CHAPTER TEN

3.9K 88 12
                                    


[Giselle POV]

"good job. Ipapadala ko na ang mga pera ninyo. Dinoble kona yon as you wish, wag lang kayo mag salita." nakangiti kong saad sa harap ng cellphone ko bago tuluyang patayin ang tawag. As of now, wala pa naman akong plano na pumapalpak and that's giving me an excitement for the next plan that I'll do.

Kung hindi mo sana ako sinimulan kanina Andrea, hindi ito mangyayari sayo. How I wish na sana mabuhay kapa ng mas matagal para matagal ko pa din kayong magantihan ni Austin.

Gagawin kong impyerno ang buhay niyo katulad ng pinaranas niyo saakin. Ang pagkakaiba nga lang, mas matagal niyong mararanasan ang sakit habang tuwang tuwa akong pinaglalaruan kayong dalawa.

"what's next? Baka maghinala na yun sayo?" napatingin ako kay Lilian habang pinaglalaruan ang hawak nitong wine glass.

She's just my friend. At alam niya ang lahat ng plano ko.

"bakit naman sila mag hihinala? May nagawa ba ako na kahinahinala? Unti unti ko ng nakukuha ang tiwala ni Austin at hindi ako gagawa ng bagay na alam kong magiging dahilan para mawala ang tiwalang yon. For now, si Andrea muna ang target natin. Lalo na't malapit silang dalawa ni Kristoff." sabi ko bago uminom sa sarili kong wine glass. "I'm still thinking what the best plan to destroy their friendship at para na din malayo ko si kuya sakaniya. Lalo na't wala namang ibang tumutulong sakaniya kundi si kuya lang" sabi ko pa.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dinami dami pang naging kaibigan ni kuya, si Andrea pa.

Ano ba talaga ang meron sa babaeng yon?

Napatayo ako sa couch na inuupuan ko at napatingin sa pinto nitong condo unit ko ng makadinig ako ng kalabog mula sa labas.

"Giselle what is that?!" pati si Lilian ay napatayo din.

"what the hell--" hiyaw ko ng mabuksan ko ang pinto at inis na tinignan si Kuya Kristoff na nandito ngayon sa harapan ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at tinulak papasok sa loob ng unit ko.

"Kristoff anong ginagawa mo!" hiyaw sakaniya ni Lilian pero hindi siya pinansin nito.

"anong kinalaman mo sa nangyari kay Andrea?!"  seryoso niyang tanong habang pilit niyang pinapahinahon ang sarili niya dahil sa galit.
"alam mo na pala" saad ko.
"tinatanong kita!" hiyaw niya dahilan para lalo ko siyang tignan ng masama.
"everytime na may nangyayari sa Andrea na yan, ako palagi ang sinisisi mo! Kuya aksidente ang nangyari! Wala akong kinalaman doon!" paliwanag ko at lumayo sakaniya.

"stop kidding around, hindi mo ako maloloko. Once na may gawin kapang masama kay Andrea hindi ako mag dadalawang isip na sabihin sa lahat kung sino ka talaga!" makaramdam ako ng matinding kaba dahil sa sinabi niya.
"a-ano bang pinag sasabi mo? Pinagbibintangan mo ba ako? Bago ka manisi, magpakita ka muna saakin ng mga proofs mo!" hiyaw ko sakaniya. Bigla siyang natahimik at tinignan ako ng masama.

"see? You don't have any proof. Then stop blaming me kuya." inis kong saad. Nginisian niya ako.

"just wait. I already have a proof. Aayusin ko pa, yung hindi mo talaga madedeny kahit na kanino" huli niyang sinabi bago tuluyang lumabas ng unit ko.

Inis akong napaupo sa couch at tinapon ang lahat na mga bagay na mahawakan ko.

"Arggh! Damn it! Hindi kopa naman tuluyang nagagawa ang talagang plano ko sinisira na niya agad!" hiyaw ko ng dahil sa inis.
"Giselle tama na. He's still your brother. Alam kong hindi ka niya ipapahamak" inis kong tinignan si Lilian.

"No. Kahit kailan hindi niya ako tinuring na kapatid at mas kakampihan niya si Andrea kesa saakin. Kung pwede ko lang siyang isama sa lahat ng plano ko matagal ko ng ginawa. Pero may utang na loob naman ako kay Dad na tumulong saamin ni mommy. Ayoko silang madamay dito"

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon