na to at ayaw gumastos para sa lugar na pupuntahan. Ayaw din nilang mag celebrate nalang ng Christmas sa kaniya kaniyang mga tahanan dahil boring daw ito at gusto nila ay magkakasama.

Pagkadating namin sa rooftop ng building tumambad agad saamin ang isang chopper na maghahatid saamin papunta sa island resort.

"are you happy?" tanong ni Austin ng makaupo ako dito sa loob at tumabi siya saakin. Si Steven naman ay umupo doon sa tabi ng piloto na hinire pa yata nila.

Pilit akong ngumiti at tumango.

"It's Christmas. Kailangan nating maging masaya" naiiling na sagot ko. Ngumiti din siya.

"yeah" pag sang ayon nito.

Pinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng maramdaman ko na umaangat na kami.

Hayys. Sana nga ay mag enjoy kami sa lugar na yon.

Pero mukhang mag eenjoy naman talaga kami dahil una sa lahat kami lang ang tao doon sa island resort dahil vacant naman daw ito at solong solo namin ang buong lugar.

"Kailan tayo babalik?" bigla kong tanong dahil masyadong madaming damit ang ipinaempake saakin ni Austin kanina, at hindi ko naman natanong kung ilang araw ba kami mananatili doon.

"Wala pa nga tayo doon, tinatanong mo na agad kung kailan ang balik natin? Gusto mo ba talagang sumama ah?" sabat ni Steven at mukhang narinig ang tanong ko. Inirapan ko naman siya.

"hindi ikaw ang kinakausap ko" pag tataray ko dahilan para matawa ito.

"after new year. Napagdesisyunan namin na doon na mag stay hanggang new year" sabi naman ni Austin sabay hawak sa kamay ko at pinisil yon.

"a-ano? Pero paano ko mabibigay ang gift natin kay Aurea? Austin naman!" inis kong saad. Alam niya na may gift ako para kay Aurea dahil sinamahan niya akong bumili kahapon.
"nah. Inadvance ko na kay Kuya." sagot naman niya sabay kindat. Psh. Dapat kase sinama niya nalang din sina Lawrence sa pupuntahan namin para makasama din namin sila mag celebrate ng pasko.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon