CHAPTER SIXTEEN

3.3K 79 14
                                    


[ANDREA POV]

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan nitong kusina ng makita na wala dito si Austin, saan naman pumunta ang lalaking yon? Iniwan ko lang siya dito bago ako pumunta sa bahay ni Xander kanina ah.

Lalabas na sana ako ng mapansin ko ang kulay pink na panyo na nasa lapag.

Mukhang nahulong ito ng kung sino.

Kaagad ko yong pinulot dahilan para makita ang pangalang "Aurea" na nakaburda doon mismo sa panyo.

Huh? Galing siya dito?

Nagsimula na akong maglakad palabas sabay tingin sa wrist watch na suot ko.

7:30 na. May pasok pa kami sa office. Hays! Nasaan na ba si Austin?!

Pagdating ko sa bahay ng pinsan ni Austin na si Louise na kapitbahay lang ng bahay namin, agad na akong nag doorbell doon na mabilis ding binuksan nung isang babae na baby sitter ni Aurea ang gate.

"M-Ma'am Andrea" saad nito matapos buksan ang gate.
"nandiyan ba si Austin?" agad ko namang tanong. Tumango ito at sinamahan ako papasok sa loob ng malaking bahay.

"Nasa taas po sila ni Aurea," sabi nito dahilan para mapatingin ako sa pangalawang palapag nitong bahay.
"ipaghahanda ko pa po ng pagkain si Aurea, mauna na po kayo sa taas" sabi pa nito. Tumango ako bago naglakad paakyat ng hagdan.

Bakit naman pumunta si Austin dito? Mukhang wala dito sina Louise.

Palaging wala si Louise at Lawrence dito at palaging ang anak lang nila ang naiiwan kasama ang baby sitter nito. Wala na ba silang oras sa anak nila?

Luminga linga ako para tignan ang mga pinto ng kwarto at kung saan ba ang eksaktong kwarto ni Aurea ng tuluyan akong makaakyat sa ipangalawang palapag ng bahay.

Napatingin ako sa isang kwarto dahil nakabukas ng konti ang pinto nito.

"Aurea wag ng matigas ang ulo. You should take some rest--" sumilip ako doon at nakita ko nga si Austin na nakaupo sa isang couch habang nakaupo naman sa kandungan niya si Aurea at nakayakap ito sa kaniya.

"Sabi mo I'm sick po, dapat alagaan mo po ako. A-Ayoko kay Yaya, l-lagi nalang siya ang kasama ko. I don't like her anymore!" sabi pa nito kaya agad na akong kumatok bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.

"Andrea" gulat na saad ni Austin at ibababa sana si Aurea ng hindi ito pumayag at lalo pang yumakap sakaniya kaya tumayo nalang si Austin habang buhat parin si Aurea.

Ngumiti ako at nilapitan sila.

"here" sabi ko kay Aurea at inabot sakaniya yung panyo na naiwan niya yata, agad naman nitong kinuha yung panyo at tipid lang na ngumiti bago muling isubsob ang mukha nito sa balikat ni Austin.

"Oras na. Malalate na tayo sa office" sabi ko ulit. Tumango si Austin at pilit  na pinaharap sakaniya si Aurea. Namumula ito at mukhang may sakit nga.

"Aurea I'll be here again after work. What do you want? I'll buy that later-" sabi naman ni Austin at dahan dahan itong binaba sa malapad na kama.
"N-No, no, no. Don't leave" saad naman ni Aurea at nagsimula ng umiyak. Tinignan ko si Austin bago lumapit kay Aurea.
"shh. Stop crying. L-Lalo kang magkakasakit kapag hindi ka tumigil-" napahinto ako ng maramdaman na ang init nga ng katawan niya. Nilalagnat ito.

Pinilit nitong tumayo at inabot si Austin para yakapin.

"wag ka nalang muna pumasok, alagaan mo muna siya dito" sabi ko naman dahil kawawa si Aurea kung iniwan siya ni Austin ng ganito.
"paano ka?" tanong niya naman. Pilit akong ngumiti.
"ako na munang bahala. Papasok ako-" sabi ko naman dahilan para agad siyang magsalita.
"No. Ako nalang ang papasok. Hindi ako marunong mag alaga ng batang may sakit" sabi pa niya at nilipat saakin si Aurea na ikinagulat ko. Mabilis akong umayos ng tayo at inayos din ang pagkabuhat kay Aurea.

Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon