ANDREA POVIlang araw na din pala simula ng makauwi kami ni Austin galing hospital at masasabi ko na okay na talaga ako ngayon, naghihilom na din ang sugat ko at hindi na ito masakit tulad ng dati.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto nitong kitchen dahilan para mapatingin ako kay Austin na kapapasok lang dito.
"bakit hindi mo ako hinintay?" iniwasan ko siya ng tingin at uminom muna sa coffee na tinimpla ko bago sumagot.
"ang tagal mo eh" walang ganang sagot ko at sumubo ng tinapay na almusal ko.
"hindi ka nanaman nag luto ng breakfast?" seryosong tanong niya. Umiling ako.
"ts. Obvious ba? Kung ayaw mong kumain ng ganyan, magluto ka ng sarili mong breakfast." sagot ko at tumayo na dala ang coffee mug ko. Ramdam ko ang seryoso niyang titig saakin habang palabas ako ng kusina.Muli akong napairap sa hangin.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganito ako kay Austin ngayong araw, dahil lang naman yon sa nahuli ko siya na kausap nanaman sa cellphone si Giselle. At ang mas nakakainis pa, nahuli kona nga siya na kausap ang babaeng yon dinedeny pa niya.
Hindi niya ba kayang ibaliwala ang babaeng yon kahit sandali lang? Napapansin ko kase na kapag nag text o call ang babaeng yun sakaniya, agad niya itong sinasagot at nirereplyan. Ts. Alam kong napakaliit na bagay lang to pero naiinis talaga ako sa tuwing nag uusap o nagkakaroon siya sa komunikasyon sa babaeng yon.
Dumiretso ako palabas ng gate para magpalipas muna ng inis kay Austin. 7 o'clock palang naman kase, at pwede naman siguro na dito ko nalang siya hintayin dahil sabay parin kaming papasok ng office ngayong araw.
"let's play outside. There is a playground nearby. Come on"
"I can't! Mommy said that I'm not allowed to go outside"Tumaas ang isang kilay ko ng marinig ko ang pag uusap ng dalawang bata na nandoon sa kabilang bahay. Napansin ko nga na mukhang may bagong lipat doon pero hindi ko naman kilala kung sino dahil hindi kopa ito nakikita.
"your mommy wasn't here. Hindi niya malalaman! Come on Aurea" lalong napaseryoso ako ng mamukhaan yung batang lalake na nasa labas ng gate. Si Xian ba yun? Yung anak ni Crisha and Xander?
Teka, anong sinabi niya?
Aurea?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagulat nalang ako sa sarili ko ng makitang palapit ako sakanila ngayon.
"Tita Andrea? Hi po" sabi ko na nga ba at si Xian to e.
"anong ginagawa mo dito Xian?" tanong ko at gulat naman ako na napatingin sa loob ng gate ng makitang nakatayo doon si Aurea habang nakayakap sa railing ng gate at mukhang gusto ngang lumabas pero nakalock ito.Nahihiya niya akong kinawayan.
"Kayo pala ang bagong lipat dito?" nakangiti kong tanong. Bakit hindi nasabi saakin ni Austin na dito na pala lumipat sina Lawrence at Louise. Hays.
Dahan dahang tumango si Aurea.
"Andrea!" napalingon naman ako sa harap ng bahay namin ni Austin ng makita na kalalabas niya lang din doon. Hindi ko siya pinansin ng makitang naglakad siya papunta sa gawi namin.
"tita we want to play po. Pero nakalock po yung gate nila. Can you help us to open that gate po?" pinaningkitan ko ng mata si Xian.
"so gusto mong tulungan ko si Aurea na makalabas para makapag laro kayo?" tanong ko."Alazne?! Why are you here?!--" napatingin ako kay Austin ng tawagin niya si Aurea sa first name nito. Hindi pa naman ito natatapos mag salita ng biglang may babae na lumabas mula sa front door ng malaking bahay.
BINABASA MO ANG
Bring Him BACK (IHSA Book#2 Complete)
FanficSa pagbabalik ko.. Sana mahal niya parin ako.. Sana handa parin siyang tanggapin ako.. At sana.. Napatawad niya na ako.. I want him to come back.. I want everything will be back in place just like what it be and how it be. I already repented on...